XIX. Somebody Owns You

Start from the beginning
                                    

Kaagad naman siyang nag-reply.

Kross:

Gising ka na pala. Nandito na ako sa baba.

What?

Dali-dali akong naghilamos at nag-toothbrush. Ayaw naman mawala nang pagka-pugto ng mata ko. Nagpalit ako ng damit dahil kahapon pa 'to. Nagsuklay rin ako at pulbo bago bumaba. Nahihiya rin naman ako kahit papaano! Hindi naman ako 'yung tipo na woke up like this tapos ang fresh.

Natanaw ko siya roon na may dalang bouquet. Ngumiti siya sa akin pero napawi rin kaagad 'yun nang mapansin niyang pugto ang mga mata ko.

"Kanina pa 'yang 6 am dito! Ang aga ha!" sabi sa akin ni Taylor.

Kanina pa siya? Nakakahiya...

"Sorry pagod na talaga ako kahapon..."

"What happened? Please tell me," sabi niya nang nag-aalala.

"Same old reasons, Kross," tipid kong sabi sa kanya.

Bahagya naman siyang napasimangot dahil doon at gulat ko nang bigla niya akong niyakap. "It's okay. You'll move on... eventually," he unsurely said.

"PDA!" singit ng epal na si Viniel dahilan para mapabitiw siya sa pagyakap sakin.

"Thanks..." matipid kong sabi.

"Dinner tayo mamaya?" he asked.

"Oh... I'm sorry may lakad ako mamaya."

Napa-pout naman siya doon at tumango-tango na lang. "Sorry talaga, next time na lang."

"Uhm... okay," tapos tumayo siya. "I'll go ahead, bye..." cold niyang sabi sa akin. Paano na ba 'yan?                                       
Umalis na siya, wala naman akong lakas para ihatid pa siya sa labas o pigilan man lang. I don't even know why...

Nagpunta ako sa kusina para sana kumain kaso...

"Sa labas kami kumain, si Vellix kasi, nagpresinta na siya raw magluluto, ayun tuloy sunog ang pagkain!" sabi sa akin ni Leon na kakapasok lang sa dining room. Gutom na gutom na ako. Hindi pa ako nakain ng kahit ano simula kahapon.

Wala naman na akong nagawa kaya lumabas ako at nagpunta sa pinaka-malapit na café kahit pa nakapambahay lang ako. Umorder lang ako ng coffee at cake.

"Daff?"

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kawalan, buti na lang talaga at may tumawag sa akin. Nang nilingon ko siya ay para bang bumalik sa akin ang mga pangyayari kahapon. Those chinito eyes.

"Deninn?"

Hindi man siya si Darlin pero kahawig niya pa rin. "Bakit ka mag-isa?" nagaalala niyang tanong. In fairness ang hot niya ngayon dahil naka-jersey siya at may dala-dalang sports bag, mukhang kakagaling lang niya sa training.

Kahit payat siya mas naging gwapo naman siya dahil 'dun. Dala niya rin ang isang tray kung saan naroon ang in-order niya, mukhang mag-isa lang din siya na kakain.

"Uh, ano... late kasi ako nagising eh, wala namang luto sa bahay, tapos gutom na talaga ako," I told him.

Tumango-tango naman siya at umupo na sa harapan ko at inilapag ang order niya.

"May nangyari ba?" tanong niya.

Kahit wala pa siyang sabihin kung saan, ano o kung sino ay gets ko na kaagad.

"I like him, Deninn."

Ni hindi ko man lang siya tinitingnan, I don't wanna see his reaction.

"I know..." sabi niya kaya naman tiningnan ko na siya ngayon.

When We HappenedWhere stories live. Discover now