DEATH 1

24.6K 644 109
                                    

DEATH 1: Lollipop

"Isa, dalawa."

Bumaba ang tingin niya sa mga paa na sunod-sunod ang hakbang sa maruming kalsada. Kapansin-pansin pa ang mga sintas na lumalaylay sa sahig at paminsan-minsa'y naaapakan ng puting sapatos na suot niya. Kaya't ang dulong bahagi ng sintas na ito ay nabahiran ng kulay itim na marka ng ilalim ng sapatos niya.

Nang dahil dito ay tumigil siya sa paglalakad saka ay nagpakawala ng hangin bago tuluyang iluhod ang isang paa sa sahig. Marahas nitong hinablot ang sintas na naapakan saka ay itinali ang magkabilang pares. Hindi pa maipinta ang mukha nito na animo'y inis na inis nang dahil lamang sa sintas.

Tumayo siya at itinuloy ang paglalakad sa kalagitnaan ng makipot na eskinita. Tamang-tama lamang ang mga ilaw sa poste na nagsisilbing liwanag sa madilim na kalsada kahit pa ang ibang ilaw sa poste na naruruon ay pundido at pumipitik-pitik na.

"Tatlo, apat," muli nitong pagbibilang habang diretso lamang ang tingin sa kalsada kahit pa ang mga mata ng mga taong nakasasalubong niya ay tanging nasa kaniya lamang.

Matiim ang mga titig ng mga taong ito at hindi matigil ang mga bibig sa pagbubulungan lalo na ang grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman sa harapan ng isang maliit na tindahan.

"Nariyan na ang mangkukulam. Hindi ba tayo magtatago?"

"Huwag kayong matakot. Hindi niya tayo kaya."

"Baka patayin niya tayo mga pre!"

"Baka siya pa ang patayin ko!"

Saka sabay-sabay na naghagikhikan. Balewala lang sa kaniya ang mga naririnig nang isa sa kanila ay agad namang sumipol.

*witwiw*

Dagli siyang napatigil sa paglalakad at para bang nagpantig ang tainga nito sa ingay na nilikha ng isa sa kanila. Napansin niya sa gilid ng mata ang balak na paglapit ng isang lalaki habang tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Iniyuko niya ang ulo at tiningnan ang istilo ng pananamit mula dibdib hanggang sa sapatos nito. Wasto naman ang suot niyang pantalon at simpleng puti na t-shirt. Required bang bastusin ang lahat ng babaeng makasasalubong ng mga manyakis na tulad nila?

Nilingon niya ang grupo ng mga kalalakihan na ito at agad na nagsitayo nang dumapo ang mata ni Death sa kanila. Walang mahihinuhang emosyon sa mga mata niya kaso ay para kang nais patayin ng mga mata niyang kulay abo. Kahit pa ang tindera sa tindahan ay agad na isinara ang harapan sabay nag-krus. Bakas ang panginginig nito sa takot.

Tumayo ang isa sa kanila saka ay nilapitan si Death. "Hi ganda," mungkahi nito saka ay iwinasiwas ang mga daliri. Hindi na wasto ang tayo nito. Mukhang lasing na ang lalaki dahil sa mamula-mula nitong mukha at mamikit-mikit na mata.

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Death saka ay itinago sa likuran ng kaliwang tainga ang buhok na nililipad ng hangin. Humaplos pa ang mga kuko at daliri nito sa leeg hanggang sa tuluyang ibagsak ang kamay. Kaso ang mga mata nito'y lubhang mabangis na kahit sinong lalaki ay magagawang maakit.

Humakbang si Death papalapit sa lalaking ito na para bang napadpad sa ibang mundo nang matigilan at mapatulala. Ni ang kumurap ay hindi niya magawa at nakatitig lamang siya sa babae.

Hinawakan niya ito sa balikat saka ay hinaplos ang mukha nito paibaba sa kaniyang dibdib saka ay muling gumuhit ang ngisi. Inilapit niya ang bibig sa tainga ng lalaking ito saka ay bumulong.

"Death is my name, honey," mungkahi niya saka ay tumalikod at tuluyang nilisan ang mga ito nang may malawak na ngising naka-ukit sa labi.

Nilapitan naman ng mga kalalakihan ang kanilang kaibigan na tulala pa rin at kahit ugain sa balikat ay hindi magawang makapagsalita. Para bang nawala ito sa wisyo at ang tingin ay nasa kawalan.

DEATH Is My NameWhere stories live. Discover now