"Ohh.. Should I go first?"

"Oo. Mauna ka na. Susunod na lang ako. Late ka na eh. Pakisabi na lang sa teacher na may red alert ako kaya matatagalan ako sa CR." Tumango lang siya bago umalis.

Sinagot ko yung tawag..

"Hello po?"
 
[Mika! Where are you? Wala ka daw sa room?]

"Ahh, nagpahangin lang po. Sorry po kung hindi ako pumasok sa kla--"

[Ah-ah, it's okay. I talked to your teacher. Sinabi ko ng kailangan kita. Go to the parking lot now. Nandun na si Vince. Please take care of my son. May inaasikaso pa kaming papers para sa overnight christmas party next week.]

"Ah. Opo."

[Okay. Take care dear.] Binaba na niya yung tawag.

Binulsa ko yung cellphone ko at tumakbo na papunta sa parking lot. Nakita ko yung isang sasakyan na sinakyan namin ni Mrs. Quizon nung papunta kamk sa bahay nung apat ay nung namatay sila Nanay.

Lumapit ako dun at binuksan yun. Nakahiga si Vince sa backseat. Mukhang nakatulog na siya. Tinignan ko yung passenger seat. Nandun yung bag naming dalawa.

"Manong, san po ako sasakay?" Tanong ko.

"Diyan ma'am. Kandungin niyo na lang yung ulo ni Sir." Sagot niya.

Ngumuso ako at tinignan si Vince na natutulog. Huminga muna ako ng malalim bago inalalayan yung ulo niya at umupo sa backseat. Pinatong ko sa hita ko yung ulo niya.

Mukha naman siyang antok na antok dahil hindi siya nagreklamo at inayos lang yung pagkakapatong ng ulo niya.

Nang makarating sa bahay ay ginising ko na siya. Lumabas siya ng sasakyan ng di ako pinapansin. Napairap na lang ako. Kanina lang kinakausap pa ko, pinag-stay pa ko sa tabi niya. Nung dumating si Arlina umiwas na naman. Bakit? Ah! Baka naman kasi ayaw niya magselos si Arlina. Malay ko ba kung may gusto siya dun diba?

Kinuha ko na lang yung mga bags namin at nagpasalamat kay Manong driver bago pumasok sa bahay. Nilapag ko sa sofa sa sala yung bags at pumasok sa kwarto ko. Nagpalit muna ko ng damit bago pumunta sa kusina para ipagluto ng lugaw si Vince. Dahil may sakit siya, alam kong wala siyang gana.

Naghanap pa ko ng gamot habang hinihintay maluto yung lugaw. Pinagbalat ko na din siya ng saging tapos hiniwa ko pa. Inayos ko na sa tray yung pagkain niya nung matapos ako.

Umakyat ako papunta sa kwarto niya. Pagpasok ko, nakita ko siyang natutulog sa kama niya. Mabuti naman at nagpalit muna siya ng damit bago natulog.

Nilagay ko sa bedside table niya yung tray tapos pumasok sa CR niya. Kinuha ko yung tabo at tinapat sa shower na maligamgam ang tubig. Lumabas ako ng CR at naghalungkat ng bimpo sa cabinet niya. Nilagyan ko muna ng alcohol yung maligamgam na tubig bago bumalik sa kanya.

Tinabi ko sa tray yung tabo tapos niyugyog siya ng konti.

"Vince kumain ka muna. Huy." Inalog ko siya.

Dahan dahan naman siyang dumilat at tinignan ako. Inalalayan ko siyang umupo. Sumandal siya sa headboard ng kama at pumikit.

Kinuha ko yung mangkok. Wala naman akong choice kundi subuan siya kasi malamang sa malamang di siya kakain.

"Oh.." Tinapat ko sa bibig niya yung kutsara.

Dinilat niya yung kaliwang mata niya pero umiling din.

"Wala akong gana." Sabi niya.

"Sige na. Para makainom ka ng gamot." Dumilat na talaga siya at tinignan yung bedside table niya.

My GuardianWhere stories live. Discover now