Chapter 3

1.2K 49 1
                                    

Eyes

Aria's POV

Ilan araw pagkatapos umuwi ni ate. Hindi maalis sa utak ko yung pangalang cedric. Hayy bakit kaya? Nahihibang naba ko?

Malapit lang ang building ng mga college dito sa building namin, kaya kitang kita ko sa di malayuan yung isang lalaking nakatingin sakin. Hindi ko masyadong makita ang mukha nya pero sigurado ako sakin sya nakatingin. Siraulo ba yun? Hmm, baka isa sa mga nagkalagusto sakin?

"Aria, tara lunch break na!" Ha? Ano daw? Ay oo nga lunch break na, "S-sorry, diko napansin makasigaw naman." Sabi ko kay Jace habang inaayos ang gamit ko. "Kanina kapa kasi tulala dyan, hindi ka din nakikinig kay sir." Hay! Ngayon lang kasi ako nacurious sa isang lalake. At dun pa sa Cedric ni ate at dun pa sa lalaking nakatitig sakin kanina. "Tara na nga!" Anyaya ko sakanya.

Habang papunta ng canteen napatingin ako sa mga lalaki sa may 3rd floor ng college building, nagtatawanan sila at huwaattt!? Yung lalaking nakatingin sakin kanina nakatingin nanaman. Siraulo ata yun!? Ako ba talaga tinitignan nun o assuming lang ako?

"Uy gaga, tara na sabi! Ano ba tinitignan mo dyan?" Napahinto pala ako sa paglalakad, "W-wala naman." Sagot ko.

Pagdating sa canteen syempre pinagtitignan nanaman ako.

Ganda talaga netong si Aria

Gosh girl look at her hair kainggit

I think im inlove with her

Luh siraulo yun ah! Inlove inlove tadyakan ko ata!

"Hey?" Sabi ni Zin, "Hello." Sagot ko naman.

"Not you Aria." Halah siraulo! "It's Jace." Dagdag pa nya! Talagang pahiya ako dun ah ano bang meron sakanila ang duga talaga huhuhuhu

"Ano bang meron sainyo ah!?" Sigaw ko sakanila

"W-wala naman Aria." Nauutal pang sabi ni jace, "It's our little secret, i won't tell you." sambit ni Zin. Waaahhhhhh walang hiya talagaaaaaa!

"Anong meron?" Tanong ni dylan, sinamaan ko sya ng tingin. "Easy easy, im just asking." sabi nya habang inaayos ang buhok nya. Takte feeling pogi talaga to.

Pagkatapos ng lunch break dumiretso agad ako sa room.

"Aray!" Sigaw ko ng may nakabangga akong lalaking naka black mask pero nakasuot ng uniform namin, "S-sorry miss." Mahinahong sambit nya. Pamilyar yung boses at mata nya tsaka sa umalis.

"WAAAHHHHHHHHHH!" sigaw ko habang nasa sasakyan pauwi, "Okay lang po ba kayo?" Tanong ni kuya Jude. "O-opo." Sagot ko.
Grabe bakit ba kamukha nya yung lalaki sa panaginip ko. Sino ba yung lalaking yun! Wahhhh!

"Ate! Im home." Sigaw habang papasok sa pinto, aysh. Nasan ba yun? Baka nakipagkita sa boyfriend nya. Psh

Umakyat nako sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay.

*Knock* *Knock* *Knock*

"Mam Aria, kain na daw po kayo sabi ni manang." Sambit ni Ate Jelai, yung isang kasambahay namin. "Mamaya nako kakain ate, pagtabi nyo nalang ako." Sagot ko.

Nagaaral kasi ako ngayon kaya hindi ako makalabas ng bahay, may test kasi kami bukas. Lalabas na sana ko ng biglang tumunog ang phone ko.

*Cellphone rings*

Si Dansh tumatawag, ["Hello Aria?"] Sambit nya. "O ano?" Saad ko.
["Alis tayo bukas after class ha. May importante akong sasabihin sayo."] Ha ano naman kaya yun? "Osige sige, bye na." Sagot ko.

