Ilang minuto rin kaming ganito. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Maya maya pa ay tumayo na siya. "Aalis na ko."

Yes. Please lang.

Ayaw pa ring umayos ng sistema ko. Nakakainis!

Pumasok ako ng klase pero ginugulo pa rin ako ng nangyari kanina. Kaya naman yung dinidiscuss noong teacher namin sa Math 10 ay pumupasok lang sa isang tenga ko at lumalabas din sa kabila.

Pumunta naman ako sa cafateria ng school at saka bumili ng makakain. Kanina pa sumasakit yung ulo ko dahil 'don. Kaya naman napagdesisyunan kong tawagan na lang si Drey.

("Hello babe!") sambit niya sa isang malambing na tono.

WTF!

"Gago ka Drey Adriano! Umayos ka ha!"

("So ano na babe sasabihin mo? Bilis!")

Shit!

"Stop that babe thing! Pumunta ka dito sa canteen kung ayaw mong mapatay kita"

("Alright! Haha. Pupunta na ko diyan. See you soon......BABE!") saka humalakhak yung gago

"Papatayin talaga kita pag punta mo dito!--"

'tut tut'

Aba pinatayan na ko. Kaya naman pagpunta ni Drey sa cafeteria ay pinagbibira ko na siya sa balikat. "Ano ba?" sabay pigil niya sa kamay ko. "Bro masakit!"

"Gago ka! Kailangan ko ng kausap ngayon." medyo inis kong pagsambit sa kaniya.

"Okay ka lang ba?"

"Mukha bang okay ako ngayon ha?!" siga ko sa kanya.

Nakita ko naman siyang medyo natawa. "Hindi ka okay sa ginawa ni Marcus kanina no? Nagseselos ka?"

"HINDIII! PUCHA!" at dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko ay napatingin ang sakin ang mga kumakain dito sa cafeteria.

"Oh puso mo!" sigaw ni Drey. "Bakit mo ko tinawagan? Ano ba sasabihin mo?" tapos sabay ngising nakakademonyo.

Kaya humugot ako ng hininga. "Kasi ano...." Teka? pano ko nga ba sasabihin sa kanya 'yon?! "Wala tae!! Naiinis lang ako kasi kailangan kong gawin 'to."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yon! Shit!

"Ikaw naman nagpasimula niyan bro eh! Panindigan mo." Pagkasabi niya no'n ay biglang napaisip pa siya. "Pano bro kapag nahulog ka kay Shea ng hindi mo inaasahan?" Pagkayari niyang sabihin 'yon ay pinagbibira ko siya sa braso. "Aray! Nakakarami ka na ah!"

"In your dreams bro!! In your dreams!!" at saka ako umayos sa dating pwesto ko.

Bigla namang umayos ng upo si Drey sa upuan niya at saka ako tinawanan. Loko! "Tssk. Bahala ka bro! I will declare. Babalik ka sakin at sasabihin mo na: "I.THINK. I. FALL.FOR. CHUBS" with matching arte arte pa, kilig kilig"

"Kilig ka diyan. Nakakabakla!" reaksyon ko sa mga sinabi niya. "Saka as if naman na mapo-fall ako sa pangit na mataba na yun! Asa ka bro! Asa!"

"Naku naku naku!"

"Saka bro. I'm still in love with somebody else. So why would I look for someone that is worse than her?"

"Si shadow girl na naman yan?" he asked then I nodded.

Binigyan ako ni Drey na nakakapagtakang tingin. "E-hh pano?" komento niya.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now