018.

2.9K 109 176
                                    

7:30 na nung umuwi si Soonyoung sa bahay na pinaghahatian nila ng nakababata. Nakitulog muna siya kila Chan kasi ayaw niya talaga umuwi noong gabing 'yon dahil sa nangyari. Nalulungkot siya para kay Jihoon. Nalulungkot, nasasaktan. Paano kapag nalaman ni Jihoon ang katarantaduhang 'to? Syempre makikipaghiwalay siya kay Soonyoung. At ayon ang pinakaayaw na mangyari ni Soonyoung sa buong buhay niya. Mahal niya si Jihoon. Mahal na mahal. At ayaw niyang makitang masasaktan ito.



Pumasok siya sa loob ng bahay, wala ng pakialam kung makita siya ng kasama niya sa bahay na nakasapatos. Umupo siya sa sofa at nagpakawala ng isang buntong hininga bago tanggalin ang sapatos niya't ilagay sa kahon. Ang tahimik ng bahay. Sabagay wala na namang bago, lagi namang tahimik dito sa bahay na 'to.



Kinilabutan si Soonyoung noong may marinig siyang kaluskos mula sa kusina. Napakamot batok siya bago dahandahang pumunta rito at naabutan niya ang nakababata na umiiyak sa kusina.



"Hoy, anong kaartehan 'yan?" Tanong ni Soonyoung.



Biglang napatunghay ang nakababata at agad na tumakbo papunta sakaniya para bigyan siya ng isang mahigpit na yakap at doon umiyak sa dibdib niya. Tila ba parang natunaw ang yelo sa puso ni Soonyoung nang makita niyang umiiyak ang nakababata.



"S-Soonyoung! Akala k-ko kung napano ka n-na... b-bakit hindi ka manlang nagsabi na h-hindi ka uuwi?! Nagalala a-ako!" Sigaw ng nakababata habang humihikbi at nauutal.



Walang nagawa si Soonyoung kundi ang yakapin pabalik ang nakababata. Wala naman sigurong mali kapag yumakap... diba? isip niya.



Nagtagal sila sa ganoong posisyon. Nakayakap ang nakababata sa bewang niya at nakayakap naman siya sa leeg ng nakababata habang pinapatahan ito.



"S-Soonyoung,"



"Hm?" Tanong ni Soonyoung, hinahagod parin ang likod ng nakababata.



"Wag mo 'kong iiwan." Sabi ng nakababata at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap niya sa bewang ni Soonyoung. "Pasensiya na kung ang kulit kulit ko. Pasensiya na sa pangungulit ko sayong tirahin mo ako. Pasensiya na kung nabaliw ako sayo at sa katawan mo. Pasensiya na kung gusto ko kayong sirain ni Jihoon k-kasi gusto ko tayo nalang. Ang selfish ko para sabihin 'yon pero gusto ko sakin ka lang." Mahabang sabi ng nakababata.



Nakatitig lang si Soonyoung sa mga mata niyang may mga luha pa. Sa titig na 'yon ay nakaakit ang nakababata kaya hinawakan niya ang batok ni Soonyoung at ipinagdikit ang labi nilang dalawa. Alam na niyang itutulak siya palayo ni Soonyoung kaya hindi niya idiniin masyado ang labi niya sa labi ng nakatatanda pero laking gulat niya noong limang segundo na ang nakakalipas at hindi parin tinatanggal ni Soonyoung ang labi niya sa pagkakahalik.



Lumipat ang halik ng nakababata sa leeg ni Soonyoung, hinahanap ang sensitibong parte nito dahil gusto niyang marinig ang ungol ni Soonyoung. At hindi rin nagtagal nahanap narin niya.



"A-Ah Minghao"



✧ ✧ ✧

innocent jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon