CHAPTER 4: Not A FCKBY

Start from the beginning
                                        

"X, Y, Z! Now I know my ABC's next time won't you sing with me." kanta niya with matching beat na pang lupang hinirang. Ulul.

"Ba't parang wala ka atang problema ngayon? Natapos mo na ba ang limang paper?" tanong ko sa kanya pero hindi naman siya nakinig at panay parin ang beat niya kahit na wala na namang kumakanta.

"Yup." napanganga ako sa sinabi niya at tinignan dali dali ang paper na hawak niya. E hindi ko naman 'to mabasa basa at sa tingin ko ay walang makakabasa neto. Sinamaan ko siya ng tingin sabay hampas ng papel sa mukha niya.

"Aray naman, para san yun!" reklamo niya sabay himas ng kanyang mukha.

"Mukhang nadaanan ng bagyo! Ampanget!" tinutukoy ko yung sulat kamay niya.

"Makahusga ka naman. Atleast natapos ko, e ikaw? Halos maiwan na tayo ng lahat, hindi ka pa parin tapos sa unang papel. Tss." pagsesermon niya sa akin. Napatingin naman ako sa paligid ko at napansin ko na kami nalang pala talaga ang naiwan dito. Teka, iniwan na ako ni kuya! Eish.

Binilisan ko ang pagsulat ko hanggang sa maubos ko na ang limang papel, back to back. Yun nga lang, nangangawit na ang kamay ko dahil sa kakasulat. Nang matapos ako ay sinamahan na ako ni Daniel na ilagay ang papel namin sa table ni Sir Arman na kanikanina lang umalis.

Kasama ko ngayon si Daniel patungong classroom, tutal magkaklase naman din kami. Nakita kong wala na masyadong estudyante sa labas dahil nagsisimula na ang mga klase, tsk. Si kuya kase talagang may kasalanan neto, pano ba naman, kalalakeng tao e ang tagal tagal maligo! Daig pa ang isang dalaga sa tagal niya. E tong si Daniel, bakit kaya to late?

"Psst, ba't ka late?" tanong ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin.

"I-I'm a new student, remember? Hindi pa ako sanay sa pag-gising ng maaga." sabi niya sabay tingin uli sa hallway na nilalakaran namin ngayon.

"Duh, so ang school pa ang kailangang mag-adjust?" irap ko sa kanya at napatingin nalang din sa nilalakaran namin.

"Nope. It's just that I have my reasons." seryoso niyang sabi pero napailing na lamang ako. Whateveeer.

"Reasons. Reasons. Reasons." nang maka rating na kami sa tapat ng pintuan ng classroom namin ay naging center of attraction na naman kaming dalawa.

"Too early for lunch, miss Biore and mister Alviola." natawa naman ang mga kaklase namin sa sinabi ni ma'am. Napakamot nalang ako ng ulo samantalang si Daniel naman ay chill chill lang. Tss, whatever.

Padabog akong umupo sa upuan ko at ilang minuto ding nakinig nalang sa pagtuturo ni ma'am tungkol sa blood types, blood clot, blood churva chuhu eklabu, my gaad. ANG BORING. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa itaas ng pisara. 50 seconds para mag-ring na ang bell.

"49.." pagbibilang ko para sa lunch break.

"48.." napatingin ako kay Sheri na ngayon ay nagbibilang na din pala. Mukhang hindi lang pala ako ang nabiboringan kay ma'am.

"47.." sabay naming bilang ni Sheri. Halos pabulong lang iyon at tamang tama lang para magkarinigan kaming dalawa.

"46"
"45"
"44"
"43"
"42"
"41" pagbibilang namin ng sabay ni Sheri.

"40.." nagulat kaming dalawa ni Sheri nang sumali din sa pagbibilang si Carlito dahilan para mapangiti ako. Mukhang hindi lang pala kami ni Sheri ang naboboringan hahahaah.

"39"
"38"
"37"

Nagpatuloy kaming tatlo sa pagbibilang hanggang sa di tumagal sumabay na din ang ibang mga kaklase namin.

"10!"

"9!"

"8!"

Sigaw naming lahat magkakaklase nang sabay. Nagtaka naman si ma'am kung bakit kaming LAHAT ay nagbibilang.

A Message From A PoserWhere stories live. Discover now