"Si Mrs. Yu naman. Ako pa rin naman ang katabi mo sa pagtulog. Ako pa rin naman ang nakikita mo pagkagising mo. Ako pa rin 'yung nagbibigay sa'yo ng good morning kisses..." I kissed her on the lips.

"'Tsaka good morning hug..." I wrapped my arms around her.

"Red...na-mi-miss na kita..." she said with such heartbreaking sincerity that my heart twitched inside my chest. "Sobra na kitang miss. Magkasama nga tayo sa iisang bahay pero parang..."

She sighed again. "I miss us, Red..."

"Sorry na. Babawi ako. Ayaw ko lang namang ipahiya sina Daddy at ang mga Kuya by quitting. Gusto kong tapusin 'yung term ko nang maayos. Naiintindihan mo naman 'yun, 'di ba, Mrs. Yu?"

She nodded sighing.

"O, one more sem at ga-graduate na tayo. Pagka-graduate natin ay tapos na rin 'yung tungkulin ko sa frat. Solong-solo mo na ako n'un, Mrs. Yu. Gabi-gabi na kitang papagurin."

"Tingin mo talaga landi lang ang habol ko sa'yo?"

"Hindi 'yan totoo at alam mo 'yan. Alam mong na-mi-miss rin kita. Alam mong nahihirapan din akong balansehin 'to pero 'eto ako subok nang subok dahil gusto kong maging proud ka sa akin."

"Mukha ba akong hindi proud sa'yo? Kahit siguro magtinda ka lang ng balot ay magiging proud ako sa'yo, Redley."

"Kapag ako nagtinda ng balot, mag-aaway na naman tayo, dahil panggabi 'yun kaya wala kang makakatabi sa pagtulog."

"Redley, you're not taking me seriously!" she exclaimed.

I kissed her on the chin.

"Seryosong-seryoso po ako sa inyo, Mrs. Yu. Sobra. And everything that I'm doing is for you, para sa atin at para sa mabubuo nating pamilya. So please, habaan mo naman ang pasensya mo."

"Potek, sa lagay na 'to ay hindi pa talaga mahaba ang pasensya ko? Eh, kung naging lubid nga lang itong pasensya ko ay mula QC hanggang Cebu ang haba nito."

"Mas habaan mo pang kaunti..."

My wife heaved a heavy breath.

"I really don't mind kung once a week, every weekend, o kahit thrice a week pa 'yang activities mo with your frat. Pero, 'yung araw-araw naman. Kulang na lang d'un ka na tumira sa tambayan n'yo, eh. Dapat ko na bang pagselosan 'yung tambayan na 'yun?"

I chuckled.

"Seryoso ako, Redley."

I chucked her under the chin. "Alam ko at babawi ako, I promise."

She rolled her eyes at me.

"Lalabs, sorry na. 75th anniversary kasi ng frat kaya napakarami naming activities. 'Tapos ang thrust ko pa sa term na ito ay muling paramihin ang members kaya naman ang dami naming recruits. 'Yan tuloy, nagkakasabay-sabay..."

I kissed her tenderly on the neck.

"Sige na...bati na tayo. Tama na simangot..."

She remained quiet.

"Hindi ko type 'yung tambayan namin, 'tsaka loyal ako sa'yo, kaya please, h'wag mo na 'yung pagselosan..."

She scoffed. "Fine."

"Fine lang?"

"Anong gusto mo finer than fine?"

"Halata ko pa ring may tampo ka, eh."

"Hindi na ako nagtatampo."

"Promise?"

"Oo. Hihintayin na lang kita uli mamayang gabi at sisimulan ko na muna 'yung isa sa mga pangarap kong maggantsilyo ng kumot. Sana naman ay makakauwi ka na bago ko pa man 'yun matapos, 'di ba?"

Fools In Love (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now