"Napaka-cute kaya ni Marcus!!" Sabi ng girl naka ponytail ng sunflower.

"OMG!! Lalo na si Drey! Super Gwapo!!"

"No! No! No!" awat naman ng isa. "Napaka-hot kaya ni Jethroy!"

They are talking about that T3 again. Muntanga amp. Aakyat na sana kami sa hagdan pero nagulat ako ng sumigaw in-chorus yung tatlong early birds.

"Hayst! Masanay ka na bes. Ganyan talaga sila", sambit ni Lauren saka ngumisi ng bahagya sabay iling. "They are crazy about the T3."

"OMG!! Yung T3 nandiyan na!!!! Kyaaaaaahhhh!!"

Oh? The devils are here? Mga fan girls nga naman oo.

Kitang kita sa glass doors ang pagdating ng tatlong kotse sa labas. At dahil mukhang pang-mayaman lahat ay hindi na ako nagtataka na pag-aari ng T3 yan. Binuksan naman nila ang kanilang mga pinto at nakita ko ang pagbaba nila mula roon sa kotse nila.

Napatingin tuloy ako sa paligid. Makulimlim. Nagbibigay senyales na ang panahon na may di gagawing maganda ang mga tukmol na 'to.

"Oh my ghad! Why so gwapo! I should be the one na kailangan unang makita nila. Syempre gusto kong salubungin nila yung day sa school with this face! Look!" sabi nung isa sa mga early birds sabay hawak sa mukha nito. Mabilis niyang hinawi ang mga estudyante para makarating sa unahan "Hep! Paraan..."

"Hoy! Hoy! Hoy! Syempre hindi lang ikaw ang maganda! Ako rin kaya noh! In fact, mas maganda ko sayo!" pagtatray nung isa tapos hinawi rin yung mga estudyante at pumwesto sa tabi nung kasama niya.

"Ansabe mo?? Don't you dare talk to me like that! You're such--" Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil nagsisigawan na ang mga estudyante.

Nakita ko kung paano nag-entrance yung T3. Gwapo silang lahat pero I don't care about the looks, I just care about the attitude. 

Nakapalibot sa kanila yung mga estudyante habang kami naman ni Lauren ay nasa hagdan.

"Ayan na naman sila sa pambubully nila" narinig kong sambit ni Lauren pero tiningnan ko lang ang T3 na nakahinto sa may gitna.

Nakita ko ang babaeng nasa gitna na nag-aabot ng sulat. Mukhang love letter ata. Nakita kong inabot niya iyon sa lalaking parang tumatayong leader ng T3. Gwapo pero mukhang demonyo. Hindi na ko nagulat ng basahin niya ito ng malakas sa harap ng maraming tao.

"Dear Jethroy.." sambit ng lalaki.

Mukhang sa tono pa lang ng pananalita, alam kong wala 'tong gagawing tama.

"Alam kong mahirap mag-confess sa isang katulad mo. Sikat kang tao, simple lang ako. Alam kong imposible pero kahit papa'no, maglalakas loob pa rin ako. I just want you to know na crush na kita simula pa nung grade 2 tayo..." tumigil na naman siya at nakita ko ang pagkapahiya naman ng babae.

Personal letter para sa kanya yun. Ba't niya nagawang basahin sa harap ng maraming tao? Ganito ba talaga ang trato niya sa mga taong hindi niya gusto?

"Grade 2? Fuck! Seryoso?", natatawang sambit ni Lauren.

"Gaga ka Lauren, manahimik ka."

"Ikaw lang naman ang knight and shining armor ko. Sa pagkahumaling ko sa'yo hindi ko tuloy maiwasang pagpantasyahan ka sa isip ko. Pasensya na ah, ganon na ata talaga ako kabaliw pagdating sa'yo. Yung tayong dalawa sa isang bahay, masayang bumubuo ng pamilya."

Ano raw? Medyo pangit nga sa pandinig ko ang mga salita na 'yon pero it should still be kept confidential.  Nakita ko kung paano nanlaki yung mata niya. Mukhang anytime ay mangangain na siya ng tao. 

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now