Napatingin ako sa baso ko at wala ng tubig kaya bumaba ako para kumuha ng pagkain at tubig na din.

Pagbaba ko napansin ko agad ang kwarto ni Ate nakabukas ang ilaw at parang may kausap sya. Hindi nako nagabalang tignan yun at bumaba nako.

Pag dating ko sa kusina, kumuha nako ng plato tsaka naglagay ng konting kanin dahil diet ako tsaka ulam. Ng kukuha nako ng tubig pag lingon ko sa ref ay may nakabangga sakin dahilan para mabasag ang basong hawak ko.

"Aaarrraayyyyy!!!" Sigaw ko, dahil naapakan ko ang bubog. "Sh*t! Im s-sorry!" Natatarantang sabi ng lalaki, saka ako napatingin sakanya.

His eyes are very familiar, tila ba nakita kona ito. Bumilis ang tibok ng puso ko. My heart never felt this way before.Natauhan lang ako ng bigla syang nagsalita.

"Are you okay?" Saad nya, "M-muk-mukha bakong o-okay?" Nauutal na sabi ko dahil ansakit ng paa ko dahil sa sugat.

"Tekaaaaa! Sino ka nga pala!? Wahhhh ate! Ate! Kuya Judeeee!" Sigaw ko, at bigla syang natawa at binuhat ako papuntang sala. Kumuha sya ng med kit at ginamot ang sugat ko. Sa pagtawa nya hindi ko maiwasang kiligin. Gosh ano ba tooooooo!?

"Aray! Magdahan dahan ka naman!" Saad ko, habang ginagamot nya ang sugat ako hindi ko maiwasang tumingin sakanya. "S-sino kaba ha?!" Bulyaw ko sakanya.

"Im your sister's boyfriend." Sagot nya, na ikinagulat ko.

So sya yung boyfriend ni ate? OMG! Ang pogi nyaaaa wahhhhhh.

"Grabe offlimits na sya." Bulong ko, "May sinasabi ka?" Tanong nya. Hindi nako nakasagot ng biglang narinig kong tumatawag si ate. Tsaka sya tumayo.

"Ced? Ced?" Tawag ni ate, "Ate we're here!" Sigaw ko.

"Nagkakilala na pala kayo, what happened?" Tanong nya, "I accidentally bumped into her." Sagot ng boyfriend ni ate. "Kaya nabasag yung hawak nyang baso, she's fine now ginamot kona yung sugat nya, so let's go?" Sabi nya kay ate. Bat ang bigat sa pakiramdam hay!

"Are you okay sis?" Tanong sakin ni ate, "Yes ate." Sagot ko.

"Mauna kana sa kwarto." Saad ni Cedric kay Ate. "Okay hon." Sagot naman ni Ate.

"Uy ano nga palang pangalan mo?" Lakas loob kong tanong sakanya. Hindi nya sinagot ang tanong ko at bigla nyakong binuhat at dinala sa kwarto ko, bago pa kami makarating ng kwarto ko nakita namin si manang tsaka sya nagsalita. "Uhm, can you bring her food here? Hindi pa sya kumakain." Sabi nya kay manang. Grabeeee! Waahhhh! Pasampal nga ng matauhan akong boyfriend ni ate to! Batid kong namula ako sa sinabi nya.

Pag pasok ng kwarto hiniga nyako sa kama, inayos nya ang unan ko at tsaka sya nagsalita. Bakit ganun? Parang napaka gentleman naman nya sakin? Hmm, kilala nya kaya ako? Hindi naman nya kailangang gawin to e, wahhhh heart stop beating so fast. Nakakinis naman! Huhuhu

Bigla syang tumayo at nagsalita.

"Im Cedric Heen Yamzon. Montemayor." Sambit nya tsaka lumabas ng kwarto.

------------------

Please Vote! Vote! Vote! ❤

1k + wordsssss! Awieeee.

My Sister's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon