"Shut up, Kuya!"

"Nako... bunso! Hindi mo naman sinabing chic boy pala ang mga tipo mo!" natatawang sabi ni Kuya Darry, dahil tuloy doon nawalan bigla ako ng gana.

Oo nga naman kilig na kilig ako? Malay mo ganoon siya sa lahat ng babae niya. Malay mo marami pala siyang kinakantahan. Malay mo hindi lang pala siya sa akin nahuhulog... ugh, nakakainis!

Nilapag ko tuloy ng padabog 'yung pancakes doon sa lamesa at nag-walk out ako dahil doon. Narinig ko naman na nagbulung-bulungan pa sila.

"Ito namang si Kuya Darry! Minsan na nga lang ma-in love at kiligin 'yung isa dito, e!" rinig kong sabi ni Tori.

Nabalik nanaman tuloy ang ngiti ko. Sige ayos lang kahit ganoon siya sa lahat ng chics niya... hays.

Lumabas na lang ako ng kwarto nang papasok na ako sa school. Nakita ko namang hinihintay naman ako ni Raph sa salas. Pahikab-hikab pa ako on the way to school. Unang subject nakatulog pa nga ako, napagalitan pa tuloy ako ng prof namin! Buti na lang break na ang kasunod noon.

Nagpabili lang ako ng kape kay Deninn at pagka-tapos lagukin iyon ay umubob na ako ulit ako. Ugh! I feel so sleepy! Kung hindi sana ako binulabog nung tatlo edi hindi ako inaantok ngayon! Tss! Narinig kong dumating sina Kuya, pero hindi ako lumingon. Nanatili lang akong nakaubob.

Nakakahiya kay Darling!

Mukha yata akong zombie! First time ko matulog ng ganoong oras. First time ko rin magka-eyebags. I was never the nagpupuyat type of girl. Ngayon lang. Wala naman kasi akong nakakausap noon.

"Hay... nako nga, Darlin, ayan pinuyat mo ang kapatid ko!" rinig kong sabi ni Kuya Daffin sabay tawa.

Nagtawanan na rin mga kasama niya, sina Isaac siguro 'yun.

"Kaya pala tulog si Darling kanina sa klase, may kapuyatan! Hmm!" si Chan iyon sa tingin ko.

Umayos na ako nang pagkaka-upo at nakita si Darling na nakahalumbaba at papikit-pikit na ang mata. Kaagad ko ngang tinanggal iyong kamay niya. Napasubsob tuloy siya sa lamesa.

Karma iyan, Darling!

Tiningnan niya ako nang masama. "Hi, Darling ko! Kamusta ang tulog mo?" bati ko sa kanya. Kaagad namang naghiyawan ang mga boys, ako lang kasi ang babae dito. Kami lang kasi ang sabay sabay ng break palagi.

Napatawa rin naman siya kaya mas lalo lang kaming inasar. "Ayos naman, Darling ko," sabi niya sa akin. Naka pa-cool boy smile pa siya.

What the? Akala ko hindi siya sasagot! Kaagad ko namang tinakpan ang mukha ko. Baka mapansin nilang namumula ako.

"Kinilig!" sabi ni Isaac. My, god. Lamunin na sana ako ng lupa.

Natapos ang break nang inaasar lang kaming dalawa. Nang nasa room na ako nagtext naman si Darling.

Darling:

Pinuyat ba kita?

After 10 minutes nireplyan ko siya.

You:

Oo! Kasi naman horror pa! 😑

Darling:

Galing ko kumanta ano? 😜

Naramdaman ko namang nag-init nanaman ang pisngi ko. Naalala ko nanaman.

You:

Mahiya ka nga, Darling!

"Sino kayang ka-text ni Honey at mukhang tuwang-tuwa siya?"

When We HappenedМесто, где живут истории. Откройте их для себя