Chapter 1: Bitch

22 5 2
                                    

Nheanie's POV

Maaga akong nagising ngayong umaga. Himala nga eh. Nagising ako ng 7 o'clock. Oh? Aangal? Anong pake nyo kung maaga para sakin ang 7? Buhay ko to. Walang pakialamanan. >_< Pare-pareha lang kayong mga tao. Mapanghusga. Porket matagal nagising, tamad agad. Di man lang naisip na--- nevermind. As usual, ginawa ko ang daily routine ko. Ligo-kain-ayos. Tapos na akong mag ayos at papunta na ng school ng biglang nag ring ang phone ko.

~Riiiing~Riiiiing~

What the Heck? Sino na naman ba ang pesteng to? Aga aga. Buset.

"Sino ka na namang walang hiya ka. Isa kang istorbo." Sigaw ko dun sa tumawag.

"Ah anak. Si a-ano. M-mommy mo to nak."

"Oh? Ikaw lang pala! Alam mo bang dahil sayo, mas malelate ako lalo?" Sya lang naman pala. Ha ha. Grabe. Ang saya ng araw. Peste.

"Ganon ba? Sorry nak."

"Sorry sorry. Oh ba't ka napatawag?"

"A-ah a-no. A-no k-asi. A-aah"

"Ano na? Bagal naman oh. Grabe yata improvement mo. Di ka na marunong mag salita. Ano na?" Letse. Kitang nagmamadali yung tao. Peste. Naglalakad pa naman ako ngayon papuntang school. Ayaw kong gamitin yung kotse ng magulang ko. Tapos yung motor ko, inaayos pa.

"A-ano. U-uwi ako ngayon nak." Mahinahon nya paring sabi.

"Oh? Tapos? Anong gusto mong gawin ko? Magpa-party? Wow. Magic yun. Sige na. Sinasayang mo ang oras ko. Yun lang pala. Oh di umuwi ka. Walang nagpipigil." Gigil pang dagdag ko.

"Oh s-sige nak. Sorry ulit. I lo--"

~tootootootoot~

Sa inis ko, binabaan ko sya ng telepono. Tss. Uuwi lang pala, nang istorbo pa. Letseng buhay. Sakto namang nakarating ako sa gate ng school namin. Sinalubong agad ako ni manong guard.

"Ma'am late na naman po kayo. Nauubos na tong slip ko para makapunta ka sa D.O." oh diba? Ang swerte ko. Peste.

Sinamaan ko ng tingin si manong guard at kinuha yung slip. "Alam mo manong, wag kang magsalita na parang alam mo lahat. Eh ano kung late na NAMAN ako? Anong paki nyo? Pakialaman nyo yong anak nyong ubod ng arte na akala nya sinong mayaman. Tsaka, kinakahiya ka nga pala nya. Kawawa naman. So bale, sya ang pagtuonan mo ng pansin okay?" Inis na sabi ko sa pesteng manong guard tsaka nag walk out.

Alam na alam ko na ang liko ng bituka ng mga tao. Ang iisipin na naman nila, tamad ako, pasaway, oh kung ano-ano pa. Tss. As if naman may pakialam ako sa mga sinasabi nila. You wish. Dahil kahit anong sabihin nyo, eto lang masasabi ko. WALA AKONG PAKE !

As usual, mag isa nalang akong naglalakad sa hallway papuntang D.O. Tss. Nasa loob na lahat ng estudyante eh. Kasalanan talaga to ni ---- eeeer. Whatever.

So ayun nga. Pag pasok ko palang sa D.O., isang matalim na tingin ng guidance councillor ang sumalubong sakin.

"Ikaw na naman? Aba't araw-araw ka nalang nandito ah?" Sigaw nya sakin. Oh diba? Ang babait ng mga tao. Kung di naninira ng araw, naninigaw. Mga peste.

"Oh? Alam mo naman palang araw-araw akong nandidito, ba't parang gulat na gulat ka parin? Ba't di ka pa nasasanay? Tss. Ang utak, pinapagana. Hindi pinagyayabang." Sarkastikong tugon ko sabay kuha sa perma nyang naka ukit sa kahoy at ini-stamp sa slip ko. Pagkatapos ay lumabas narin ako ng office.

Entertwined Fate [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon