"Anong pa'no?" instead answer I gave him this another question.

"I mean hindi mo nga alam kung sino at saka ang hirap niyang mahanap."

Yun na nga yung iniisip ko. Pero wala talaga akong magagawa kundi ang hanapin siya or hayaan na lang na kusa siyang magpakilala in public. "Naniniwala ako, makikita ko din siya."

"Seriously?"

"Seriously" tipid kong sagot.

Shea's POV

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa sarili ko sa kakila-kilabot na ginawa ko kanina. Iniisip ko pa lang ay nagkakanda leche leche na ang utak ko.

BAKIT KO BA KASI HINALIKAN??! FUCK!

Napakadaldal kasi eh! Hindi magawang tumahimik. Akala mo hindi lalaki! Putak ng putak!

Napasabunot tuloy ako sa sarili ko. Shit!

Dumiretso na ako sa Girl's dorm at pumasok na sa kwarto namin ni Lauren.

Nakita kong ngiti siya ng ngiti sa akin. Ano problema nito? Wag siyang gaganyan ganyan sakin ngayon. Baka siya madamay sa init ng ulo ko.

Lumapit siya sa akin. "Bes, ala ka bang maiku-kwento diyan?"

Gaga! Sinasabi ko na nga eh!

"Wala kang makukuhang impormasyon sa akin!" pagkasabi ko nun ay dumiretso na ako sa kama ko.

"Ay galit! May nangyari ba sa inyo ni kuya?"

FUCKKKKK!!!! Nakakainis na! Pilit pa rin sakin pinapaalala.

Ito namang si gaga kasi todo push sa amin ng tukmol na yon kahit sinabi ko naman na malabong mangyari.

Lumapit siya sa akin sa kama at saka may binulong sakin. "Bes kinulang ka ba sa lambing?"

Hindi na ko makapagpigil kaya naman pinagbabato ko sa kanya ang mga unan malapit sakin. Tawa pa ng tawa si gaga.

Ilang oras ay natahimik na rin sa wakas ang mundo. Nakita ko siyang katikot ng katikot sa cellphone niya.

"OMG!!!!! Bes sikat ka na!!!!!" napakalakas ng boses niya. Daig pa nakalunok ng mikropono. Nagmadali siyang lumapit sa akin at saka ako niyakap.

Pinakita niya sa akin yung cellphone niya. "Look oh! Napakadami na ng views mo Bes! Million na! Oh My Gahd!!! Look ginawan ka ng pangalan ng mga fans mo and you are now the famous 'Shadow Girl'.

Gaga talaga kung makasigaw. Tiningnan ko naman yung cellphone niya. Oo nga umabot na ng million yung views nung video ko pero sadyang wala lang sakin yun. "Wala akong pake diyan kahit umabot pa ng ilang views yan." tipid kong sagot sa kanya.

"Bes! Opportunity kaya 'to! Kaya go lang sa paggawa ng cover! Yayaman tayo! Babasahin ko sa'yo yung mga comments ng mga fans mo"

"From Bea Mae. OMG!! Sobrang soft ng boses ni shadow girl. Kahit pagod ako sa trabaho, nababawasan 'yon kapag naririnig ko ang boses niya."

"From Ben. I'm the owner of LU bar. I was amazed with your unique style of singing. Looking for your next video. I am rooting for you to be the singer dito sa LU bar "

"From Sky Fajardo. Sobrang namangha kami sa galing mong kumanta shadow girl. Kung naghahanap ka ng banda, you can join in our band."

Marami pa siyang sinabi doon pero wala lang akong napala sa sinabi niya. Hindi pa rin no'n mababago yung takbo ng isip ko. Tumigil na siya at touch lang ng touch sa screen ng cellphone niya.

"Madami pa Bes!! Oh My Gahd!! Sisikat ka dito!" nagtatalon na siya."Pag sumikat ka pwede mo kong kunin na kahit tagalaba lang ng panty mo! Like that!"

GAGA! Kukunin ko siya microphone.

Pinukpok ko siya ng bote ng mineral water. "Ano ba? Pukpukan ba ng mineral water 'tong ulo ko!" hinimas niya yung parteng hinampas ko.

"Cancell all of that." simple kong sagot.

"Ano??! Bes nahihibang ka na ba? It's your opportunity to shine! Saka ito na rin yung time para patunayan mo sa mga nambubully sa'yo na kaya mo at mayroon kang ibubuga na hindi nila kayang gawin."

Tinitigan ko lang siya ng mata sa mata. "Pakisabi sa kanila na nirereject ko kung anuman ang offer na inaalok nila."

"Bes naman eh! Bakit ba kasi?"

"Because I don't want to disappoint them kapag nakita nila yung itsura ko. I don't want to get criticism from them! Lahat ng mga singer halos may itsura diba?"

Nagpatuloy na rin ako sa pagsasalita noong nakita kong hindi na siya sumasagot "Eh ako? Wala diba? Kaya nga tigilan mo na yan. Mag-uupload lang ako ng mga cover pero di ako mag-aaccept ng mga offer"

Bumuntong hininga siya. "Okay sige. Pero sana wag kang magsisi if you waste this kind of opportunity" saka sinabayan niya ng walk out.

Napatulala ako sa mismong sinabi niya. Alam kong hilig ko yung pagkanta pero nahihirapan lang akong ipakita dahil baka i-judge nila ako sa itsura ko at hindi sa boses ko.

Bumaling ako ng pagkakahiga para mag-isip. Sa gitna ng pag-iisip ay naramdaman kong may nagva-vibrate sa bulsa ko. It's a message.

Binuksan ko iyon

From: 092********
Chess Tournament. Saturday. 10:00 AM

__________________☆

-CYRONGRAY

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now