PART 2 FLASHBACK

Magsimula sa umpisa
                                    


Kaya niyang tiisin ang kahit ano para dito, pati ang disgusto ng ate nito. She loves this guy so much she is willing to endure anything.


NANGINGITI si Milcah habang pinapanuod ang pagkakabugnot ni Harriette. Pang-anim na beses niya na kasi itong natalo sa larong chess. Hindi pa ito nanalo sa kaniya mula nang magsimula silang maglaro. Mula nang matalo niya ito noon sa Chess ay palagi na siya nitong hinahamon na maglaro, hanggang ngayon ay wala pa itong panalo. She was once a national champion for Chess when she was in high school, people cannot expect less from her. Hindi pa naman siya nangangalawang sa larong iyon.


"Hahanapin ko muna ang kuya mo, Yet ha? Gabi na din kasi, hahanapin na ako sa bahay."


"Sige po, nasa study po ata sila ni Ate."


Tinungo niya ang study room na kung tutuusin ay library na sa laki. Maingat na binuksan niya ang pinto at naabutan na nag-uusap ang magkapatid. Hindi napansin ng mga ito ang pagbukas niya ng pinto. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya na manatili doon at tahimik na makinig sa usapan ng dalawa.


"You're really going crazy, aren't you, Harold? Hinayaan kita na makipagrelasyon sa babaeng 'yan dahil akala ko ay naglalaro ka lang at nag-try ng kakaiba. But now you are planning to marry her? This is insane. Hindi ako papayag, Harold."


"Why? Ano naman ang masama kung pakasalan ko si Milcah? Disente siyang babae at mabuting tao. At isa pa, mahal ko siya," walang gatol na sagot ni Harold.


Pakiramdam niya ay natunaw ang puso niya sa narinig. Talagang mahal siya ng binata.


"Mahal? Wala kang mapapala sa pagmamahal na 'yan. For Pete's sake, ikaw ang tagapagmana ng kompanya, Harold. You cannot let an uneducated woman be the wife of the future CEO of the Valero Empire. Ano na lamang ang sasabihin ng mga business partners natin? Na asawa palang hindi ka na marunong mamili, paano ka pa nila pagtitiwalaan ng negosyo nila. Mag-isip ka nga," mahahalata ang inis ni Hanna sa pagsasalita.


"My personal life has nothing to do with business, Ate. Wala akong pakialam sa iisipin nila. Pakakasalan ko si Milcah."


Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng kaniyang mga mata. Dahan-dahan niyang sinara and pinto at tinungo ang banyo.


MADALING araw na ay gising pa si Milcah. Pabalik-balik sa isip niya ang narinig niyang usapan ng magkapatid. Kahit alam niyang ayaw talaga sa kaniya ng ate ni Harold ay naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Tama naman ito na ang isang tagapagmanang katulad ni Harold ay hindi karapat-dapat na magkaroon ng asawa na hindi nakatapos ng kolehiyo. Nakadalawang taon lang siya sa kursong Pharmacy ngunit hindi niya napagpatuloy ang pag-aaral dahil nagkaron ng malalang sakit ang nakababata niyang kapatid. Kaya kinailangan niyang magtrabaho para matulungan ang mga magulang niya sa mga gastusin. Marami nga ang nanghinayang nang hindi niya itinuloy ang pag-aaral dahil marami ang naniniwalang malayo ang mararating niya. She was a promising student, a dean's lister. Ngunit mas pinili niyang mag-full time job, mas importante sa kanya ang kaniyang pamilya. Ginawa niyang araw ang gabi, halos wala na siyang pahinga sa pagta-trabaho, kaya hindi na niya inalala pa ang sarili.


Noong nakaraang linggo lang ay may nag-alok sa kanya na mag-sponsor na ituloy ang pag-aaral niya. Ang kapalit nga lang niyon ay kailangan niyang lumipad papuntang America. Hindi pa niya nababanggit iyon kay Harold dahil sigurado siyang hindi rin siya nito papayagan lumayo. Baka magpumilit pa ito na ito na lamang ang sasagot sa pag-aaral niya.


But it now came to the point na kailangan niyang magdesisyon para sa sarili niya. Kailangan may gawin siya upang mapataas ang sarili, hindi lamang para sa sarili niya kundi para narin sa lalaking mahal niya. It's time to fulfill her own dreams. Alam niyang iyon ang makakabuti para sa kanilang dalawa ni Harold.

The Wandering HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon