At ang dakila naming mga kaklase, nag-asaran na. Siyempre yung iba halatang plastic. May mga gusto kaya sila sa apat.

"Oh next na!" Si Yumi naman yung nagpaikot.

Nagtuloy lang sila sa tanungan at utusan. Pinipilit ko talagang wag tumingin sa isa dito dahil nababanas ako sa kanya. Sa kasamaang palad pa, kaharap ko si Arlina.

Huminto naman yung bote kay Ethan.

"Finally! Bro! Truth or dare?" Tanong ni Andrei.

"Dare."

"Pwede ako mag-utos?" Tanong ni Beatrice.

"Geh. Pero wag mo patatalunin ng building noh? Sinasabi ko sa'yo, gagawin niya yan." Sabi ni Vince. Pero di ko pa din siya tinignan.

"Asa ka naman. Haha."

"Right. Crush niya kaya si Ethan." Natatawang sabi ni Arlina.

"Ayos ah? Oh ano iuutos mo kay Ethan?" Tanong ni Aya.

"Since we know naman na you don't like any girls here. Sa cousin mo na lang. Show your closeness. Kiss mo sa forehead si Ela."

"Hala bakit sa kin?" Tanong ni Ela.

"Wag ka maarte. Buti nga sa'yo pa eh. Magpinsan naman kayo." Irap ko. Natural na sa kin yan. Inirapan niya ko pabalik at dumila.

"Okay lanh naman na wag mo--" Hindi na natapos ni Ela yung sasabihin niya kasi hinalikan na siya ni Ethan sa noo.

Natawa kaming anim na nakakaalam na hindi sila magpinsan dahil namula yung pisngi niya. Pustahan crush nito si Ethan. Pero baka nahihiya lang siya? Magulo din kasi 'tong babae na 'to eh.

Kahiya naman sa kin noh? Parang ako hindi magulo. Ay ewan.

Sunod na huminto sa kin yung bote.

"Truth!" Aba, kasali kaya yung tatlong babae. Anong malay ko baka utusan nila kong umamin diba? Kababae kong tao. Yoko nga.

"Kung nandito yung taong gusto mo, anong gusto mong sabihin sa kanya?" Si Arlina yung nagtanong habang nakangiti.

Napalingon ako kay Vince at nagtama yung tingin namin. Nag-iwas ako at natapat kay Jonathan yung tingin ko. Ngumiti siya tapos tumango aaka kumindat.

Tinignan ko ulit si Arlina at nagkibit balikat.

"Gusto ko siya. Tapos. Akin na yang bote."

Sila? Nganga. Eh ano bang sasabihin ko? Mahalaga lang naman malaman niyang gusto ko siya diba? O mas type talaga ng iba ang pasuspense effect?

Pinaikot ko na at tumapat kay Aya.

"Dare ako."

"Kiss mo ko. Sa pisngi." Utos ni Andrei.

"Ayan na! PDA COUPLE!" Sigaw ng ibang lalaki sa min. Nakikantyaw pa yung ibang babae.

Sa kalandiang taglay ni Andrei, hindi na lingid sa iba yung status nung dalawa. Anong status? Complicated. Hindi sila pero parang sila.

"Oops! No KJ!" Sabi ko tapos kinindatan si Ela at Yumi para makisakay.

"Tama tama! Bawal ang killjoy!" Gatong ni Yumi.

"Agree! Kiss na! Sa pisngi lang daw." Pumalakpak pa si Ela.

"Osige na."

Huminga ng malalim si Aya at nilapit yung labi niya sa pisngi ni Andrei. Malapit na sana niyang makiss si Andri sa pisngi pero itong isa, binaling yung ulo kaya ang landing ng labi niya eh sa labi ni Andrei.

My GuardianWhere stories live. Discover now