Chapter 1

27.1K 378 9
                                    

"What the F!! Are you making fun of me? Tell me where you're from you little lame-brained cretin and I will go just right where you are and make you regret you were even born in the same galaxy as me. What a useless line this is! Making people pay and just tell them to wait for action right after your report? What is this shit huh? This is bull you know that! This is really really bull, youre a sucker! You all suck!..." Nanggagalaiting sigaw ng lalaking kanyang kausap sa kabilang linya. Kahit na nga naaaliw sya sa mga callers na may British accent, this one made a history with her.

Inilayo ni Ziggy ang headset sandali sa kanyang tenga dahil pakiramdam nya ay sasabog na ang kanyang eardrums. She is very feisty and very tactful herself kaya mahirap para sa kanya na sipilin ang sarili para hindi sagutin din ng pabalang ang mga walang modo nyang mga callers.

"I'm sorry sir, but it is an SOP for our company to track down-"

"Shut up you bunghole! Im not going to let you get away with this one. I am going to sue you, loser! I am going to sue you and your dummy company, you understand that?! Huh? You got that?!" He continued hollering like a mad dog.

Pinaypay nya ang kanang kamay sa kanyang mukha para kahit na papano ay makakuha ng hangin mula doon at madagdagan ang tila ba nauubos nang hangin sa kanyang kinaroroonan sa tindi ng kanyang pagpipigil sa sarili kahit pa naka turbo ang aircon nila.

Na para bang nasa harapan lang nya ang kausap ay ngumiti siya at humugot ng napakalalim na hininga.

"Alright sir, thank you for calling Global Solutions hope we have had served your concern. And we'll be very much glad to assist you again should you need our services once more. Have a good day and may god bless you" At nanginginig ang mga kalamnan na pinindot nya ng mabilis ang log-out button.

And because she didnt really mean those parting words ay medyo pumiyok pa siya sa kalagitnaan ng pagsasabi ng mga salitang yun.

Minsan nga ay gusto na nyang magsisi at nag call center agent pa sya, biruin mo naman kasi ang masigawan at mamura na hindi pa nagagawa ng kahit na sino sa buhay nya ay naranasan nya dito. Graveyard shift pa sya lagi kaya wala na syang social life dahil alas singko ng umaga na sya kung umuwi na para nang lantang gulay at tulog agad ang hanap nya. Sinasabi ng iba nyang mga kasama na mas nauna sa kanya ay sanayan lang yan, but her body clock would never get used to it kahit na halos isang taon na sya sa routine na ito.

Kundi lang talaga mas malaki ang kita sa trabaho nya ay matagal na syang nag resign.

Sinasabi man ng ilan na dapat ay iwan na nya ang kanyang trabaho at mag concentrate nalang sa pagpractice ng kanyang natapos na kurso ay hindi naman nya magawa dahil sa maliit lang ang suweldo doon at hindi sasapat na pambayad sa mga utang nila na mula pa nung nag-aaral sya, at sa pang-araw araw na pangangailangan pati na sa kanyang dalawang nakababatang kapatid na nasa elementary at highschool na.

She is a registered nurse, and her ultimate goal was to be able to work abroad. Buti sana kung madali lang mag abroad, kaso ay kailangan din ng pera para dun. Kailangan din ng atleast two-year hospital experience pero ang nakakasama ng loob ay sa dami nilang nursing graduates na nag-aagawan sa puwesto sa hospital ay madami ang hindi na natatanggap and she was one of those unlucky people. Yung iba nga ay nagvovolunteer nalang para lang magka-experience, one thing she can't afford dahil makokompromiso naman ang pangangailangan nila.

Her family is not that fortunate, meron lamang silang maliit na palaisdaan at gulayan sa Laguna that is just enough para panustos sa pag-aaral at pagkain nila.

Nursing is quite an expensive course, kaya nagkanda utang-utang parin sila para lang maka gradwar sya. Na nasasayang lang dahil hindi din naman nya napa-praktis.

Baby & Love? (COMPLETE)Where stories live. Discover now