Chapter 6

10.7K 211 1
                                    

Naalimpungatan sya nang meron syang narinig na boses na parang may kausap. She noticed na nasa silid na nya siya.

She slowly recalled what happened before everything went pitch black. She recalled PROBLEM… isang napakalaking problema na ang puno’t dulo ay ang maling akala ng Mrs. Decerna na iyon na may relasyon sila ni Dylan and worse! Na meron na silang anak! 

But she won’t let them ruin her just like that. They cannot force her sa kung anumang kagustohan nila. 

Those rich, insane and insensitive people will see her real color. Kung hindi sya nakalaban kanina yun ay dahil nabigla lang sya at napahiya anterior to that. But now she’s back on her good shape and she will definitely fight for her dignity na tinapak-tapakan ng Mrs. Decerna na iyon! Eh nagpalaki sya ng anak na manyak ah!

Pinalaki ka namang malambot pa sa bulak dahil andali mong bumigay kaya ka napahiya!

That was one time! And she will make sure that it won’t happen again. Mabilis syang tumayo because she knew that she was hearing Dylan’s voice sa baba. Gabi na nga at nalaman nyang alas otso na…inabutan nya ito sa sofa na may kausap sa telepono. At tyempo naman na natapos na ang pakikipag-usap nito nang mapansin sya nitong bumaba sa hagdanan.

And before she was able to utter a word ay nagsalita ito nang akala nito ay hinahanap nya si Zoey.

“Zoey’s not here…” 

“Ano?!” napahinto sya sa pagbaba. 

“Dinala sya ni Mommy…I tried to stop her but she wouldn’t listen. I think she was just overwhelmed at the thought na may apo na nga sya.” lumapit ito sa kanya. “Please forgive my Mom. I will settle this fast, so don’t worry.” sabi nito.

“Ganun naman pala eh! So wala na akong problema ngayon.” she squeezed a smile on her lips at pinagpatuloy ang pagbaba.

“What do you mean?” lumapit ito sa kanya.

“Zoey is not here anymore, ibig sabihin ay inaalagaan na sya ng Mommy mo at hindi ko na kailangan pang i-baby sit pa sya.” paliwanag nya. “Which means, both of us can go back to our own SEPARATE lives now.”

Dylan looked at her; he was attempting to read her through her eyes. She looked away and tried to compose herself because she thought she saw sadness in those dark eyes, which is totally unlikely… 

“Is that what you really want Ziggy?” tanong nito.

Ito ba talaga ang gusto ko? 

Alam nya sa sarili nya na kailangan nyang gawin ito because she will be putting herself in a great risk. She doesn’t want to gamble with her emotions because she knew she was starting to feel something unlikeable. At magiging malaya na ulit sya kaya dapat lang ito. 

“You can leave now Dylan…” she said.

When Dylan turned around, for a moment ay gusto nyang sipain ito dahil ang bilis nitong mag about-face! Akala nya pa naman na may sasabihin ito because he looked like he was close to saying something. But he left without any parting word for her.

What do you expect Zig? 

Nothing!

0-0

What’s this?” naiiritang tanong nya kay Vic habang binabasa ang progress report na hinanda nito para sa Developers division ng Decerna Builders. 

“My report,” sabi nito habang humihigop ng kape na ipinahanda nito sa kanyang sekretarya.

Sinalubong ni Vic ang kanyang naiinis nang tingin dito.

Baby & Love? (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon