"What's funny?" Tanong ni Ethan.

"Who. Who's funny dapat." Natatawang sagot ni Ela.

"Huh?"

"Ikaw kasi. Yang mukha mo ayusin mo nga. Nakabusangot ng nakabusangot."

Hinilamos ni Ela yung palad niya sa mukha ni Ethan pero yung isa binaling yung ulo niya sa kabolang side tapos hinuli yung kamay ni Ela gamit yung kanang kamay niya.

"I'm driving." Malig na tonong sabi niya at binaba yung kamay nila. Oo nila, nakahawak pa din kasi si Ethan sa kanya.

"Eh ngiti ka muna. Kaya mo naman yun. Ngumiti ka sa kin kagabi nung pinagalitan kita kasi nahulog mo yung chips na kinakain mo eh naglilinis ako." Tinaasan ko sila ng kilay kahit di nila ko nakikita.

Nung tumingin ako sa rareview mirror ay ngumiti ng mga 0.2 second si Ethan. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa dalawang katabi ko na napatingin din pala sa kin.

Hindi ko lubos maisip na nagdadaldalan din sila. Siguro maiintindihan ko pa kung dadaldalin ni Ela si Ethan. Kaso ang nakakabigla, sinasabayan ni Ethan yung trip niya! Aba, anong meron sa dalawang 'to?

Imagine, ganito sila kapag silang dalawa lang? Baka mamaya nagho-holding hands na talaga sila? Yung literal na hawak kamay ah, yung pang magkasintahan.

"May something noh?" Bulong ni Yumi.

"Parang. Malihim pareho eh." Dagdag ni Aya.

"Baka sila na?" Tanong ko.

"Tsk." Napalayo kaming tatlo sa isa't isa nung marinig namin si Ethan. Napatingin ako kay Ela na nakataas ang isang kilay sa amin.

"Hindi kami. Walang something sa min at waalang dapat ilihim. Kayo magbubulungan na lang rinig pa namin." Umirap pa siya at humarap na sa daan.

"Shut up Girls." Tinignan kami ni Ethan sandali sa rareview mirror tapos sa kalsada na ulit tinuon ang atwnsyon niya. "I will remind myself next time not to make them ride in my car together." Pagkausap niya sa sarili niya.

Natahimik ako. Di nga? Kami ba yung sinabihan niya? Yung kinausap niya kanina? Oy big deal yon! Biruin mo? Kinausap kami ng isang pipi? Okay, OA na. Pipi na nagsasalita na lang. Hehe.

Pero hindi lang yon. Bigla bigla lang sumagi sa isip ko si Vince. Kapag nasa sasakyan kami pareho, lagi kaming nagsasagutan at nagbabarahan. Kapag magku-kwento siya lagi kong pinuputol at magsisingit ng kung ano-anong tanong. Kapag ako naman ang nagku-kwento, may reklamo at komento siya lagi. Yun na siguro yung way ng kulitan naming dalawa. Kahit na minsan para siyang si Dane magsungit. Yung tipong straight ang english? Ganun.

Pero nagbago din uun nung nag-iwasan kami. Naging tahimik na aiya kaya nananahimik na lang din ako. O kaya minsan makikinig ako ng music sa radyo ng sasakyan niya. Buti na lang di siya nagrereklamo kasi kung ganun bababa na ko ng sasakyan niya. Hindi ko kakayanin ang ilang minutong byahe na nakatahimik lang noh?

At kanina nung nakita ko si Ela at Ethan, parang bigla kong na-miss yung kulitan namin. at gaya nga ng nabanggit ko, pag sinabing kulitan, it means yung sagutan at barahan namin. Naalala ko yung dating samahan namin. Di nga lang katulad ng kay Ela at Ethan pero yung sa isang tingin mo lang alam mo ng close na sila hindi man nila aminin yun sa isa't isa.

Ako nga nitong nakaraang linggo ko lang in-admit sa sarili kong close nga kami. Kasi hindi ko din maiwasan minsan maisip yung dati.

May isa pa palang nakaka-highblood. Yung feeling na nakikita ko dati yung sarili ko kay Arlina kapag magkasama sila. Ako dati yung kaasaran niya, yung hindi man kami nagtatawanan dahil pareho kaming nagsusungitan, pero biruan lang naman. Ang hilig niya kasi akong pikunin. Ayaw tumigil mang-asar. Basta nakakainis.

My GuardianWhere stories live. Discover now