Teaser

2.7K 50 0
                                    

End of the Universe na para kay Leya nang malaman niyang kasintahan na ni Vince ang crush nitong beauty queen na matagal na nitong pinapangarap. Kaya dapat sumuko na siya sa nararamdaman niya para dito, kung bakit kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya malimut-limutan ang pag-ibig niya para sa lalaki, palibhasa ay nasanay na siyang mahalin ito dahil simula mga bata pa lang sila ay mahal na niya ito. They are the best of friends pero hanggang doon na lang yata ang lahat at hindi na kailanman magle-level up!

Ngunit nang gabing duguan ang puso ni Vince dahil nakipag-break ang beauty queen girlfriend nito ay siya ang to the rescue para damayan at samahan ito sa kalungkutan nito. Kung kaya lang sana niyang mapawi ang sakit at lungkot na nararamdaman nito ang kaso hindi siya pain reliever at happy pill.

Nagkayayaan silang mag-inuman at magpakalasing sa condo nito hanggang sa makalimutan nito ang lahat nang nararamdaman nitong sakit. She really loves this man and she will do everything just to make him feel fine. Ngunit pagkagising niya kinabukasan ay nagulat na lang siya nang makita niyang pareho na silang walang saplot sa katawan ng binata-oh God, may nangyari sa kanila ni Vince at hindi lang 'yon-nahuli din sila ng mommy nito sa gano'ng akto!

Naging mabilis ang pangyayari dahil nang mga sumunod na araw ay namalayan na lang niyang kasal na sila ng best friend niya. Marami ang nagbago sa kanila ng lalaki at isa na doon ay ang palagiang pagsusungit nito sa kanya o hindi kaya pagde-deadma. Alam naman niyang aksidente lang ang lahat at hindi siya mahal nito pero hindi ba nito kayang matutunang siyang mahalin? O baka sadyang wala talaga siyang space para sa puso nito dahil okupado pa rin 'yon ng ex-girlfriend nito.

#VinceandLeyaForever (COMPLETED)Where stories live. Discover now