Nag-angat siya ng tingin mula sa mga bagong disenyong ini-sketch. Sinisiguro ni Sam na araw-araw siyang makaka-tanggap ng update tungkol sa negosyo kahit nasa malayo siya. So far, wala namang kahit na ano'ng malaking problemang idinudulot ang matagal niyang pagkawala. She has the best team and Sam was more than efficient on her job.

But she's not completely neglecting her responsibilities. Malaki ang naitutulong ng kanyang kapaligiran para bahain ang isip niya ng sari-saring ideya para sa disenyong maaari nilang ilabas sa susunod nilang collection. Mainam din ito'ng distraction para sa kanya lalo na mula sa lalaking kasalukuyang tumatawag ngayon sa kanyang cellphone.

It's been two days since she visited Donny's ranch but he didn't stop bothering her. Araw-araw ang pagbisita nito at hindi na lang tuwing agahan nambubulabog, maging sa dinner ay nagpupunta ito roon. Mabuti na lang at ang nangyari sa rancho nito ang tuluyang nagpabalik sa isip niya sa tamang landas. Mas naging mahusay pa siya sa pag-iwas dito dahilan upang hindi sila mabigyan ng pagkakataong mapag-isa. Judging from her experience, she knew it's more difficult to resist him when they're alone.

"It's...not important," she said before focusing her attention back to the task again.

"How did you know it wasn't? Hindi mo pa sinasagot. Si Donato ang tumatawag, hija," patuloy ng kanyang ama.

She sighed, hindi na muli maituloy ang pagguhit. She could take the phone and excuse herself from her father before ending the call. Ngunit bago pa niya mapagtagumpayang gawin iyon ay nagsalitang muli ang kanyang daddy.

"May problema ba kayong dalawa, Lily?" sinsero nitong tanong.

Nais niyang matawa roon. Para kasi silang mag-nobyo ni Donny sa paraan ng pagtatanong ng kanyang daddy. "None, dad. Bakit naman kami magkaka-problema?"

"I thought you, two, were back together," her father said plainly.

Halos mabilaukan siya roon. Mabilis siyang umiling. "No! I mean, no were not, dad." Nangingisi siya rito. "I'm in a relationship with someone else," she lied just in case her father would push the topic about her and Donny. Kung ano man ang nagbigay dito ng ideya na nagkabalikan sila ni Donny, hindi niya alam.

Bahagyang itinabingi ng ama ang ulo nito upang pagmasdan siya ng mabuti. He became thinner now and the circles around his eyes became a little darker. Ngunit nananatiling matalino at alerto ang mga mata nito habang pinapanood ang kanyang ekspresyon.

"Kanino?"

"T-Turs," she croaked. "You know him, dad. The guy who went here before. Remember?"

"Oh, him," tumango ito at bakas ang recognition sa anyo. "Iyong binugbog ni Donato?"

Kinunutan niya ng noo ang ama nang makita ang naaaliw nitong ngiti habang inaalala iyon. "Why are you smiling now, dad? You're so mad before!"

Nagpakawala ito ng maikling tawa bago tumingin sa malayo. His laugh melted into a faint smile. "Hindi naman dahil doon kaya ako nagalit noon, Lily. And I'm sorry to say this but...I never really liked that guy for you. Pero ayaw ko rin namang ipahiya ang bisita mo."

Suminghap siya bago tuluyang binitawan ang sketch pad at lapis sa ibabaw ng bilugang mesa. She doesn't feel upset about her father's confession. Siguro ay dahil wala na rin naman talaga sila ni Turs ngayon.

"So...bakit ka nagalit noon, daddy?" she asked curiously.

Mas lalong naging malamlam ang anyo ng kanyang ama. "Dahil nang araw din na iyon inamin ni Donny sa akin ang tungkol sa relasyon ninyong dalawa."

She stilled. For a moment, she was speechless. Inalala niya ang lahat hanggang sa bumalik siya sa araw na iyon. Ang araw na naging hudyat ng pagguho ng mga pangarap niya kasama si Donny.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora