Ewan...

Nakita ko naman sina Kuya Daffin, Vellix at Lincoln na bihis na bihis din. "Punta lang kami sa YG, Daff, may party," paalam sa akin ni Kuya Daffin.

Ah, party naman pala.

Kaagad kong nireplyan si Mr. Rocker.

You:

Hindi para sa akin. Punta sila sa bar nina Kuya, doon sa party ng chics niya.

Mr. Rocker:

Aw! Cheer up! 😁

Magrereply na sana ako nang may tumawag.

Si Tyson.

"Hello?" sabi ko at naramdaman kong nakatingin sa akin si Darlin, hindi pa pala sila nakakaalis.

"Hi! Miss na kita!" sabi niya.

Napatawa naman ako doon. "Miss? E hindi naman tayo close!" pabiro kong sabi.

Narinig ko namang humalakhak siya, pero tunay na hindi naman talaga kami close.

"Soon magiging close na rin tayo."

"Talaga? Kailan?" tanong ko.

Nalilibang na ako dahil hindi naman na ako masyado tinatawagan ni Darling – este Darlin!

"Surprise," sabi niya.

Ako naman ang nagtataka.

"Hmm, uy wait lang, kakain lang ako ah, mamaya na lang," sabi ko then in-end ko na ang tawag. Nandito pa rin si Darlin.

"Anong oras ng uwi?" tanong ko kay Kuya Daffin.

"Nino? Ako o ng darling mo?" tanong niya at ayun inasar nanaman kami.

Ngumisi lang si Darlin. Si Kuya Daffin, tanong pa! Sa kanya naman ako nakatingin, hindi naman ako banlag ah. Nakakaasar din talaga siya minsan.

"Depende. Nandyan naman sina Leon at Raph, 'tsaka padating na rin sina Kuya Darry at Viniel kaya 'wag ka na matakot na baka may mumu!" asar niya pa.

Napatawa naman si Darlin, maging ako'y napatawa rin. Naalala ko tuloy noong nanood kami ng sine na horror hanggang doon sa tawagan moments namin, hay kakami – Oops! Erase! Erase!

"Hindi nakakatuwa, Kuya!" irap ko. "Umalis na nga kayo! Hahanap lang kayo ng girls, e!" pagtataboy ko kina Kuya Daffin, at umalis naman sila, buti naman.

Pagkakain ko ay nag-try akong matulog, pero hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung ano kaya ang ginagawa ni Darlin at ng chic niyang iyon or if I know mga chics!

Nag-facebook na lang ako.

160 Friend Requests.

Ano ba naman ito, araw araw na lang!

Tiningnan ko kung sino sino.

Tyson Lewill – what? Kaya pala mukha siyang may lahi kasi meron naman talaga. Inaccept ko naman, wala ako balak i-stalk, hindi ko siya type.

Namukhaan ko rin si Drew kaya inaccept ko rin, then ilang scroll pa, nakita ko si Darlin. Napatawa naman ako. Hindi ko pa rin pala siya ina-accept, inaccept ko na then ini-stalk ko.

Yung profile picture niya sa isang beach, naka-sando lang siya and shorts then shades, pero bakit ang hot hot niya?!

Ini-open ko naman 'yon, 2 weeks ago? Sino kaya ang kasama nito? Tiningnan ko ang mga comments, puro babae! Pero may iba na comment nina Gion at Isaac at ng iba pa niyang barkada.

May nag-comment pang, "Your place or mine?"

What the freak? Na-badtrip tuloy ako, kaya sa timeline niya na lang ako kaysa sa comments! Kaso unang scroll ko pa lang...

Kisha Ann Ibanez is with Darlin Andrew Francisco at YG.

Kaagad ko namang nabitawan ang cellphone ko.

Picture iyon ni Darlin at ng isang babae, hindi ito 'yung babae kanina. Naka-akbay si Darlin, then naka-kiss 'yung babae sa cheeks niya, ang caption pa ay "I missed you, And." At si Darling – Darlin naman mukhang tuwang-tuwa.

Tangina.

Fuck. Naiiyak na ako.

Bakit ba ako umaasang magugustuhan ako ng isang tulad niya, gay'ong may iba na pala siya?

Darlin, ayaw na talaga kitang maging darling. Ayoko ng maging type ka.

Sabi naman sa 'yo Daff, 'di ba?

Huwag na siya...

When We HappenedWhere stories live. Discover now