Chapter 3

11.4K 250 4
                                    

Kararating ko lang po, matutulog na nga sana ako eh.” sabi nya sa ina na kausap sa telepono.

“O sige, magpahinga ka na anak. Pasensya ka na ha kung hindi muna makakaluwas ang mama para bisitahin ka dyan. Alam mo naman na weekends lang talaga hindi busy ang mama diba?” sabi nito. Nangako kasi itong pupunta dito sa bahay ng kanyang Ninang ngayong araw. 

“Okay lang yun ma, ako rin naman diba? Hindi nakauwi nung isang linggo…I completely understand po, hin-,”

Malalakas na katok sa kanyang pinto ang nagpahinto sa kanyang pagsasalita. 

“Bakit anak?” pansin ng kanyang ina.

“May kumakatok lang po kasi, pero yun na nga po ma. Hin-,”

Ayon na naman ang sobrang lalakas na mga katok na gusto na yatang wasakin ang pinto. 

Sino naman tong istorbong to! Ke aga-aga napaka walang modo kung makakatok. Hindi man lang inisip na baka natutulog pa ang tao!

“Baka importante yan anak. Mag-usap nalang tayo sa susunod, tatawag ulit ako sayo.” at nagpaalam na sila sa isa’t-isa.

Matapos ibaba ang telepono ay mabibigat ang mga hakbang na lumapit sya sa pinto at binuksan iyon. 

Isasara nalang sana ulit nya ang pinto dahil sa nakitang engkanto na nakatayo doon nang pigilan ni Dylan ang pagsara ng pinto. 

“Hey wait!” sabi nito.

“What is it this time ha? Troublemaker?” pinameywangan pa nya ito.

“Troublemaker? Look who’s talking!” natatawang sabi nito.

“Ahhh…I am and I’m saying you are the troublemaker, you started it all. Kaya please lang, from now on I am just going to pretend that you and your huge being does not exist.” at isasara sana nyang muli ang pinto nang tumakbo palabas si Chinnie at nakipaglaro kay Blue. “Chinnie!” tawag nya.

“Tingnan mo nga sila oh, they like each other very much,” sabi nito while giving her a friendly smile. “I think it’s not too late for us to be like them too. I think you are a good person with a benevolent heart.” 

“What do you want Dylan?” she couldn’t believe him being here in front of her and giving her a puppyish attitude if it isn’t the end of the world…oh God forbid that one.

“Oh! I like the way you say my name, it’s so sexy…say it again.” anito. 

“Manyak!” she said.

Naaaliw na tumawa ito, “That’s not my name...come on say Dylan again…” pangungulit nito.

“Weirdo!” anya tapos ay nakarinig ng uha ng isang baby. Napalingon-lingon sya dahil parang ang lapit-lapit lang ng tunog niyon. “Where’s that coming from?” sunod-sunod na kasi ang palahaw ng baby. 

She then noticed that Dylan’s one hand is behind him. Sumilip sya sa likod nito and saw a basket with a new born baby inside it. 

Napasinghap siya at tiningnan ang mukha ng kaharap nya na napakamot sa batok nito.

“Why-Bakit-Ano’ng…” hindi nya malaman kung ano ang unang sasabihin at itatanong sa dami ng katanungang nabuo sa kanyang isipan.

“Alright, I need your help.” inilagay nito ang basket sa kanyang harapan. “I badly need your help on this one Ziggy.”

Namilog ang kanyang mga mata, “Anak mo?!” gulat na gulat na tanong nya. “Bagong panganak palang yan ah! Bakit inilagay mo sa basket?”

Mas lalo yatang ikinagulat ni Dylan ang kanyang tanong. “Hindi ah! Some heartless human being just left this thing on my doorsteps.”

Baby & Love? (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon