Chapter 6: Change

9 3 4
                                    

Nanginginig na ang mga kamay ko habang patuloy parin sa pagsunod sa lalaking nakasabay ko sa bus. Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko dahil ayaw kong magpapatuloy to, mababaliw na ako. Sa buong buhay ko, kailanman ay hindi nangyari na magkasunod kong naranasan ang ganito.

No. Please. Wag ngayon. Wag dito. Hindi ko kilala ang mga tao dito.

Gustong gusto ko ng umiyak pero hindi pwede.

Nagsisimula na akong mainis kasi hindi parin kami nakakarating. Wala man lang ni katiting na liwanag sa dinadaanan nami.

Putang ina talaga. Ano ba tong pinasok ko.

Unti unti kong pinagsisihan ang sariling kapabayaan. Kong sana, hindi ako natulog, hindi sana ako gagabihin. Kung sana, hindi dito ang napili kong lugar, hindi ko sana mararanasan to.

Kailangan kong pigilan. Hindi pwede.

Pero hindi ko namamalayan na huminto na pala ako sa paglalakad at humihikbi na ako.

Wala na. Hindi ko na talaga mapipigilan. Lord, please.

Hanggang sa unti-unti ko ng nakikita ang mukha ng taong pinaka kinasusuklaman ko sa tanang buhay ko.

"Waaag! Wag mong gawin sakin to. Maawa ka." Atras lang ako ng atras pero sinusundan nya parin ako. Bakit wala akong magawa? Putang ina.

"Ano bang nangyayari sayo? Ginagago mo ba ako? Nakiusap ka sakin na sasama sa bahay tapos, gaganyanin mo ako?" Narinig ko syang nag salita pero wala akong maintindihan. Hanggang sa nakakita ako ng sanga ng kahoy. Dali-dali kong pinulot yon at tinutok sa kanya. Marahil iisipin nyong nahihibang na ako. Ano nga bang laban ng simpleng sanga ng kahoy sa kanya? Malakas sya. Pero wala akong pakialam. Eto lang ang alam kong paraan.

"Wag kang lalapit. Papatayin kita." Galit na galit ako. Nanginginig ako sa galit at takot. Halo halo ang nararamdaman ko ngunit may parte sa akin na nagsasabing hindi kalaban ang taong nasa harap ko. Sinasabi nyang matutulungan nya ako. Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. Pero nananaig parin ang takot at galit ko sapagkat sa mga mata ko, isa syang demonyo na nag anyong tao.

Patuloy akong sa pag atras ng makita kong mas binilisan nya ang pagkalakad papunta sa gawi ko.

"Wag. Wag kang lalapit. Dyan ka lang. Su-subukan mong lumapit, papatayin ki---" pero bago ko pa matapos ang sinasabi ko, tuluyan na syang nakalapit sakin at pilit na kinuha ang kahoy na nakatutok sa kanya. Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa. Malakas sya sobra. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi umiyak nalang.

~PAAAAAAAAAAK~

~PAAAAAAAAAAAK~

Napahawak ako sa pisnge ko ng maramdaman ko ang hapdi sa magkabila kong pisngi.

"Ano? Natauhan ka na? Gago ka ba? Ginawa mo pa akong mamamatay tao?" At unti unti akong natauhan. Wala na. Wala na ang kakaibang nararamdaman ko sa twing nasa dilim. Kahit ang liwanag lang na nagmumula sa flashlight ng cellphone nya ang nagsisilbing liwanag ngayon sa gitna ng kakahoyan, wala na talaga akong nararamdaman.

Ang takot.

Ang galit.

At ang demonyong lagi kong nakikita.

Ang mga alaala na pilit bumabalik.

Wala na.

Wala na ang lahat.

Hindi ko alam magagalit ba ako o matutuwa. Magagalit dahil sa mag-asawang sampal na natanggap ko o matutuwa dahil ang sampal na yon ang dahilan kong ba't ako natauhan?

Entertwined Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon