Friday ngayon at lahat ay busy sa pagsign-up para sa darating na school fiestival convention. Hulyo pa naman ngayon pero ramdam na ramdam na ang paghahanda para sa darating na competisyon-- ay este, convention. Ang School Fiestival Convention ay ginaganap taon taon sa buwan ng Oktubre at layunin nitong ipaglapit ang mga estudyante galing sa iba't ibang klase ng paaralan. Pero para sa aming mga estudyante ay para itong isang competisyon sa pagitan ng mga eskwelahan.
Music, Theatre, Arts, at Sports. Kailangan mong pumili ng isang club sa apat na kategoryang iyan. Pumili ka kung saan sa tingin mo ay may kaya kang gawin.
Music. Ito ay nakatuon sa mga instrumentong kaya mong patugtugin. Pero mas sikat sa club na ito ang mga paggamit ng sarili mong boses as your own instrument o tinatawag nating pagkanta. Kung may talento ka sa pag-awit at pagtugtog ng mga instrumento gaya ng gitara, violin, harp, flute, drum, etc.. ay pwedeng pwede ka dito.
Theatre. Ito ay ang tinatawag nating pagtatanghal sa entablado. Kung makapal ang mukha mo at marunong kang umarte ay pwedeng pwede kang sumali sa club na ito. Pero ang napansin ko lang sa club na ito ay mas kinukuha nila yung mga estudyanteng may itsura o sabihin nalang nating gwapo at magaganda.
Arts. Mas madalas dito ang mga estudyanteng mahiyain at wala nang ibang club na masalihan. Ito ang club kung saan magdo-drawing ka lang o magpipinta at pagkatapos ng obra maestra mo ay ipapaskil ang iyong gawa sa labas ng gymnasium.
Sports. Shempre, more on physical activities to. Basketball, volleyball, tennis, badminton, ping pong, running, high jump, hurdles, relay at iba't ibang sports ay pwede mong salihan as long as kabilang ka sa club na ito.
"Karen, anong club ka ba nag sign up?" tanong ni Sheri sa akin. Hinarap ko siya at binigyan ng 'ano-sa-tingin-mo-look'.
"Ah, oo nga pala. Loyal ka sa music." inirapan niya na lang ako at inintriga pa ang ibang mga kaklase namin kung anong club sila sumali. Halata namang hindi pa siya nakakapag sign up kung anong club siya sasali. Palibhasa magaling lang siya sa mga quiz bee, tsk tsk.
Ibinaling ko naman ang tingin ko sa boyfriend kong si Carlito na nakaupo sa harapan ko lang. Tinapik ko siya at alam kong nadisturbo ko siya sa kanyang pagbabasa. Hinarap niya ako at binigyan ako ng 'ano-ba-look'.
"Babe, anong club ka ba sumali?" bigla naman niya akong tinalikuran at bumalik sa pagbabasa niya. Tinapik ko lang siya ng tinapik sa likod hanggang sa humarap na ulit siya sa akin pero ngayon ay blanko ang expression sa mukha niya.
"Babe, anong club ka--" uulitin ko pa sana yung tanong ko sa kanya kanina pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang libro na kanina pa niya binabasa.
"Hindi. mo. ako. boyfriend." sabi niya habang iniisa isa ang mga words para mas maintindihan ko. Hindi naman ako bobo ano! Alam ko kaya at nagbibiro lang naman ako. Inalis ko ang pagkakatakip ng libro niya sa bibig ko.
"Alam ko, hehe." inirapan niya lang ako at nagbasa ukit ng libro. Teka, hindi pa niya sinasagot yung tanong ko ah!
"Babe-- este, carlito." lumingon siya sa pagkakataon na ito at binigyan ako ng 'ano-na-naman-look'. Napahinga nalang ako ng malalim.
"Anong club ka ba sumali?" binigyan lang niya ako ng 'ano-sa-tingin-mo-look' na ginawa ko kanina kay Sheri dahilan para matawa ako. Yiee, ginagaya ako ni Carlito. Improvement na ba yun?
"Music club?" tama! Music talaga ang mga sinasalihan niyang club since elementary days namin. Siya din ang dahilan kung bakit na discover ko ang talent ko sa pagkanta. Last year nga e siya ang pambato ng batch namin sa isang singing competition.
"Sports club." ahh, sports club. Maganda naman doon kaso hindi ko na siya makakasama kung ganun. Hayst, mamimiss kita-- teka?
"ANO!?" napasigaw ako sa gulat dahil sa sports club siya nag sign-up. Bakit sa sports club? Bakit dun pa! Marami pa naman siyang admirer doon sa sports club na iyon! Argh!
YOU ARE READING
A Message From A Poser
Humor"I've made a promise with a poser who claimed to be my secret admirer."
