Prolouge

5 1 0
                                    


"Napakaganda"

Ang nasabi ng isang binata habang nakatingin sa mga taong nagsusukat sa isang maliit na bundok malapit sa dagat.

"Ah! Aray! Bakit ba tol?" Ang nasabi nya matapos syang batukan ng isang dalaga.

"Ano 'bang pinag sasasabi mo dyan?! Eh, wala pa nga 'yan kahit na isang maliit na bato eh, nagagandahan ka na?! Eh ano pa kaya 'tong masasabi mo sa 'kin?" Ang sinabi ng dalaga habang nakaturo sa mukha

"A-Anong masasabi?"

"Haaays! Ang slow mo rin tol eh! Syempre ibig sabihin ko, maganda ako ano ba?!"

Ang sinabi ng dalaga sa mismong mukha ng binata, napatitig ang binata sa mukha ng dalaga at agad din itong umiwas.

"Oh! Tingnan mo nga? Namumula ka tol? Naga-gandahan ka sa 'kin no? Aminin mo na! Maghihiwalay na rin naman tayo eh!"

Nanatiling tahimik ang lalaking nag iwas ng tingin

"Bilis sabihin mo na tol!
Ano? Ano? Ano? Tingnan mo ko."

Ang sinasabi ng dalaga habang nagpapacute sa binata.

"Hindi ka maganda.."

Mahina niyang sabi.

"Grabe ka talaga sa 'kin tol! Hindi na tayo bati! Huhuhuh!"
Pagkukunwari ng dalagang umiiyak ngunit hindi ito pinansin ng binata at sa halip ay tumitig pa rin sa mga taong nag susukat sa maliit na bundok.

"Balang araw.."

Tiningnan ng dalaga ang binata ng magsalita ito.

"Kapag natapos na ang Light house na 'yan... Masisilayan ko ng buong puso ang pinaka unang beses na paiilawan ang Lighthouse."

"Kasama ang babaeng mamahalin ko ng buo kong puso, ang babaeng gusto kong palaging masaya,
ang babaeng... gusto kong makasama habang buhay..."

Mahabang sinabi ng binata habang tinitingnan ang lumulubog na araw.

"Hahahah Para kang korning bading-- Ah Aray! Bakit ka ba nambabatok d'yan?!"

The Promise (The Promise Of A Beau)Where stories live. Discover now