Nandito ako ngayon sa Music club room na nag eensayo kasama ang aking mga kasamahan, kasali na dun si Carlito, ahihi. 3 months to go nalang at magsisimula na ang Student's Convention. Kinakabahan ako pero at the same time, excited na din. Shempre, may makikilala na naman akong bagong mga kaibigan. Selfie dito, selfie doon.
Uso din doon sa Student's Convention ang mag pa sign ng mga booklets. Lahat ng mga estudyante, kahit hindi magkapareho ng paaralang pinapasukan, as long as kasali sa Student's Convention ay binibigyan ng booklets. Ang booklets ay isang maliit na libro na gagamitin para isulat ang pangalan nung mga bago mong mga naging kaibigan.
"Students, listen." ani ma'am Charon sabay pukpok ng table niya. Napalingon nan kaming lahat sa kanya.
"May 3 months pa tayo para mag-ensayo at medyo may mataas taas pa tayong panahon." nakinig lang kami kay ma'am habang nagsasalita siya.
"Sa nakikita niyo naman, mas madami ang mga baguhan ngayon at mas dumami tayo kumpara last year. Which is good." napasangayon naman kaming lahat at binati ang mga taga Grade 7 na sumali ng Music Club. Mas madami ang grade 7 ngayong year na ito, at mukhang may mga talento talagang mga tinataglay ang mga eto.
"May mga larangan ng sasalihan dito sa Music Club. Large ensable, Small ensamble, Quartet female/male/mix, Trio female/male/mix, Duet female and male, solo female, and solo male." ani ma'am Charon. Nakatuon lang sa kanya ang atensyon naming lahat.
Large Ensamble. Composed ito ng lahat ng members ng Music club or much called as choir. It means kakanta kaming lahat ng iisa ang tono. Ay, hindi iisa ang tono. May Soprano, second soprano, alto, bass, tenor, at melody.
Small Ensable. Ito ay may 15 na members only. Hindi pwedeng sumobra, hindi pwedeng kumulang. Pareho lang naman to sa large ensamble, kaso mas kumonti at mas maayos.
Quartet Female. Ito ay naglalaman ng apat na babae lamang.
Quartet Male. Ito ay naglalaman ng apat na lalake lamang.
Quartet Mix. Ito ay naglalaman ng dalawang babae at dalawang lalake. Kaya nga mix diba?
Trio Female. Ito ay naglalaman ng tatlong babae.
Trio Male. Naglalaman ng tatlong lalake.
Trio Mix. Naglalaman ng tatlong tao. Depende kung dalawang babae at isang lalake o di kaya, dalawang lalake at isang babae. As long as tatlo lang ang laman nito.
Duet Female. Dalawang babae lamang ito. Duet nga e.
Duet Male. Dalawang lalakeng nag duduet. Hehe.
Duet Mix. Duet ng isang babae at isang lalake. Last year si Carlito at Kira ang kasali dito at first placer silang dalawa. Mas maganda sana yun kung kaming dalawa, tss.
Solo Female. Last year, ito ang sinalihan ko. And third placer lamang ako. It's sad, pero mas na encourage ako na galingan pa at sasali uli ako ngayon sa solo.
Solo Male. Isang lalake lamang ito. Solo nga e.
"Please enlist your names sa mga corresponding fields na sasalihan ninyo and then comes the auditions bukas." inilahad ni ma'am charon ang isang long bond paper na may 13 slots.
KAMU SEDANG MEMBACA
A Message From A Poser
Humor"I've made a promise with a poser who claimed to be my secret admirer."
