Chapter 24: Danger

23 1 0
                                    

CHLOE JEAN POV

"Oyy tumigil ka nga dyan Chloe kanina ka pa lakad ng lakad. Nahihilo na ako.. " ani ni Chaein .

Naglalakad lakad ako ng paulitulit habang nakahawak sa labi ko.. Parang kakaiba to.. Iba yung nararamdaman ko di ako mapakali.

"Dito muna kayo may pupuntahan muna ako.. " sabi ko tsaka ko kinuha yung susi ng motor, helmet at jacket ko.

"San ka naman pupunta.. Alam mong delikado ngayon.. " sabi ni Jaeshin at hinarang ako.

"Babalik rin lng ako.." Sabi ko at itinulak sya ng mahina sa gilid tsaka lumabas.

Pinaharurot ko ng mabilis ang motor para mahabol ko kung nasan man sila Jed. Kakaiba tong nararamdaman ko.. Parang may nangyari.

Jed Klein POV

"Di mo ba sila sasaktan pag sumama ako sayo? " tanong ko sa babaeng nakamask na humarang samin.

"That depends on how you all act... Pero kapag walang haharang na iba at sasama ka di naman sasaktan mga ksama mo.. " sabi nya pero bat parang pamilyar boses nya..

Tricia? Ikaw nanaman my kagagawan?

"Oo sasama ako.. Kaya kung pwede paalisin mo na sila.. " sabi ko at maglalakad papunta sa kanila pero pinigilan ako ni Clark at Sean.

"Hindi pwede.. Hindi basta bastang makukuha nyo sya.. " ani ni Sean at pumunta sa harap ko.

"Wag kang magdedesisyon ng ganun ganun lng Jed.. " bulong ni Sean sa akin.

"Hmmm.. Talagang pahirapan ba? Kunin nyo sya! " sabi nung babae at may mga sumugod sa amin.

Maraming lalaki ang pumunta sa akin pero hinrangan nila MJ at Clark.

Nakipagbugbugan rin sila Sean at pati si Butler Dave. Nakipagsuntukan narin ako pero masasabi ko na mas malakas sila kesa sa akin.

Napatumba namin ang kalahati pero may mga dumating pa na mas marami..

"Hindi natin to kaya.. " sabi ni MJ at may sumuntok sa kanya hangang napahiga sya. Napatumba rin si Clark at may humawak kay Sean at Butler Dave.

Napatigil ako ng bglang may humawak na rin sa dalawang kamay ko at di nako makagalaw...

"Hmm kung sana tahimik ka nalang sumana edi hindi sana mangyayari yan sa inyo.. " sabi nung babae at tsaka tumawa.

"Wagg nyong kunin sya! " sigaw ni Sean habang nagpupumiglas. Tinry ko rin sanang makaalis pero mahigpit masyado ang pagkakahawak nila at malalaki talaga ang mga katawan ng humawak sa akin.

"Sabihin nyo kay Chloe na pumunta sa unang lugar kung san kami naglabanan. Dapat wala syang ibang mga kasama. Dapat sya lang.. Hihintayin ko sya hangang hmm 12am.. Kung di sya makakapunta..mamamatay si Jed...TARA NA" sabi nya at sumakay sa kotse.

"Jed!!! " sigaw ng tatlo ng biglang hinatak ako sa loob ng Van..

Nagpumiglas ako pero may nilagay sila sa ulo ko..

Mamamatay na ba ako?

Chloe Jean POV

Napatigil ako ng may nakita akong mga traces ng gulong na para bang may aksidente na nangyari dito.

Pinaharurot ko ulit ang motor ko hangang may nakita akong sasakyan na bumangga sa tunnel at may 2 nakahiga, isa ay nakaluhod at nakatayo.

Tumigil ako aa harap nila at napatingin sila sa akin.

"Anong kailangan mo? " sabi nung isa at nung tinignan ko ay si Sean. May sumugod sa akin at hinawakan ako sa jacket ko.

"San nyo pinunta si Jed!? " tanong ni Clarkna nakahawak sa jacket ko.

"Bitawan mo sya.. Si Ms. Chloe yan.. " sabi ni Butler Dave at napabitaw si Clark. Inalis ko ang helmet at mas gulat sila.

"Ch-chloe? " tanong ni Clark at tinulak ko sya.

"Anong nangyari dito? At nasaan si Jed? " tanong ko habang tinitignan sila.

"May babaeng kumuha sa kaniya.. " sabi ni MJ na tinulungan ni Butler Dave na tumayo.

"Kumuha? Sinong kumuha sa kanya? " tanong ko

"Yung mga tao rin nung batch journey.. " sabi naman ni Clark habang kinuha nya yung Jar na nilagay nya sa gilid.

"Bat si Jed lng ang kinuha nya? " tanong ko at mas lalo akong naguguluhan sa nangyari

"Di na ba halata na ikaw ang gusto nilang pumunta..papatayin nila si Jed pag di ka pumunta" sabi ni Sean..

"Papatayin? Anong ibig mong sabihin? " tanong ko at lumapit sa kanya.

"Gusto nyang pumunta ka sa unang lugar na naglabanan nyo. Maghintay sya hangang 12am kundi mamamatay si Jed...pupunta ka dba?" sabi ni Sean at humawak sa balikat ko.

Tinignan ko ang oras at 10:26pm ang oras..

"Shit.. " napamura ako at pumunta sa motor ko.

"Pero Ms. Chloe.. Di ka magiging ligtas kapag pumunta ka ng mag-isa.. " sabi ni Butler Dave

Pumunta ako sa kanya t binigay ko ang cellphone ko

"Kontakin nyo sila Chaein para sunduin kayo. Wag kayong mag alala.. Walang manyayari sa akin.. " sabi ko tsaka ako sumakay sa motor ko.. Sinuot ko ang helmet at pinaharurot.

"Hintayin mo lang ako Jed. "

Jed Klein POV

Nagising ako sa isang madili at malawak na lugar. San to?

Parang isang arena na malawak at may boxing ring.. Anong lugar to?

"Gising ka na.. " sabi ng babae habang papalapit sa akin. Di ko makita ksi nasa malayo sya pero nung napalapit sya sa may ilaw

"Tricia? Tracey? " tanong ko

"Buti naman namumukhaan mo kami.. " sabi nito at umupo sya para makita nya ang mukha ko

"Bat mo to ginagawa kay Chloe.. " sabi ko at nagpumiglas. Tinignan ko ang sarili ko at nakakadena ang mga kamay ko at nakatali ako na parang aso.

"Hmm.. Kasi nang dahil sa kanila nasisira ang pamilya namin.. Nang dahil sa kaniya di ko nakuha ang gusto ko.. Ako sana yung nasa lugar nya ngayon.. " sabi niya at tumayo.

"Di ka mananalo sa kaniya. A loser is always a loser.. " sabi ko at nakita kong parang nagagalit sya.

Umupo sya at hinawakan nya ang buhok ko at tsaka hinila.

"Nagsisisi ako na minahal kita Jed. Di mo ba naaalala yung mga oras na tayo pa? Bat sya ang kinakampihan mo? " sabi niya. Masakit pero tiniis ko yung pagpungot nya sa buhok ko.

"Kasi mas deserve nya ang ibinibigay ko kaysa yung ibinigay ko sayo.. " sabi ko ..

Kumuha sya ng metal bar at isasampal sana sa akin ng bglang may nagsalita.

"Bitawan mo yan... Kundi ikaw ang mamamatay. Wala pang 12am ginaganyan mo na sya.. Pathetic.. " sabi nito at napatingin kami sa may pinto.

"Chloe" bulong ko

Book 1:The Basketball King Meets The Gangster QueenWhere stories live. Discover now