Kabanata 08

1.2K 51 2
                                    

Kabanata 08

Kinabukasan ay tila ba naging normal lang ang araw ni Rizelkei. Kahit na marami ang mga bagay na bumabagabag sa kanya ay pinipilit niyang kumilos na parang walang nangyari, na parang walang sinabing kakaiba si Tapong.

Research Class. At sa klaseng ito'y walang ibang ginawa kundi ang magpa-consult ng kanilang revised baby thesis sa research teacher. Laking pasasalamat niya dahil wala ng babaguhin ang kanilang grupo. Paghahandaan na lamang nila ang Science Fair dahil qualified ang kanilang study.

Nang sumapit ang oras ng recess ay inaya niya si Lisha sa canteen. Sabay naman silang tumungo doon at bumili ng french fries.

Ngunit napapayuko na lang siya ng wala sa oras. Nahihiya kasi siya dahil hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan tungkol sa mga naganap noong isang araw, lalo na't sariwa pa rin ang sugat na tinamo ng kanyang pisngi.

"Anong tinitingin tingin niyo sa kaibigan ko? Dudukutin ko 'yang mga mata niyo nang malaman niyo eh!" Suway ni Lisha sa isang grupo ng sophomore students. Agad naman niyang pinakalma ang kaibigan.

"Hayaan mo na bes, huhupa din ang tsismis."

"Huhupa? Like OMG! Dapat sa Bernard na 'yun ay nginungudngud sa kalan ng impyerno! Pati ba naman babae ay pinapatulan?"

"Hayaan mo na."

Pagdating nila sa room ay ubos na ang french fries na kanilang binili. Sakto naman at dumating ang kanilang guro sa Komunikasyon at Pananaliksik. At dahil wala siya sa sarili, hindi na naman niya pinakinggan ang lecture ng teacher, kaya nang magkaroon ng surprise test ay isang tumataginting na uno ang kanyang nakuha.

Pagsapit naman ng uwian ay nagmamadali siyang lumalabas. Kanina pa kasi niya napansin na tumitingin tingin sa kanya si Bernard at kapag nahuhuli niya ay agad na umiiwas.

"Baka may masamang balak." Bulong niya sa sarili at nagpaalam na sa kaibigan bago lumabas.

Nang marating niya ang gate ay saktong bumuhos ang malakas na ulan, dahilan kung bakit tumungo siya sa waiting shed at makipagsiksikan sa mga estudyanteng naroroon din.

Kinuha niya ang cellphone para tumingin sa oras. Bumuntong hininga na lamang siya nang makitang alas kwatro y media na ng hapon.

Mas lalo pang lumakas ang ulan nang makalipas ang halos isang oras. Ang nakakainis ay siya na lamang ang natitira sa waiting shed na iyon sapagkat nagsi-sakayan na sa mga sasakyan ang mga naroon.

"Nakakainis naman! Bakit ba walang mga jeep na dumadaan ngayon?!"

"Kasi may transpot strike."

Mabilis siyang napatingin sa kanyang gilid, ganoon na lamang ang kanyang gulat nang makita ang taong kanina pa niya iniiwasan.

Si Bernard.

"Ihatid na kita. May dala akong kotse."

Muli niyang binalik ang tingin sa harapan. Napasinghal siya muli sa hangin nang makitang lumakas pang lalo ang ulan.

"I told you, sumabay ka na sa'kin."

"Ayoko---"

Hindi na niya tinuloy ang sinasabi dahil hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Dahan dahan naman siyang tumingin sa parteng iyon at unti-unting umangat ng tingin. Nanghina ang kanyang damdamin nang makita ang namumungay nitong mga mata. Lalo na ang ekspresyon nitong napaka sinsero.

"P-please?"

Napabuntong hininga na lamang siya.

"Sige. Paano ako makakasiguro na wala kang gagawing masama sa'kin?"

That Guy From 1458 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon