Chapter 27 - Pangarap kong mundo

Beginne am Anfang
                                    

"Pero sa ginagawa mo dinadagdagan mo pa ang kasalanan mo." sabi nito then Jade pause for awhile and look at me intently "Will you be honest with me, are you doing this for Kaye or for yourself?"

"Ginagawa ko to para sa amin, Jade." Mahina kong sagot sa kanya

Nakita kong umiling ito.

"You're not." She said "Sa tingin ko, you're doing this for yourself. Natatakot ka sa magiging tingin sayo ni tita." I clench my fist as I heard those words. "Nabuhay kang wala siya and look at you, you grew up to be a fine lady. Do not risk your present just because you are afraid of your past. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Wala kang kasalanan, Pat." I heard her take a deep breath saka tumayo at lumapit sa akin "Do not let your happiness go. "Don't make her as an excuse para pag takpan yung takot mo na malaman ni tita ang totoo." She taps my shoulder and smile "I know how much you love her, Pat." Dagdag nito "Kaya wag mong hayaan na yung takot na yan yung maging rason para mawala siya sayo."

It's been an hour mula ng umalis si Jade, but her words keep on playing inside my head like a broken record.

Dahil sa mga sinabi niya parang ang lahat ng bagay ay nag rereplay sa utak ko.

Ever since I was a child hindi ko na naramdaman na mahal ako ni mom. I often hear her say that I am a mistake. At sa tuwing tinitignan niya ako, I always see disgust on her face.

I grew up in the care of my grandparents. Dahil sa kanila, naramdaman kong may nag mamahal sa akin. I feel home and save on their care. Nang dahil sa kanila, naranasan ko ang magkaroon ng isang pamilya. Ramdam kong minahal nila ako kahit hindi ako tanggap ng anak nila.

But I guess, this world doesn't want me to be happy and loved. Dahil yung mga taong nag mamahal sa akin ay kinuha pa sa akin.

It was my graduation day in grade school ng mabangga ng truck yung sinasakyan namin. At sa aming tatlo ako lang ang nabuhay.

At ako ang sinisisi ni mom sa nangyari sa mga magulang niya. Kung bakit daw kasi kailangan ko pang umatend ng graduation. Kung hindi daw sana kami umalis ng araw na iyon edi sana buhay pa ang mga magulang niya.

I take all the blame. I mourned alone. I have no one I can talk to.

My mom let me stay with her. Somehow, I am happy dahil finally ay makakasama ko na din siya, yes, nakasama ko siya pero pakiramdam ko ay mag isa lang ako. Sa mga araw, buwan, linggo at tanong nakasama ko siyam unti unti ko siyang nakilala.

Takot sa kanya lahat ng tao. People often say that she is the devil incarnate dahil wala itong sinasanto. Ginagawa nito kung ano ang gusto nito, sa paraang gusto niya.

Pero kahit ganun, I tried my best to be the best daughter for her. Lahat ng gusto niya ay sinusunod ko. I try my best para maplease siya but I guess, kahit anong gawin ko hindi ko magagawa.

Few months before my graduation in highschool ay umalis siya papuntang Amerika. She never gives me a reason why. Pero bago siya umalis, she gave me a calling card. Isang calling card ng lawyer.

At ang calling card na iyon ang naging susi para maintindihan ko kung bakit ganun na lang ang galit sa akin ng sarili kong ina.

Noon hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit niya sa akin ni mom. Pero nung nakilala ko si tito Arnold, I found out the reason why.

Ako ang naging bunga nang pang gagahasa sa kanya ng tatay ko. Nung binigyan ako ni tito Arnold ng picture ng tatay ko, dun ko na realized na bukod sa ako ang naging bunga ng pang gagahasa sa kanya. She hates me more dahil kamukhang kamukha ko ang tatay ko. I guess, yun yung rason kung bakit she looks disgust every time she looks at me.

Ikaw Pa Rin [GxG]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt