022.

1.7K 77 120
                                    

1:03 PM



Jihoon: daddy?



Jihoon: pwedeng bumili tayo ng stuffed toy mamaya?



Soonyoung: para saan?



Jihoon: wala lang. gusto ko lang bumili.



Soonyoung: Pero ang dami mo nang stuffed toys diyan



Jihoon: Gusto ko pa madagdagan e :(



Soonyoung: Sige. Mamaya.



Jihoon: Libre mo 'ko heheeee



Soonyoung: Lagi naman



Jihoon: Pwedeng isama si Myungho?



Soonyoung: Myungho? Si Minghao?



Jihoon: Yes yes.



Soonyoung: 'Wag na.



Jihoon: Kasama rin naman niya 'yung boyfriend niya e.



Soonyoung: Jihoon. Ayoko.



Jihoon: Pleaseee



Soonyoung: Ayoko.



Jihoon: >.>



Jihoon: Please?



Soonyoung: Ayoko.



Jihoon: Sige na nga :<



Soonyoung: Ayaw mo bang tayong dalawa lang ang magkasama?



Soonyoung: Ayaw mong masolo kita?



Jihoon: Hindi naman sa ganon, soons



Jihoon: Gusto ko lang talagang isama sila.



Soonyoung: Hindi rin naman sa ayoko silang kasama. Gusto ko lang kasi na masolo kita.



Jihoon: Oo na. Oo na. Talo na.



Jihoon: ippm nalang kita mamaya. iloveyou.



Soonyoung: iloveyoutoo.



4:57 PM



Jihoon: Bukas nalang pala, love.



Jihoon: Tinamad na ako e.



Soonyoung: Sige sige.



Jihoon: Tutulog lang ako.



Jihoon: Chat nalang kita pagkagising ko ha?



Soonyoung: Sige. Iloveyou.



Jihoon: Iloveyoutoo!







Inayos ni Soonyoung ang sintas ng sapatos niya. Ang totoo niyan ay kanina pa siya nakabihis kasi trip niya lang. Bagot na bagot siya dito sa bahay nila kaya napagisip-isip niya na pumunta nalang muna sa isang bar. Niyaya rin kasi siya nila Seokmin at Seungkwan.



"Saan ka pupunta?" Tanong ni Minghao habang nagkakape.



"Sa pupuntahan," Pabalang na sagot ni Soonyoung kaya nakatanggap lang siya ng isang irap mula kay Minghao. Nang tumingin siya dito ay matic na itinaas ni Minghao ang gitnang daliri niya.



Dalidali siyang lumabas ng bahay at nilakad nalang ang bar dahil malapit rin naman 'yon dito sa bahay nila. Kabilang kanto lang. Nang papalapit na siya doon, nakita niya na agad si Seokmin at Seungkwan na naghihintay sakaniya.



"Pa-VIP amputa," Mura ni Seokmin nang makita niya na si Soonyoung na palapit sakaniya. "Ikaw na nga malapit dito tapos ikaw pa late." Hindi naman halatang gigil siya ano?



"You gigiled my balls," Sabat ni Seungkwan.



Pumasok na sila sa loob at gaya araw-araw, madami na namang tao. Sobrang wild ng mga tao dito sa loob. Agad na humanap ng pwesto ang tatlo at ang nahanap lang nilang table na pwede ay doon sa pinakagilid.



Pumwesto ang tatlong bading doon at nakiramdam na muna sila. Inilibot ni Seokmin ang mga mata niya, "Kwan, nakatingin sayo 'yung lalaking 'yon oh." Sabi ni Seokmin at pasimpleng itinuro 'yung lalaki.



Umirap si Seungkwan. "Lapad noo. Ayoko."



"Ang gwapo kaya," Laban ni Seokmin, "Infairness, gwapo rin 'yung kasama niya." Malanding sambit ni Seokmin at nagpacute doon sa lalaki. Napansin siya noong lalaki kaya dahandahan itong lumapit sakaniya.



"Hey," Nakangiting bati noong lalaki, "I'm Jisoo."



Tumayo si Seokmin at inayos ang damit niya, "I-I'm Seokmin." Pakilala rin niya. Sinenyasan niya si Seungkwan at Soonyoung na lumayo muna kasi may plano siyang landiin ang lalaki at mukhang nagets naman siya noong dalawa kaya agad silang tumayo.



"Kwan," Tawag ni Soonyoung. "Doon lang ako ha," Paalam ni Soonyoung atsaka itinuro 'yung upuan sa sulok. Tumango lang si Seungkwan at tinapik ang braso ni Soonyoung bago lumakad palayo, naghahanap ng gwapo.



Umupo si Soonyoung doon sa sulok at inilabas ang phone niya. Ifoflood niya nalang muna ng texts si Jihoon habang tulog pa ito. Isa narin 'yon sa mga nakasanayan niyang gawin.



Bigla nalang may lalaking umupo sa upuan na nasa harapan ni Soonyoung. Napatingin sakaniya si Soonyoung. "Hi, magisa ka lang?" Tanong ng lalaki.



Umiling si Soonyoung, "Hindi. Kasama ko mga kaibigan ko." Sagot ni Soonyoung atsaka ngumiti ng maliit.



Tumango tango ang lalaki atsaka siya nginitian at inilahad ang kamay kay Soonyoung, "Jeon Wonwoo,"



✧ ✧ ✧

innocent jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon