Chapter 4: Meet The Three

9 0 0
                                    

Amber.

Tatlong araw na yung nakalipas simula ng mag kabati kami ni zoey. Ang sarap din sa pakiramdam na unti unting nagiging okay si timothy, unti unti niya nang nakakalimutan si ate anne.

Pakiramdam ko may malalim na dahilan si ate anne kaya siya nakipag hiwalay kay timothy.

Sa ngayon kailangan kami ni timothy kaya tuwing may time kami ni zoey pumupunta kami sa bahay nila.

Naramdaman at narandan ko rin kung paano mawala sa piling mo yung minahal mo ng sobra, kaya andito ako para kay timothy.....

"Good morning Prinsesa" bati ni kuya sabay ngumit at lumapit siya sa kama ko "Good morning kuya."

"Hindi ka pa ba mag aayos?" Biglang sumeryoso yung mukha niya. Bipolar nga pala siya "Ito na nga, babangon na po" pag tataray ko.

Ginulo niya yung buhok ko sabay ngumiti siya uli. Kitam? Galing niya mag palit ng mood.

"Okay ka ba sa new school mo? I think maninibago ka?" Nakangiti parin siya.

Umupo ako sa kama at nginitian ko siya na parang sinabi ko sa ngiti ko na 'okay na okay'

"Kuya College na ako oh!, syempre kaya ko ganito rin naman ako nung nasa korea ako 'di ba?" Ngumiti nalang ako uli.

"Sige na mag ayos kana hihintayin kita sa baba." Ngumiti siya sakin bago pumunta sa pintuan ng kwarto ko "Dalian mo at male-late din kami ni Gab" sabay tuluyan na siyang lumabas.

Nag play ako ng music sa phone ko at sinaksak ko siya sa speaker. Habang nag aayos ako ng para maligo di ko maiwasang kumanta.

Plinay ko yung favorite song namin ni Timothy.

(That Should be me - Justin Bieber)

That should be me, holding your hand
That should be me, making you laugh
That should be me, this is so sad
That should be me
That should be me

Ang ganda sabayan ng chorus.

Bigla ko nalang naalala si travis. Bakit ganun? Affected parin ba ako sakanya?

"Amber! Kailangan mo nang mag move on" sigaw ko sa sarili ko. Nababaliw na nga ako.

Natapos narin ako sa morning routine ko at humaba na rin ako para kumain.

Nakita ko sa kitchen sila mama at nakangiti akong pumunta sakanila.

"Goodmorning mama, Goodmorning gabriella!" Sabay lumapit ako sakanila at hinalikan ko ang noo nila.

"Hi yaya!" Ngumiti ako sakanya "Magandang umaga Young princess."

Mukhang masaya silang lahat at mukhang masarap ang breakfast namin "Bacon!!!" Para akong bata na tuwang tuwa dahil sa bacon.

Hahaha favorite ko nga kasi ^_^

"Gab, Dun ka rin ba samin nag aaral?" Tanong ko bigla sakanya. "Opo ate, kaso po medyo malayo sa building nyo ni kuya" sagot niya.

"Twin!" Wow! Himala tinawag niya akong twin "Yes? Kuya?" Mukha nga lang siyang mas matanda sakin. Haha joke

Mas mature siya at OP as in Over Protective siya saming dalawa ni Gab. Same age lang naman kami.

"Dalian nyo na jan. ayoko malate" sambit niya at tumingin uli siya sa dyaryo na hawak niya. ang aga aga pa kaya

"Nakain mo?" nag tataka kong tanong "Bakit? Malamang yung pag kain na paborito mo" inis niyang sagot.

Ayaw niya kasi ng bacon. Sabi niya nakakasawa daw yung itsura tsaka lasa, hindi naman eh >_<

Lumapit ako sakanya at kinapa ko yung noo niya. "Wala ka namang lagnat" sabay kinapa ko yung leeg niya "Hindi ka naman mainit" nag tataka talaga ako eh.

My Seven PrinceWhere stories live. Discover now