18. The First One Who Broke The Code

Start from the beginning
                                    

Hindi siya nakasagot.

"Kapag dumating na sa puntong mahal mo na ako, baka magdalawang isip pa ako. Pero mukhang klaro naman sa 'yo at sa akin kung anong meron tayong dalawa ngayon," dugtong ko saka ko tinapik 'yong kama.

"Dito lang tayo magaling, Rai."

Hindi sa akin umimik si Rai. Sa halip, ang ginawa niya ay nagwalk out. Huminga ako ng malalim at humiga sa kama. Wala akong makausap tungkol sa bagay na 'to. Hindi ko naman puwedeng kausapin sina Ginger at Ura ngayon at naiipit ako sa sitwasyon na 'to. Puwedeng madamay sila dito gulong 'to. At 'yon ang dapat kong pigilan. Ang madamay ang mga kaibigan ko.

Iisa lang naman ang may taong may alam ng sikreto ko.

Si Trojan.

***

Nasa bakuran ako habang hinihintay ang pagdating ni Trojan. Iniisip ko pa rin kung ano ang gagawin ko. Ipit ako sa gulo pati ngayon itong problema kay Rai dumagdag pa. Parang kanina lang okay pa kaming dalawa. Sa kama lang talaga kami nagkakasundo ng asong 'yon. Pagdating sa ganitong usapan, lagi na lang nauuwi sa ganito. Away. Away. Away. Hindi ko maintindihan ang side niya at hindi niya rin ako maintindihan.

Iisa lang naman ang gusto kong malaman. Hanggang saan ba kami dadalhin nitong mayroon kaming dalawa?

"Himala at tinawagan mo ako."

Napa-iling na lang ako. "For old time's sake, get a beer. Kailangan ko ng kausap."

Bumalik si Trojan dala-dala ang apat ng bote ng beer. Binuksan niya ang isa at ibinigay sa akin.

"LQ ba?" tanong niya. "Sa lahat ng paagsasabihan mo ng problema sa love life mo, ako pa talaga na alam mong patay na patay din sa 'yo. Nangto-torture ka ba, Maru?" tanong niya.

Umirap ako sa kaniya. "Nagdra-drama ka pa. Sa 'yo rin naman ako ikakasal."

"Hmm... Malay ko ba kung itakas ka ng bampira mo."

Huminga ako ng malalim at uminom. "Kahit itakas ako ni Rai, sa tingin mo ba basta-basta na lang ako papakawalan ng mga magulang ko?" Umiling ako. "Hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin. Pero base sa ugali ng parents ko natitiyak akong walang makakaalis ng buhay dito."

"Iyan ba problema mo?" tanong niya.

"Bukod sa love life ko, mayroon pa." Uminom ako ulit.

"Liverton is a family of witches. Galing ako sa hospital kanina. Kasama ko si Rai. Pinapalibutan 'yong buong building ng mga incubi. Ito lang ang sinabi sa akin ng syota kong bampira. Those incubi wants something. At hawak 'yon ng mga Liverton."

Natahimik si Trojan. "Hmm, madaming alam ang bampira mo."

"What do they want?"

"It's a cursed object... Or should I say rather than an object, it's more like a weapon," sagot sa akin ni Trojan.

"Cursed weapon?" tanong ko.

"There are many cursed objects scattered in different parts of the world, Maru. 'Yong iba ay hindi pa nahahanap, may ibang nasa kamay ng masasamang tao, at may ibang nasa kamay ng mga taong pumoprotekta dito upang hindi mapunta sa maling kamay," paliwanag sa akin ni Trojan.

"What can those cursed weapons do?"

"Cursed objects are dangerous and powerful, Maru. Iba't ibang bagay rin ang kayang gawin nito sa tao. Kaya kailangan matiyak namin na hindi ito mapupunta sa maling kamay."

Natahimik ako. Iisa lang ang pumapasok sa isip ko. Ano ba 'tong napasok ko at ng pamilya ko?

"Ano 'tong cursed weapon na hawak ng Liverton?"

Strings and Chains (The Frey, #1)Where stories live. Discover now