Inilista ko ang pangalan ko sa Large Ensamble, Small Ensamble, Trio female, at... Duet Mix. Ahihihi! I'm sure nilista din ni Carlito ang pangalan niya sa Duet Mix. As always.
Nang sumapit na ang uwian nagunahan kami ni Sheri at Daniel makalabas ng campus. Nauna si Daniel, shempre, lalake e. Matatae na ata kaming tatlo sa kakatawa dito sa tapat ng waiting shed. Naka-akbay si Daniel sa akin at ako naman ay naka-akbay kay Sheri. Tawa lang kami nang tawa sa hindi malamang dahilan. Bigla kong naalala na hindi namin kasama si Carlito. Napatigil ako sa pagtawa, napatigil naman din silang dalawa sa pagtawa at napatungun sa akin.
"Oh? Anong problema mo?" tanong ni Sheri.
"Si Carlito? Iniwan natin si Carlito. Mga baliw!" Ginulo ko ang buhok ni Sheri at kinurot ko naman sa braso si Daniel. Napatawa na naman ulit kaming tatlo.
"Ay, oo nga ano?" napagtanto din ni Daniel at napaawang lang si Sheri at walang imik.
"Balikan natin?" bigkang lumapad ang ngiti ko.
"Wag na, hindi naman yun namamansin." sabat ni Daniel dahilan para makunot ang noo ko.
"Ano ka ba, namamansin yun. Sadyang cold lang talaga ang aura niya." pagpapaliwanag ko. Hinawakan naman ni Sheri ang braso ko.
"Hay nako, Karen. Diba nga umuwi na siya kanina? Nagpaalam pa nga sayo yun." nakunot ang noo ko at biglang naalala na nagpaalam pala sa akin si Carlito kanina. Hayst, tumatanda na talaga ako hahaha.
Flashback:
Panay titig ko sa likod ni Carlito habang nagliligpit siya ng gamit niya para umuwi. May peklat pala si Carlito sa likod ng leeg niya? Ang hot niya talaga.
Biglang binulungan ako ni Daniel sa likuran ko.
"Ate, may chicharon pa ako dito." napalingon ako kay Daniel.
"Pahingi naman o." nagpout ako para maawa siya sa akin. Kinurot niya ang ilong ko dahilan para mapapulupot ako sa sakit ng ilong ko.
"Aray!" utas ko
"Hahaha, ang cute mo ate, mukha kang aso." pamuri ba yun? O pangiinsulto? Neh, cute naman ang aso e.
"Arf! Arf! Pahingi naman ng chicharon master." patuloy parin ako sa pag-pout.
"Karen, una na ako." Napalingon ako kay Carlito. Uuwi na siya? Hindi na siay sasabay sa akin?
"Sabay na tayo, Carli--" hindi ko natapos ang sasabihin ko kase biglang hinarang ni Daniel ang Chicharon sa mukha ko at pina-amoy amoy ito sa akin. Dahilan para madistract ako.
"Danieeeel!" sigaw ko sabay takbo dahil itibakbo niya rin yung chicharon.
End of flashback:
"Ayy! Oo nga palaaa! Nakalimutan ko. Ikaw kase, Daniel!" napakamot nalang ako sa ulo ko at sinapak ang ulo ni Daniel. Di kalaunan ay sinundo na si Daniel at Sheri ng kanikanilang mga driver nila. Iba talaga kapag mayaman.
Heto na naman ako, naghihintay ng masasakyang jeep pauwi. Di man lang ako pinasakay ng dalawang yun sa mga kotse nila. Hindi man lang nag-offer na iuwi ako sa bahay namin. Ang sasama talaga, kabigan ko ba talaga sila? Tss.
Di kalaunan ay may nasakyan na akong jeep at nakauwi na din ako sa bahay ng ligtas. As usual, ako palagi ang nauunang makarating sa bahay. Tinurn-on ko ang switch ng ilaw at binuksan na din ang TV para umingay naman ang bahay.
Sigurado akong nasa practice pa si kuya for Basketball. Si Mama naman, sigurado akong nasa work pa yun. Si Papa? Hindi ko kilala, hahaha.
Nakauwi na kaya si Carlito? Sumilip ako mula sa bintana ng sala namin. Katapat lang namin ang bahay nila Carlito at isang kalsada lang ang naglalayo sa aming bahay kaya kitang kita ko mula dito ang buong structure ng bahay nila. Bukas naman ang ilaw ng bahay nila pati na din ang bintana ng kwarto ni Carlito.
YOU ARE READING
A Message From A Poser
Humor"I've made a promise with a poser who claimed to be my secret admirer."
CHAPTER 5: I Need You
Start from the beginning
