Chapter 1

63 4 0
                                    

Dennise POV


Minulat ko ang aking mata dahil tumunog na ang alarm ng orasan. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ko ang muka ng katabi ko.'kamukang kamuka mo talaga ang ama mo, nakuha mo sa kanya ang ilong mo pati ang hugis ng muka lahat ng features nakuha mo sa kanya ang nakuha mo lang yata sa akin ay ang hugis ng labi ko' sabi ko sa sarili


Pumunta ako sa banyo at naghilamos pagkatapos ay bumaba na ako upang magluto ng agahan namin ni Dylan.Nagprito ako ng itlog at ng hotdog at sinangag ang kanin kagabi at nag timpla ako ng kape at gatas then 'tada' handa na ang agahan.



Umakyat ako sa kwarto upang gisingin na si Dylan para mag agahan. Mukang mahimbing paring natutulog si Dylan pagpasok ko sa kwarto kaya lumapit ako sa kama at umupo sa sahig para pantay ang muka namin.



"Baby wake up handa na ang breakfast " sabi ko habang tinatapik ang braso niya. Dahan dahan niyang minulat ang mata niya at parang nasinag pa sa liwanag.


"Good Morning baby Dylan bangon na diyan at magbreakfast na tayo" nakangiting sabi ko.



"Good Morning Mommy" sabi ni Dylan habang kinukusot ang mata niya.


"Maghilamos ka muna at liligpitin ko lang itong kama at kakain na tayo" sabi ko. Agad naman siyang tumayo at dumiretso sa banyo habang ako ay pinagpag ang higaan at tinupi ang kumot. Paglabas ko ng kwarto ay nakaupo na sa lamesa si Dylan at  mukang hinihintay ako.



Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader 6:05 AM na.Umupo na ako sa upuan at sinandukan ng sinangag at nilagyan ng pritong itlog at hotdog ang pinggan ni Dylan. "Dylan ubusin mo lahat yan haa para hindi ka mag kasakit at magutom mamaya sa school at ubusin mo rin yang gatas mo para malakas ang buto mo okay?"



"Okay po Mommy" masiglang sagot ni Dylan.


Kumakain kami ng biglang may tumawag sa cellphone ko. 'Francis' basa ko sa cellphone ko.


"Hello Francis bakit ka napatawag?" sabi ko.


"Dennise mag papaalam lang sana ako... kahapon yung huling araw ko sa cafe at pasensya na kung biglaan wala kasing mag aalaga sa nanay ko sa probinsya pasensya na sa abala at biglaang pag alis sa trabaho alam kong malaking sagabal sa inyo ang pag alis ko dahil wala pa akong kapalit sa trabaho pasensya na talaga Dennise ". sabi ni Francis


" okay lang yun Francis ano ka ba basta alagaan mong mabuti si nanay Emmy at paki kamusta na rin ako sa kanya" sabi ko


"Sige makakarating " sabi ni Francis  Joanna

"Anong oras nga pala ang flight mo pa palawan?" tanong ko

"Ngayong Umaga kaya nga hindi na ako makakadaan sa cafe para sana mag paalam kila Josh " sabi niya

"Ganon ba sige ingat ka sa byahe mo papuntang palawan" sabi ko

"Salamat sige ibababa ko na at baka naaabala na kita bye " sabi niya at pinutol na ang linya



Kakatapos lang kumain ni Dylan at inuubos na lamang ang gatas niya. Tapos na rin ako at niligpit na ang pinagkainan. Habang naghuhugas pumasok sa kusina si Dylan habang bitbit ang baso. Tinignan ko siya habang naglalakad 'ang cute talaga ng anak ko' sabi ko sa sarili kinuha ko sa kanya ang baso at sinama na mga hinuhugasan ko at napansin kong hindi pa umaalis si Dylan at nakatayo sa tabi ko. "Baby doon kana sa sala manood ka muna doon ng TV mamaya na kita papaliguan pag natapos ako dito" sabi ko habang nag babanlaw ng mga pinggan ngunit parang walang narinig at nakatayo lamang siya at nakatingin sa akin kaya binabaan ko ang pagtayo ko para pantay kami "Bakit baby anong problema? " sabi ko


"Kasi po mommy gusto ko po kayong tulungan sa ginagawa niyo para hindi po kayo mapagod" sabi ni baby Dylan


'Ang swerte ko talaga sa anak ko bukod sa gwapo at cute ay mabait pang bata' sabi ng utak ko at napangiti naman ako sa sinabi ng utak ko hahahah. "Baby Dylan hindi mo pa kasi kaya kasi baby ka pa pag big boy kana saka mo nalang tulungan si Mommy haa" sabi ko sa anak ko.


Tumango si Baby Dylan sabay sabing "Sige po Mommy basta pag laki ko gusto ko ako naman po mag aalaga sa inyo at titira po tayo sa malaking bahay" gumawa pa siya ng malaking bilog nung sinabi niya yung malaki hahahah natuwa naman ako sa pangarap niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit sabay sabing...


"I love you baby Dylan" 


"I love you too Mommy" sabi ni Dylan


Biglang may pumatak na luha sa mata ko na agad ko namang pinahid ng kamay ko.



"Mommy umiiyak kaba ayaw mo bang ako mag alaga sa inyo at tumigas sa malaking bahay? " tanong ni Dylan na halatang nalungkot 


"Hindi Baby masaya lang si mommy" sabi ko


"Ehh bakit po kayo umiiyak?" tanong ni Dylan


"Ang tawag dito tears of joy baby masaya lang si mommy  sa pangarap mo at mas lalo akong naging masaya na isinama mo ako sa pangarap mo" sabi ko 'Ang swerte ko talaga sayo anak kahit tayong dalawa lang. Nagpapasalamat ako sa panginoon na ibinigay ka sa akin isa kang biyaya' sabi ng isip ko, nakangiti akong nakatingin sa kanya



"Pumunta ka na doon sa sala baby manood ka muna ng cartoons at tatapusin ko lang itong hugasin at nang mapaliguan na kita.. okay?" sabi ko


"Okay po mommy" sabi ni Dylan at umalis na siya sa kusina at pumunta na sa sala. Tapos na akong maghugas at nakita ko siyang nanonood ng tv.


"Baby Dylan turn off mo na yang TV at papaliguan na kita at baka malate ka sa school mo" sabi ko tinignan ko ang orasan at 6:33 AM na 7:30 start ng klase ni Dylan sa Pampublikong paaralan dito sa Batangas.. Kinder na si Dylan 5 years old na siya at sa murang edad niyang yan ay diretso na siyang magsalita ng hindi nabubulol dahil nung 3 years old palang siya ay tinuturuan ko na siyang magbasa at magsulat para pagpasok niya sa eskwelahan ay hindi siya mahirapan mag adjust.



"Okay po" sabi ni Dylan


Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa sampayan at Hinubad ko na ang suot ni Dylan at sabay kaming  pumunta sa banyo. Habang shinashampuhan ko siya ay nandoon siya nakaupo sa loob ng batya.


"Pwede niyo po ba ikwento ulit sa akin kung pano po kayo nagkakilala ni daddy?"

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon