Kinabukasan...
Late na late na kaming dalawa ni Kuya Pat for school at nandito kami ngayon sa tinatawag naming mga estudyante na discipline office o mas kilala sa tawag na "Death Room". Dito pinaparusahan ang mga late comers. Nakalinya kaming lahat sa isang line at nakaharap kaming lahat sa pisara kung saan naroroon si Sir Arman, ang head ng discipline office.
Nakatayo kami na parang mga sundalo at ni isa ay walang gumagalaw sa amin. Tanging pagkurap lamang ng mata ang aming magawa.
Naglakad si Sir Arman sa harapan namin habang nakalagay ang isang kamay sa likod niya at ang isang kamay naman ay may hawak na ruler. Nang maka-abot siya sa kinatatayuan ko ay bigla siyang tumigil.
"One of the boys." sambit ni Sir Arman sabay smirk na nakakainis. Kumurap lang ako at napansin kong tumutulo ang pawis ko sa may tenga banda dahil sa namalayan kong ako lang pala ang nag-iisang baabe dito at dahil bigla kong naalala na nakalimutan ko palang dalhin ang I.D. ko.
"At walang I.D. huh." napailing iling si Sir Arman sabay lakad papunta sa katabi kong si Kuya Pat.
"Nasan ang I.D. mo?" tanong niya kay Kuya Pat sa mahinang boses pero mukhang isang bangga mo na lang ay puputok na din ito. Nako, wag niyang sabihin naiwan niya din ang I.D. niya?
"Sir, nasa bahay po." sagot ni Kuya Pat dahilan para mapahinga ng malalim si Sir Arman at pinipilit na pakalmahin ang sarili niya.
Naglakad na naman siya sa katabi ni Kuya Pat at sinamaan ng tingin ang lalake. Mukhang wala ding dalang I.D. dahil kitang kita sa mukha ni Sir ang pagpipigil ng galit. Ilang sandali pa ay may dumating na bagong late comer sa pintuan at yun ay si Daniel. Napatingin kaming lahat sa kanya dahil mukhang walang bakas ng kaba sa mukha niya. Baliw ba tong lalakeng 'to?
Naka-smile lang siya at kinamayan pa si Sir Arman sabay sali sa linya ng mga late. Mukhang may I.D. naman siya at sadyang late lang talaga siyang dumating kaya pinalampas nalang iyon ni Sir. Tss.
"EDI SANA YUNG BAHAY NIYO NALANG YUNG PINAG-ARAL NIYO!" bigla kaming nagulat sa paghampas ni Sir Arman sa table niya nang napakalakas. Galit na galit na siya ngayon at mukhang sasabog na ang ulo dahil sa mga kagagawan namin.
"Sir, malaki po ang bahay namin. Hindi po kasya dito sa school." nakataas ang kanang kamay ni Daniel habang sumasagot kay Sir. Napahalakhak kaming lahat sa sinabi ni Daniel dahilan para lumaki naman ang mata ni sir at dali daling lumapit sa kanya.
"PILOSOPO!" sabay hampas nung ruler sa ulo ni Daniel. Napa-kamot nalang ng ulo si Daniel dahil medyo masakit ang pagkahampas ng ruler.
Matapos ang ilang pagpapangaral sa aming lahat ay pinaupo kami ni Sir Arman sa sahig at pinagsulat ng "I promise not to do it again" sa limang yellow pad, BACK TO BACK!
"Kamustang pagsusulat mo jan?" tanong ni Daniel sa akin nang may ngiti dahilan para mas lalo akong mainis. Paano niya nagagawang ngumiti sa kabila ng paghihirap namin T^T Ang hirap kayang magsulat sa limang yellow paper back to back, nakakapagod!
"K." sagot ko sa kanya dahilan para mapa-pout siya. Ew.
"L." sagot niya.
"M." sabi ko
"N"
"O"
"P"
"Q"
"R"
"S"
"T, U, V, W--- teka! Nagsusulat ako dito, ano ba!" hindi ko alam pero napatawa nalang ako sa mga pinag-gagagawa namin.
BINABASA MO ANG
A Message From A Poser
Humor"I've made a promise with a poser who claimed to be my secret admirer."
