021.

2.4K 108 123
                                    

Ngayon, nagkakape si Soonyoung habang nakatingin sa madilim na kalangitan na puno ng mga kumikinang na bituin. Napabuntong hininga siya, nakatingin parin sa kawalan. Kanina niya pa kasi napagiisip-isip 'yung sinabi sakaniya ni Minghao kanikanila lang.


Inilapag niya ang tasa sa lamesa sa tabihan niya bago suklayin ang buhok niya gamit ang kaliwa niyang kamay. Sumasakit na ang ulo niya. Pakiramdam niya kahit anong oras pwede itong sumabog.


Alam niya sa sarili niyang mahal niya si Jihoon, kung tutuusin nga mas mahal pa niya ito kaisa sa sarili niya. Ginawa niyang mundo si Jihoon at hindi niya kayang mawala ito sakaniya. Ikakamatay niya kapag nangyari 'yun.


Wala sa sariling kinuha niya ang nakasabit niyang coat at lumabas ng bahay. 11 PM na ngayon at dadayo na naman siya kila Jihoon. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya pero may parte sakaniyang nagsasabi na puntahan mo siya, soonyoung, puntahan mo siya.


Nakasuot rin siya ng isang puting mask at itim na saklob. Nagmadali siyang bumaba para hindi siya maabutan ni Minghao. Bago pa man siya umalis ay tinakluban niya na muna ng makeup ang mga hickeys na nasa katawan niya. Nang binuksan niya ang pintuan palabas, sumalubong sakaniya ang boyfriend ni Minghao, si Junhui.


Hindi siya kilala ni Junhui at walang plano makipagkilala sakaniya si Junhui. Pareho lang sakaniya. Wala silang interes kilalanin ang isa't isa. Para kasing may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.


Siguro dahil kay Minghao.


Naiinis si Soonyoung sa katotohanang minsan rin niyang minahal si Minghao. Naiinis siya sa katotohanang napabayaan niya lang ito. At mas lalo siyang naiinis sa katotohanang napangunahan sila ng libog sa isa't isa.


"Nasaan si Myungho?" Tanong sakaniya ni Junhui.


Nagkibitbalikat si Soonyoung bago ituro ang loob ng bahay kasabay ng paglalakad niya paalis. Ni minsan hindi niya pinarinig rito ang boses niya kasi alam niyang may koneksyon itong si Junhui sa kaniyang jowa ngayon na si Jihoon.





"Magtetwelve na, Soonyoung. Anong trip mo't pumunta ka dito ng ganitong oras?" Inaantok na tanong ni Jihoon kay Soonyoung.


Ngumuso si Soonyoung, "Ayaw mo ba?"


"Hindi naman sa ayaw pero putangina magmamadaling araw na't inaantok na 'ko." Sagot ni Jihoon bago siya batukan ng mahina.


Tinawanan lang siya ni Soonyoung, "Bumisita lang ako. Ewan ko ba hehe gusto kita makita e."


Kahit papano naman ay napangiti si Jihoon sa sinabi ng kaniyang kasintahan. "Aalis ka rin?" Tanong ni Jihoon.


"Oo. Ginulo lang kita." Sagot ni Soonyoung.


"Tarantado ka talaga. Umuwi ka na nga! Bukas ka nalang pumunta dito!" Pagtataboy sakaniya ni Jihoon. Hindi niya intensyon ipagtabuyan si Soonyoung pero sobra lang talaga siyang inaantok.


"Sige, love. Hehe. Bukas nalang ha~" Paglalambing ni Soonyoung bago halikan sa labi si Jihoon.


Hindi alam ni Jihoon na 'yung labing nakalapat sa labi niya ngayon ay minsan ring lumapat sa labi ng iba. At ang mas masakit doon, sa labi ng kaibigan niya pa.


"Alis na ako! Bye, Ji. Mahal na mahal kita." Sabi ni Soonyoung bago siya yakapin nito ng pagkahigpithigpit na para bang may ibig sabihin. "Hindi ko kayang mawala ka sakin, Jihoon." Sambit ni Soonyoung, nakayakap parin sa nakababata.


Medyo ninerbyos si Jihoon sa sinabi ni Soonyoung pero iniling nalang niya iyon, "Hindi ako mawawala sa'yo, Soonyoung."


"Pangako?"


"Pangako."


At sa mga sandaling iyon, kinutuban na si Jihoon na may hindi magandang mangyayari.


✧ ✧ ✧

mga pren, paexplain nga
kung bakit ang pogi q.

innocent jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon