OBTMVP 15

6.5K 229 45
                                    

Panay ang kurot ko sa likod ni Stephen habang naglalakad kami papasok sa kanilang restaurant.

" Sugarpie, masakit. " He whispered.

Pinandilatan ko siya ng mata at hindi parin inaalis ang kamay sa likod niya.

" Awat na. " Sabi niya at marahang inalis ang kamay ko sa likod niya.

" May problema ba? " Napatayo ako ng maayos ng magtanong ang Lola niya.

" W-wala po. " Nauutal kong sagot.

" Sit. " Para kaming asong sabay na umupo sa utos ng Lola niya.

Siomai! Pinagpapawisan na ako.

" Alam kong may pasok ka pa pero ang ginagawa mo.. I mean niyo dito? " Nakataas ang isang kilay niya sa amin ni Stephen na lalong nagpakaba sa akin.

" La, ayoko na pong mag-aral. Papakasalan ko na po itong girlfriend ko. " Nanlaki parehas ang mata namin ng lola niya.

" What the fck. " Bigla na lang lumabas sa bibig ko at matalim akong binalingan ng lola niya.

Sa sobrang kaba ay namamasa na ang kamay, leeg at likod ko kahit na malamig naman sa restaurant.

" Hindi ako nagpayaman para lang magpakasal ka ng maaga! " Singhal nito sabay bato ng table napkin sa mukha ni Stephen.

" Joke lang, La. Seryoso mo masyado. " Tumawa ito na ikinagalit ko. Sarap upakan. Humanda talaga siya mamaya sa akin.

" What's your name? " Muntikan na akong atakihin sa puso sa biglaang tanong ng lola ni Stephen.

" J-juliana po. " Pautal-utal kong sagot.

Nakahinga ako ng maluwag ng may naglapag ng sandamakmak na pagkain sa mesa kaya nawala ang atensyon ng matanda sa akin. Hindi ko alam kong makakain pa ako sa lagay na to.

" Work of your parents? " Tanong ulit nito matapos isubo ang steak. Napalunok ako.

" My Mom's a principal sa isang public school sa amin and my Dad's a businessman po. Nagsu-supply po kami ng vegetables and meat s-sa mga restaurants po.  " Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

" Where's lolo nga pala, La? " Tanong ni Stephen. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko ng hindi man lang ako tinatanong.

" Main office and bukas na ang lipad namin pa New York. " Nakinig na lang ako sa usapan nila. Ayokong sumali sa usapan dahil sa totoo lang nakakatakot ang lola nila.

" I'll go ahead and it's nice meeting you hija. " For the first time ngumiti ito sa akin. Tumayo ako at inabot ang kanyang kamay.

" Nice meeting you too po. "

Pagkaalis ng lola ni Stephen ay agad ko siyang pinagkukurot. Kulang na lang kalmutin ko siya ng pigilan niya ako. Tumatawa pa ito habang ako ay nagpupuyos sa galit.

" Sugarpie, stop it! " Sabi nitong natatawa.

" Ang salbahe mo talaga. Break na tayo. " Umiling lang ito at niyakap ako ng mahigpit.

" Bitaw! Break na tayo. " Umiling ito na parang bata.

" Yaw ko nga. " At pinatakan ako ng halik sa pisngi.

Hindi na kami nagtagal sa hotel nila dahil umalis kami agad matapos naming kumain at isa pa baka makita ko na naman iyong lola nila. Gusto ko na sanang bumalik ng university kaso ayaw ng kasama ko.

" Hoy! May klase pa ako ano ba! " Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakapulupot sa katawan ko. Nakakahiya talaga ang isang to. Nasa mall kami naglilibot dahil may bibilhin raw siya pero hanggang ngayon wala pa siyang may nabibili.

" Alam ko. Teka. " Kinuha niya ang kamay ko at pumasok sa isang jewelry shop.

" Wedding ring po sir? " Tumaas agad ang kilay ko. Aba! Kakasagot ko lang kasal agad?

" Pwede pero matagal tagal pa siguro. Maarte kasi itong girlfriend ko. " Hinampas ko siya sa braso na ikinatawa pa niya. Mali sigurong sinagot ko siya.

" Joke lang. Mahal na mahal kaya ako nitong girlfriend ko. " Sabi niya sabay akbay sa akin.

" Sugarpie, pili na. " Sinamaan ko siya ng tingin.

" Ano na naman ba 'to? " Singhal ko pero sa totoo lang parang kinikilig ako ng konti.

" Sus! Singsing, ring sa english. " Sasampalin ko na sana siya ng hawakan niya ang kamay ko.

" Ang violent naman ng girlfriend mo sir. " Natatawang kumento ng babae.

" Gusto mo ikaw na lang upakan ko? " Natahimik at nawala ang ngiti sa labi ng babae ng tignan ko siya ng nakamamatay.

" S-sorry po. "

" Sugarpie, pumili ka na lang. " Bulong niya.

Hindi ko alam pero gusto kong manakit ngayon. Matagal tagal narin kasing nakapag pahinga itong kamao ko.

Inirapan ko siya pero namili naman ako. Ayaw ko ng singsing na may malalaking bato kaya naman pinili ko ang isang simpleng singsing na pinalibutan ng maliliit na diamonds. Sure akong mahal to pero siya namang nagsabing pumili lang ako.

Kinuha ni ate girl ang tinuro kong singsing at saktong sakto ito sa ring finger ko. Napangiti ako ng bumagay sa daliri ko ang singsing. Itinaas ko ito at agad na kuminang dahil sa mga ilaw.

" I'll take it. " Sabi ni Stephen.

" Baka mahal to. " Bulong ko.

" 70k po sir. Cash or card? " Nanlaki ang mata ko. Agad kong inalis ang singsing at mabilis na binalik kay ate girl.

" Card. " Poprotesta pa sana ako ng mabilis na nilagay ni Stephen ang kanyang kamay sa aking bibig at binigay ang card niya kay ate girl.

" Pwe! Ang alat. " Reklamo ko matapos kong kagatin ang daliri niya.

Ngumiti lang ito at agad akong nilapit sa kanya.

" Sasabog na talaga itong puso ko. " Sabi niya habang nakatingin sa singsing na inaayos na ni ate girl.

" Ha? "

" Hindi ko akalaing magmamahal ako ng sobra sobra. " Sabi niya at hinalikan ako sa ulo.

Natahimik ako dahil ramdam na ramdam ko rin ang malakas na pagtibok ng puso ko na parang sasabog na rin. Mamatay na yata ako. First time kong magka-boyfriend at di ko akalaing pwede akong mamatay dahil lang sa sobrang kilig.

Tahimik kami sa kotse niya pabalik sa university. Nang nasa parking lot kami ay agad niyang kinuha ang maliit na paper bag sa likod at hinarap ako.

" Hindi ako magpopropose kaya wag mo akong sapakin. " Tumawa ito. Maingat niyang kinuha ang singsing at ang kamay ko.

" Promise me na ako lang ang lalaki sa buhay mo. Promise me na ako lang ang mamahalin mo wala ng iba. Promise me na you'll always support me sa mga laro ko." Sabi niya habang nilalagay sang singsing sa daliri ko. Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Sobrang ganda ko ba para gawin niya to sa akin?

" And I promise na ikaw lang ang babae sa buhay ko, na ikaw lang ang mamahalin ko. I will always be here for you, Juliana. Kahit na masungit ka, kahit na palagi mo akong sinasapak, kahit na hindi ka sweet, hindi clingy at affectionate importante ay mahal na mahala parin kita. " Natawa ako sa huli niyang sinabi.

" Sobrang corny mo na. Akala ko ba hindi ka magpopropose? " Sabi ko sabay palis ng luha sa mukha.

" I love you. " Sabi niya na ikinatunaw ng puso ko. Mamatay na talaga ako!

" I love you too. " Nahihiya kong sabi. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Kong kasya lang ako sa bulsa niya matagal na niya akong binulsa. Ang clingy!





Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon