Chapter 5: Holding hands

19 0 0
                                    

Zoey.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin tinitigilan si Amber na asarin. Bagay naman sila ni tyler haha Bad boy sa Good Girl wahaha perfect combination.

"Besty! Ayun si tyler oh!" Pang aasar ko "Dun tayo dali!!! Mag isa niya lang!" nilapag ko na yung tray ng food sa harap ni tyler.

"Tyler! Pwede makisabay?" Tanong ko no choice ka naman eh! "Please?."

Ngumiti siya at tumango "Sure" ang friendly niya ah kahit bad boy.

"Amber!" Sigaw ko "tara dito nalang tayo!" Sabay nag sign ako na pumunta siya dito.

"Halika na!" utos ko at buti naman sumunod siya.

———

Amber.

"Amber!" Sigaw ni zoey "tara dito nalang tayo" tumingin ako kay tyler at ngumiti lang siya nang napakalaki.

"Halika na!" Pag uutos ni zoey. Sumunod nalang ako sakanya ang ingay kasi -_-

"Hi princess" ngiting ngiting bati ni tyler "Hi" tipid kong sagot sabay ngumiti ako

Nag simula na akong kumain at yung dalawa kong kasama? Ayun close agad galing eh.

"Ah princess may pupuntahan ka ba mamaya?" Nagulat ako nang tanungin iyon ni tyler.

Tumingin agad ako kay Zoey at yung ngiting nakikita ko? Iba yan.

"Wala naman mag aaral lang" sasabayan kita sa gusto mong playboy ka!

"Date tayo mamaya!?" Masigla pa niyang sagot

"Hep! Hep! Hep!" Singit ni zoey at tinuro si tyler na nasa harapan niya "Ikaw! Ikaw! Oo ikaw! Ingatan mo kaibigan ko mamaya ah ako rin kasi may date" tumawa pa siya at ngumiti samin.

At pag katapos nun bigla siyang tumayo at nag paalam saaming dalawa. So ayun iniwan nanamn ako ng napagaling kong kaibigan este bestfriend pala.

"San yun pupunta?" Tanong ni tyler.

"Sa boyfriend niya"

"S-siya? M-may B-boyfriend?" Nauutal niyang uling tanong.

Tumingin ako sakanya at tumigil sa pag lalaro ng pagkain ko na tira.

"Maganda naman siya sexy pa! Queen bee nga lang, Cheerleader din" sagot ko

"Oo nga kaya nga gusto siya ni" mahina na yung pag kakasabi niya sa dulo kaya hindi ko na narinig.

"Sino?pakiulit? Please?" Nag puppy eyes pa ako pero wala effect!

Bwiset!

Tumayo siya at hinawakan niya yung kamay ko at parang may kuryenteng dumaloy doon na kumalat sa buong katawan ko.

"Tara?"

"S-san?"

"Time na i mean malapit na" ngumit siya at tuluyang hinila ako.

Habang nag lalakad kami sa corridor ay pinagtitinginan kami ay mali pala pinag titinginan pala yung hawak na kamay ni tyler.

"Pwede naman na sigurong bumitaw?" Aalisin ko na sana pero mas lalo niyang hinigpitan yung pag kakahawak.

"Ayoko" ngumisi siya

Pero dahil mapang asar rin ako ay hinayaan ko nalang at kunwari sweet kami para mainggit yung mga babae

Hahaha

"Hi babe!" Yung boses na yun

Tumingin ako sakanya at bigla niya akong hinila ay inakbayan.

Ano nanamang trip nitong kakambal ko!?

"Babe kumain kana?" Sasapakin ko na ito.

"Jayden! Akin yan eh!" Pag mamaktol ni tyler

Tumawa naman ako at parang ang sarap niyang inisin.

"Walang iyo playboy ka!" Pang aasar naman ng kakambal ko "Babe ko ito kaya akin lang siya, 'di ba babe?" Tapos tiningnan niya ako at yung tingin na yung sinasabing 'mag oo ka'

Kaya napatawa nalang ako sa sinabi niya.

"Ah sige babe may class pa ako mamaya nalang ah" bigla niya akong hinalikan sa noo ko

Tumingkayad ako at bumulong sakanya "Twin ikaw ah may gusto ka pala sakin ah" sabay ngumiti ako ng nakakaloko.

Lumapit naman siya sakin at may binulong din "Asa ka pa. Playboy yang ka holding hands mo. Kwento ka mamaya."

Nag paalam na siya saming dalawa ni tyler At umalis na.

"May boyfriend ka pala" ngumiti ako sakanya.

Mukha siyang batang naagawan ng gummy bear hahaha.

"Wag ka nga ngumiti jan!" Naiinis niyang sabi

Hinawakan ko yung kamay niya at mukhang kinagulat niya "Tara na nga" hinila ko siya at alam ko na nakangiti siya.

"Amber" tawag niya sakin habang nag lalakad kami "mamaha nga pala sabay tayo umuwi date tayo ah."

Ugh! Bakit parang ang bait niya! Pero hindi! Hindi yun totoo. Feeling ko tuloy.....mali amber! Wala yun! Wala wala wala.

"Huy! Princess"

"Ay pusang kalabaw" nagulat ako at hindi ko alam ang nangyari "May sinasabi ka?" Tanong ko.

"Sabi ko" panimula niya at umakbay siya sakin "Gusto kita at sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita" wala akong masabi kaya ngumiti nalang ako.

Sa sinabi niyang iyon ay biglang bumilis yung tibok ng puso ko na parang kabayong nasa karera.

Alam kong mali ito pero nag kakagusto na ba ako sa isang playboy?

Pero baka mali eh baka joke lang yun.

"Ano?" Para naman makasigurado.

Tumingin siya at hinila niya ako palalapit sakanya nilapit niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Sabi ko gusto kita. Gustong gusto, sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita."

Nanatili kaming mag kayakap at parang hindi ako makagalaw.

Bumitaw na siya sa pag kakayakap sakin at inayos yung buhok ko.

Hinawakan niya yung kamay ko at nag patuloy na sa pag palakad parang anlayo ng nilalakad namin? Kasi nasa third floor yung room namin.

Aaminin ko crush ko si tyler pero hindi ko dapat ipakita sakanya na may ganito akong nararamdaman dapat laruin ko lang ito dahil para sakanya laro lang ito.

Sana mawala itong kakaibang  feeling na ito.

Ayokong mag patuloy pa ito. Baka masaktan lang ako sa dulo.

Napag isipan kong sabihin na ako ang maunang pumasok kasi baka makita kami ng boyfriend ko na kakambal ko talaga. Sa una ayaw niya pero pumayag na rin siya.

May mga naririnig akong nag titilian at narinig kong may nag sabi ng 'i love you tyler' tapos sinabihan niya rin ng 'i love you too'

Parang may kung anong tumusok sa puso ko.

Dati naman wala naman akong pake. Pero....

Amber! Ano ba laruin mo lang wag seryosohin! Naku naman!

Nag kakagusto na ata ako sa isang playboy.




[Hello po! Support niyo po yung 2nd story ko hindi pa po siya naka publish pero sana po pag na publish na support niyo po.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seven PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon