XX. Happy Birthday

Start from the beginning
                                    

"Hi, guys! My name's Daffney, but for short call me Daff!" sabi ko at nakuha ko naman ang atensyon ng mga tao, pati mga kaibigan ko takang-taka na kung ano ginagawa ko dito, ganoon din si Stance nang nakita na ako.

"Hi, Daff!" sagot naman ng ilan at kinayawan ko rin sila.

"So... first of all, I want to greet my bestfriend a.k.a Mr. Rocker, a happy happy birthday! Stance Helleno, happy birthday!" sabi ko at naghiyawan na ang mga tao at binati si Stance na papaakyat na ngayon ng stage. Ang banda niya ang tutugtog para sa akin. "Diyan ka lang," bulong ko sa kanya.

"So, dahil birthday ngayon ni Stance, kakantahan ko siya!" sigaw ko at naghiyawan din naman ang mga tao.

Tiningnan ko kung sino sino ba mga 'yun, 'yung iba namumukhaan kong taga-SFA. Nakita ko rin ang mga kaibigan ko kasama ng crowd at natanaw ko din si Tyson na parang takang-taka kung anong ginagawa ko, ano rin ang ginagawa niya rito?

Hindi ko siya pinansin, at may isa nanaman akong nakita. Si Isaac together with Darling!

UGH!

Bakit ba siya nanonood? Bakit hindi naang siya makipagsayawan doon at dumiretso na sila sa condo niya o kung saan man! I sighed. Okay, dapat masaya lang, Daff, masaya. Pa-birthday mo ito kay Stance... so, remove all the Darlin's in your head!

Pinasimulan ko na ang tugtog nagsway-sway pa nga ako roon bilang pagsabay sa instrumental ng kanta. Kailan pa naging ganito kalakas ang loob ko?

Nais ko ay magpakilala sa iyo...

Naghyawan ang mga tao, at natatawa-tawa naman si Stance sa pagkanta ko.

At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko, maunawaan mo kaya? O baka sampalin mo lang ang aking mukha, nag-dadalawang isip na...

Unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang isa nyang kamay. Naghiyawan nanaman ang mga tao.

"Huwag na lang kaya?" kanta ko sabay bitiw sa kamay niya ngunit kinuha niya muli ang kamay ko kaya ayun hiyawan nanaman! 'Yung iba pa nasipol-sipol gaya nung sa kanta! Nakakahiya na!

"Staffney! Staffney!" sigaw nung iba, Stance plus Daffney? Hala! Funny!

"Huwag na lang kaya?" pinanindigan ko na lang ang holding hands while singing namin. Masama ang tingin sa akin ni Darlin. Ano ba ang pake niya?

Nais ko ay i-alay sa iyo ang puso ko na umiibig saiyo, ngunit hindi mo na yata kailangan ng ganyan...

"Meron ka na yatang kasintahan..." sabi ko at pilit ibinitiw ang kamay ko. Natatawa na siya, nag-oooh pa nga 'yung mga tao.

Naninikip ang tiyan...

Huwag na lang kaya?

Huwag na lang kaya?

Tinalikuran ko siya at gulat ko ng pagharap ko may microphone na siya, at siya na ang kumanta ng sumunod na lyrics, kaya naghiyawan nanaman mga tao.

Ngunit hindi mo na yata kailangan ng ganyan, meron ka na yatang kasintahan...

Nagpout siya sa akin. Ang cute niya na tuloy bigla. At sinabayan ko na siya sa sumunod.

"Naninikip ang tiyan..." sabay naming kanta kaya mas lumakas pa ang hiyawan. In all fairness, maganda blending ng voice namin. Hinawakan niya muli ang kamay ko at sabay na kaming kumanta sa mga sumunod na lyrics.

Huwag na lang kaya?

Huwag na lang kaya?

At sa huli ay nagtinginan kami at gulat ko nang niyakap niya ako. Niyakap ko na lang din siya pabalik. Hiyawan nanaman ng tao ang narinig ko, at maya-maya pa ay...

"Kiss! Kiss!"

What the hell people?

Umimik si Stance sa microphone. "Ano 'yun? Kiss daw?" sabi niya, hinampas ko nga! Kakasura, e!

"Pabirthday, 'di ba, guys?" tanong niya sa mga tao, at sumigaw naman ng, "Oo!"

"Ewan ko sa'yo." I rolled my eyes.

"Sige na pa-birthday mo na sa akin, bestfriend?" bulong niya sa akin.

"Hindi pa ba 'to pa-birthday?" tanong ko sa kanya. Umiling siya, kaya niyakap ko na lang siya. Wala namang masama doon kaya lang naghiyawan nanaman ang mga tao.

Matapos noon nagsasayaw pa kami, sinabi naman ni Stance na siya na raw maghahatid sa akin. 11 pm na rin naman. Inihatid niya ako sa amin at pinagbuksan pa ako ng pintuan ng sasakyan. Gentleman.

"Kung alam kong birthday mo sana man lang nakabili ako ng gift!" pagalit ko sa kanya. Hindi naman kasi ako informed!

"Hmm, kiss na nga lang," asar niya pa. Sinapok ko nga! Ang daming alam!

"Aray! Birthday ko naman eh!" sabi niya at tumawa na kaming dalawa. "This is my best birthday ever," sabi niya sa akin sabay hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Celebrated my birthday with the best girl I've ever met," aniya sabay all smiles nanaman. Damn. Hindi ko alam kung ano ang gagawain ko sa buhay ko kapag hindi ko na makikita ang all smiles na 'yan.

"I'm the happiest because I've made the best guy I've ever met happy."

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at saka siya hinalikan sa pisngi.

"Happy Birthday, Stance."

When We HappenedWhere stories live. Discover now