Chapter 1: I'm Back

29 4 0
                                    

3 years later....

Amber.

Grabe tatlong taon din akong hindi nakauwi sa pilipinas. Kamusta na kaya dun. Simula kasi nung nangyari samin ni travis naisipan kong dito muna kay papa tumira.

Nakakinis nga eih naalala ko parin si travis pero hindi ko na siya mahal wala na akong nararamdaman sakanya.

Laking tulong ng besty ko dahil pinapasaya niya ako.. ayun nakahanap rin siya ng babae na mag papasaya sakanya....

20 years old na pala ako next month...grabe tanda ko na! Hahaha

"Anak? Ready na ba mga gamit mo? Nag hihintay na sila Timothy sa sala" nakangiti lang si papa. "Opo papa ready na at excited narin ako kasi matagal ko nang hindi nakikita sila mama" inaayos ko na ang gamit ko palabas

Tinulungan ako ni papa "Alam mo anak," tumingin ako sakanya "I'm so proud of you" nakangiti niyang sabi "Proud for what papa?" Tanong ko "I'm proud because you made it!, Your not the old Amber na laging umiiyak" nakangit parin siya sakin.

Dati kasi nung kararating ko dito walang araw o oras na hindi ako umiiyak.kung hindi man ako umiiyak malungkot ako.

Pag kababa ko palang bumungad na agad sila timothy sakin kasama niya si anne...grabe namangha nanaman ako sa kagandahan niya. Pinoy rin siya like us.kaya siguro magaan yung pakiramdam ko sakanya.

"My Amber" bati sakin ni ate anne "I miss you so much! Sweetie!" Sabay yakap sakin ng mahigpit "I miss you too,i miss you both" malambing kong balik kay ate anne.

She's too perfect. Timothy is lucky for having her and ate anne is more lucky for having my besty.

"Ano ready na besty?" tanong niya. "I'm always ready" sagot ko naman. Ginulo niya nalang ang buhok ko

nag paalam na kami kay papa kasi baka malate kami sa flight namin.

After a minute we're here!

"Incheon airport is waiting for us!" Masayang sabi ni ate anne "Your so excited Babe" sabi ni Timothy sakanya "I can't wait!" Pag kasabi niyang yun bigla siyang tumingin sakin. Naka poker face lang ako.

"Anong tingin yan?" seryoso kong tanong "Sure ka ba talaga?" Nag aalala niyang tanong. Hindi na ako nakapah salita ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Amber!!!!" Sigaw nung mga babae. "OMG! Amber Lopez" gulat na sabi nung babae. Grabe ganun na ba ako kasikat?.

Well sumali kasi ako sa isang Dance Group dito sa Korea na kung saan lumalaban kami sa iba't ibang bansa. Sa bagay sikat nga ang grupo namin

Ngumiti nalang ako sa kanila. Lumapit naman silang tatlo sakin "Can we get a picture with you?" tanong nung naka pink na damit "Sure no problem" sagot ko

Sabay nilabas nila ang iphone nila at nag picture na kaming apat. Nag sign narin ako sa mga phone nila sabi nila eih.

"Thank you my idol, we love you" we love you agad? Hahaha grabe "Your Always welcome" nag bow sila at umalis na.

"Grabe naman pala besty! Sikat ka na!" sabay hawak sa balikat ko "Malay ko ba?" Natatawa kong sabi.

Hindi ko talaga alam na ganito kasi hindi naman ko naman hinangad yun. Kusang dumating siya. Thank you lord.

Maya maya lang ay sumakay na kami sa eroplano namin papunta pilipinas. Naka ramdam ako ng excitement at may halong nervous.

"Sweetie, matulog ka muna gisingin ka nalang namin pag nakarating na tayo" sabi ni anne "Sige gisingin ko ah! Pagod rin kasi ako" sagot ko sakanya.

My Seven PrinceWhere stories live. Discover now