Lumapit si Matt sa kanila at nakipag-shake hands siya sa kanila. Natawa na lang ako dahil medyo weird ang pakiramdam nang tinawag niya ang mommy kong "ma'am" at ang daddy kong "sir." Siguro nga iyon na ang paraan niya ng paggalang sa mga magulang ko.


"Naku, iho. Call me tita Remy. Masyado kang magalang. Nahihiya na tuloy kami. Haha."


"Oo nga naman. Just call me Tito Hubert. Sandali. I have a feeling na nakita na kita dati. Iho, have we met before?"


"Naku, hindi pa po yata."


"Diba ikaw 'yung boyfriend ni Raina na ipinakilala rin niya sa amin last month? Huwag mong sabihing..."


"Ay, hindi po. Hindi po ako 'yun. Si Aidan po 'yun, kakambal ko po."


"Ang natatandaan ko kasi, noong ipinakilala ni Raina sa amin 'yung boyfriend niya, Matthew din ang sinabi niyang pangalan."


Oo nga pala. Hindi pa alam ni ate ang tungkol sa pagpapanggap nila Matthew at Aidan. Hindi pa niya alam na si Aidan ang kasama niya kaya naman Matthew ang sinabi niyang pangalan ni Aidan noong dinala rin niya siya dito at ipinakilala ng pormal sa mga magulang namin. Bukod sa amin nila Matt at Aidan, sila Vogurt at Yogurt pa lang ang nakakaalam ng tungkol dito. Noong nalaman nga nila ito, gulat na gulat din sila at hindi makapaniwala. Paano ngayon namin lulusutan ito? Napansin kong medyo pinagpapawisan na si Matt kaya naman ako na ang gumawa ng paraan.


"Dad, baka naman... mali 'yung naaalala niyo? Nandoon din ako noong ipinakilala ni ate sa atin 'yung boyfriend niya, remember? Sabi niya, Aidan ang pangalan ng boyfriend niya at may kakambal si Aidan na Matthew ang pangalan."


"Nalito lang siguro kami ng mommy mo. Sorry. Ang hirap naman nito. Magkakambal na nga kayo ng ate mo, magkakambal pa rin ang nagustuhan niyo. Haha! Tara na nga, naka-prepare na daw 'yung lunch natin."


Pumunta na kaming lahat sa dining area. Kahit aapat lang kami (dahil wala si ate ngayon), napakarami pa ring mga pagkaing nakahanda. Ang iba, niluto pa ni mommy. Gusto daw kasi niyang makita ang reaksyon ni Matt pag natikman niya ang luto niya. Iniabot ni mommy kay Matt ang isang ulam na niluto niya. Nang sinubo ni Matt ang pagkaing nasa kutsara niya, napatingin naman ako kay mommy. Aba, nakangiti pa siya habang nakatingin kay Matt. Inaabangan niya siguro kung anong magiging reaksyon niya.


"Tita, guess lang po. Kayo pong nagluto nito 'no?"


"Oo, tama ka diyan. So, what do you think?"


"Sobrang sarap po."


"Naku ha. Baka naman binobola mo lang ako. Pero sa bagay, sa reaksyon mo pa lang kanina, convinced na ako. Haha."


Habang kumakain, nagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin at tinanong din nila si Matt ng mga bagay na tungkol sa kanya. Kasama na doon ang business, sports, family, at pati ang educational background nila. Pagkatapos naman naming kumain, nawala na rin lahat ng kaba ni Matt dahil hinayaan na nila kaming makapagsarili. Iniwan ko sandali sa living room si Matt para kunin ang laptop ko. Gusto ko rin kasing tignan kung lumabas na ang grades namin. Pagbalik ko naman, binuksan ko kaagad ang official website ng university.

University of Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon