OBTMVP 1

15.2K 298 11
                                    

"Lisa, ito pala iyong photo copy para sa activity mamaya." Nasa parking lot kami ngayon ng school naglalakad dahil may ibibigay si Lisa sa boyfriend niya at sinama niya ako.

"Salamat, Juliana." Habang naglalakad ay tinali ko ang mahabang buhok ko dahil ang init.

"Saan na ba si Third?" Minsan naiinis na ako sa boyfriend ni Lisa dahil mayabang katulad ng mga kaibigan niya. Kasasagot niya lang last week pero tumagal rin ng dalawang buwan ang panliligaw ni Third.

"Pabalik na. Hintayin ko raw sa parking dahil may ibibigay din ito sa akin." Nakangiti nitong sagot kaya napa-irap na lang ako.

"Dapat siya na la--- Ahhhh!" Sabay kaming napahinto at napasigaw ni Lisa dahil muntik na akong mabundol ng isang itim na BMW.

"Tangina nito ah!" Napamura ako dahil one inch na lang ang layo ko sa kotse at si Lisa nasa likod ko.

Lumabas ang may ari ng BMW na nakangisi. Hinubad nito ang suot na shades at prenteng tumayo sa gilid ng kotse nito.

"Oooops. Bago kasi ang kotse ko." At kinindatan niya ako.

Nag-init ang katawan ko at kulang na lang umusok yung ilong ko. Hinubad ko ang doll shoes ko at binato iyon sa kanya.

"Woah! Chill, sugarpie." Ngisi nito at pinulot ang doll shoes tsaka lumapit sa amin.

Napatingin ako sa dalawang sasakyan na kakapark lang at lumabas si Third at ang mga ka-teammates nito.

Sisipain ko na sana si Stephen nang makalapit ito pero mabilis niyang nahawakan ang paa ko at lumuhod para alisin ang konting dumi.

"Ayan na po, Cinderella." Isinuot niya ang doll shoes sa paa ko at nagkantyawan ang mga kaibigan nitong busy kaka-video sa aming dalawa.

Sa inis ko ay sinabunutan ko siya kaya napatayo siya agad.

"Gago ka ah! Muntik mo na akong mabundol, arogante ka!" Sigaw ko at panay hampas ng bag ko sa mukha at dibdib niya.

"Gago talaga 'tong si Stephen." Rinig kong sabi ni Third na nasa tabi na ngayon ni Lisa.

"Tara na, Sugarpie." Bago pa ako makapag react inakbayan na niya ako at sinubsob ang mukha sa kili-kili niya. 

"Walang hiya ka talaga, Saavedra!" Tumawa lang ito at naglakad ng diretso kasama ako.

Simula noong nanligaw si Third sa best friend kong si Lisa nagsimula na rin akong guluhin ni Stephen. Nagkaroon rin ako ng maraming haters ng dahil sa kanya.

Sikat ang gagong to dahil mvp siya ng school. Palagi itong nagpapa-cute simula nung makilala niya ako. Hindi kami kasi palaging nagkikita noon dahil hindi naman kami magkablock at tsaka ang layo ng building ng engineering sa building ng allied health.

"Bitawan mo ako manyak ka!" Mas lalo niya akong isiniksik sa katawan niya at dalawang braso na ngayon ang nakapulupot sa balikat ko.

"Don't wanna." Sagot nito at nakita kong papunta kami ngayon ng field.

"Ang baho ng kili-kili mo. Peste ka!" Syempre joke lang mabaho kasi sa totoo lang ang b ango ng kili-kili niya. Nagpupumiglas ako pero nagulo lang ang buhok ko hindi parin niya ako binitawan.

Mahangin sa field dahil hapon na kaya ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng dress ko nang dahil sa hangin.

"Stephen, teka! Yung dress ko." Reklamo ko at 'don niya lang ako binitawan.

May tinignan muna siya sa likod ko bago niya tinaas ang dress ko kaya kitang kita niya ang cycling shorts ko. Tiniyak ko munang walang nakakita bago sinabunutan si Stephen na ngayon ay hawak na ang tyan sa kakatawa.

Owned By The MVPWhere stories live. Discover now