OBTMVP 3

8K 230 11
                                    

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Alas dos pa ang firt class ko ngayon pero eight naman ng gabi matatapos ang last class ko. Kapagod maging estudyante. Nagsaing ako at ininit ang tirang fried chicken na dala ni Stephen kahapon.

Pagkatapos kong maligo ay pinili kong mag jeans at mag off shoulder ngayon. Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ko.

"Hello, ma."

"Juliana, ang Kuya mo pakakasalan na ang Ate Maris mo."

"Talaga Ma?! Kailan po?" Wow! Nagpropose na pala ang Kuya.

"March next year pa raw. Nagpropose ang Kuya mo kagabi noong birthday ng Ate mo."

"Salamat naman at naisipan ni Kuya na magkapamilya na." Matagal ko na siyang kinukulit pero naghahanap daw siya ng timing.

"Oo nga. Oh, kamusta kana diyan? Uuwi kaba sa sembreak? Miss kana namin ng papa mo." 

"Yes ma. Pakisabi kay Papa miss ko na rin siya pati si Kuya."

"Siya sige. Kapag may kailangan ka tawagan mo ako agad. Mag-ingat ka palagi diyan. Ang layo mo pa naman sa amin."

"Yes, Mama. Bye po, I love you."

" I love you too, nak!" 

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush at naghilamos ako. Umupo ako sa harap ng salamin at nagsimulang magkilay. Naglagay ako ng bb cream at liptint. Tinali ko rin ng mataas ang buhok ko para naman may kwenta itong kulay rose gold kong off shoulder.

Naglakad lang ako papuntang university dahil malapit lang naman. Pagdating ko ng classroom ay tahimik silang lahat at subsob sa pag-aaral. Hirap talaga pag medtech student ka. Mabuti na lang at hindi ako tinutubuan ng pimples dahil palagi na akong madaling araw kong matulog.

"Nakapag review kana?" Tanong ni Lisa.

"Yes. Tinanghali nga ako ng gising dahil alas tres na ako nakatulog." Tumunog ang  cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag.

From: Pangit
Hatid kita mamaya, Sugarpie.

Hindi na ako nag reply dahil dumating na si Miss Timmy. Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay nakasimangot na lumabas si Gen at Shaira.

"Wala. Bagsak na ako nito." Sabi ni Gen at sabay silang ngumawa ni Shaira.

"Aral-aral din kasi mga bes." Sabi ni Lisa kina Gen at Shaira.

Ang dalawang 'to kasi mas inuuna pa ang panunuod ng kpop videos kesa magbasa ng libro at mag review. Sa sobrang pagka adik nila sa kpop lahat ng pera nila winawaldas sa albums at concert tickets ng mga idol nila.

"Sa susunod unahin niyo iyang si Jungkook at si V niyo para naman makapasa kayo." Pangangaral ko sa kanila.

Sa totoo lang si Sandara Park at Lee Min Ho lang ang kilala ko na singer at artista sa south korea pero ang dalawang to puro kpop kaya kilala ko na rin iyang si Jungkook at V na yan.

"Eh sa wala kaming lovelife kaya sa kpop namin ginugugol ang free time namin." Sabi ni Shaira.

"Sana all may free time." Kumento ni Lisa na ikinatawa naming lahat. 

"Ay bahala na nga kayo." Pumunta kami ng library at nag review dahil may quiz na naman kami sa susunod na klase.

Mga ala singko na nang makalabas kami ng classroom. Ubos na ang brain cells ko kaka-quiz namin. Sina Gen at Shaira naman ay parang binagsakan ng lupa dahil hindi sila naka pasa sa quiz.

"Punta muna tayo ng canteen. Nagugutom na ang utak ko." Sabi ni Shaira.

"Dito na lang tayo dumaan para malapit." Sabi ni Lisa sabay turo sa dadaanan namin. 

Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon