CHAPTER 27: Obsessed

Beginne am Anfang
                                    



"Molley, Molley, Molley, let's start the game." Sabi niya at kinaladkad ako.


"Frio anong binabalak mo?!"



"Siyempre alam mo na, yung ginagawa ng mag syota kapag mahal nila ang isa't isa." Sabi niya at patuloy parin akong kinakaladkad.


"Frio nasasaktan nako! Pakawalan moko!" Sigaw ko at kinagat ang kamay niya.


"Ouch!"


Nagkaroon ako ng tiyansang sipain siya kaya naman nakatakas ako pero masyado siyang mabilis at nahuli ulit niya ko, naramdaman ko nalang na dumapo ang kamao niya sa tiyan ko dahilan ng panghihina ko.



"Tsk. Masyado makulit! Kung hindi ka madala sa magandang pakiusap, pasensya na Baby Molley pero kaylangan kong gawin to." Sabi niya at inalay ako sa balikat niya na parang sako.


Masyado nakong nanghihina, naramdaman ko ang pag bagsak ko sa malambot na higaan, nakita kong nagsisimula ng maghubad si Frio ng suot niyang grey na polo. Hindi ko maimagine na sa ganitong pamamaraan malalaspag ang fresh petchay ko.


Hindi ko na siya muling tiningnan, tuloy pa rin siyang naghuhubad hanggang sa mahubad na niya ang pantalon niya, naka boxer nalang siya ng sumampa siya sa kama, pilit niya kong hinahalikan pababa sa leeg ko pero wala akong magawa kundi umiyak dahil hawak niya ang dalawang kamay ko, pilit kong nilalayo ang mukha ko sa kanya at tinutulak siya pero masyado siyang malakas. Hindi ko na mapigilang humagulgol ng dumapo ang kabila niyang kamay sa dibdib ko.


Nasa ganoong sitwasyon kami ng makarinig kami ng kalabog ng nasirang pinto, hindi ko man lang matapunan ng tingin ang taong nagtangkang pumasok, feeling ko nababoy nako, nakatingin lang ako sa kawalan at hindi man lang pinapansin ang taong pilit na ginagantihan ng suntok si Frio. Naging blangko ang pandinig ko, ang paningin ko, masyado akong natakot sa ginawa sa akin ni Frio.


Naramdaman kong may yumakap sa akin pero hindi ko yon pinansin hanggang sa mrinig ko ang pamilyar na boses na gusto kong marinig.


"Ligtas kana Molley, hindi na ulit kita hahayaang masaktan."



JACE

Kanina pako paikot ikot sa kwarto ko, kung dadalawin ko si Molley ng ganitong oras paniguradong hindi na malalaman ni Sam dahil tulog na si kuya, oo tama kayo ng nababasa, Si Kuya Josh ang nagbibigay ng source kay Sam kaya niya nalalaman ang bawat galaw ko.




Kaagad akong nagsuot ng itim na jacket at nagsumbrero, napagdesisyunan kong huwag gamitin ang sasakyan ko dahil malalaman ni kuyang umalis talaga ako, nag taxi nalang ako papunta sa hospital na sinabi sa akin ni Priyanna.





Nang makarating kami sa sinabing hospital ay nagbayad nako kay Manong Driver, pababa na sana ako ng makitang kinakaladkad ni Jace si Molley para isakay, nag igting ang panga ko, paniguradong may pinaplanong kademonyohan to.





"Manong dadagdagan ko ang bayad, sundan mo yang sasakyan na yan." Turo ko sa sasakyan ni Frio.





Tumango naman ang driver.





Patuloy lang naming sinusundan ang sasakyan ng bigla itong huminto, kitang kita ko sa dalawang mata ko ang pagdapo ng palad ni Frio sa mala anghel na mukha ni Molley. Demonyo talaga yong hayop na yan! Hinding hindi ko papalampasin ang ginawa niya!





Desidido na sana akong bumaba ng bigla ulit umandar ang kotse, sumunod naman agad ang taxi na sinasakyan ko, kanina pako di mapakali dito dahil kating kati nako na suntukin ang pagmumukha ng gunggong na yon.





Nakita kong huminto sila sa 5 star hotel, naghintay ako ng ilang segundo bago bumaba, sinundan ko sila Frio. Sumakay sila sa elevator, samantala ako ay nag hagdan lamang. Binilisan ko ang pagtakbo sa hagdan hanggang sa maabutan ko ang bulto ni Frio na papasok sa isang kwarto habang buhat si Molley.





Hindi muna ako agad pumasok at pilit kong sinisira ang doorknob pero hindi gumana, ng marinig kong humagulgol na si Molley ay di ko na napagilan ang sarili ko hanggang sa sinipa ko na ang pinto.





Bakas sa mukha ni Frio ang pagkagulat ng makita ako, susugod na sana siya sa akin pero naunahan ko siya, mabilis na dumapo sa kanya ang kamao ko.





"Hayop ka! Isa kang walang kwentang nilalang eto ang bagay sayo!" sabi ko at muling sinuntok si Frio.




"Pinakisamahan ka ni Molley ng maganda pero anong ginawa mo gago ka talaga!" Sabi ko at sunod sunod sinuntok ang mukha niya.




Nakangisi siyang hinarap ako.




"Akin lang si Molley." Maiksi niyang tugon dahilan kung bakit nasuntok ko ulit siya.





Nang masigurado kong napuruhan na siya ay nilapitan ko si Molley at niyakap, nakatulala lang siya at halatang nagkaroon ng trauma sa nangyari.





"Ligtas kana Molley, hindi na ulit kita hahayaang masaktan." sabi ko dahilan kung bakit mas lalo siyang humagulgol.


HAVING A DEAL WITH MR. MANIAC (COMPLETED✔) #Wattys2018Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt