[Chat 42]

37 2 2
                                    

[Chat 42]

~•~•~•~•

Jhenny's Point of view

"Ice ice baby ko!!!"-???

Lahat kami napalingon sa boses ng babae na nagsalita nun. Tumatakbo siya papalapit kay Ice at biglang niyakap.

Biglang sumikip ang dibdib ko at natigilan nang makita ko na biglang halikan ng babae si Ice.

Parang tumigil ang mundo ko at nanatiling nakatingin lang sa kanila nang naramdaman kong may kamay na nagtakip sa mga mata ko.

"Alis na muna tayo" Sabi ng isang pamilyar na boses. Mukhang kay Elyen

Hinila niya ang mukha ko patalikod kaya ngayon ay naglalakad ako patalikod. Nang nakalayo-layo na kami ay tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko at hinarap siya.

"Hala! Umiiyak ka?!"- Gulat niyang tanong

"Sa susunod na hilain mo ang ulo ko,please tanggalin mo na lang? At ibalik narin kung naka-alis na tayo?" Sabi ko,in a sarcastic tone

"Hala! Detachable ulo mo?! Astig!" Manghang komento niya kaya napailing ako at naglakad paalis.

"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Pinky at ni Badjao,sabay po sila.

"Oo,okay lang ako. Okay na okay!" Sabi ko ng sarcastic, ulit.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Tikbalang at ni Pandakaki.

"Nandito lang kami,Jhenny" Sabi ni Pandakaki

Tinulak ko silang dalawa ng mahina at ngumiti na lang ng pilit.

Ang sakit. May girlfriend na pala siya? Bakit hindi ko alam? Astig -__- ang t_nga ko talaga. At ngayon nasasaktan ako. Buset dapat hindi ako nagpadala sa mga sinabi niya kanina.

Deep inside ang saya saya ko kanina pero ngayon parang may nadurog at ang sakit, sobrang sakit.

"Pagkailangan mo ng tulong nandito lang kami" Sabi ni Badjao

Ngumiti ako ng pilit.

"Wag kayong mag-alala gagawa ako ng bagong account." Sabi ko sabay takbo paalis.

Chatserye ni Jhenny >> Book 1 of Chatserye Series Where stories live. Discover now