Chapter 2

1 0 0
                                    

Nakagising ako dahil sa liwanag ng araw mula sa aking bintana.Wala ko pala naisara kagabi ang aking kurtina sa pagod at antok narin siguro.

Paglabas ko sa aking kwarto ay dumiretso ako sa kusina.Mukhang tulog pa ang dalawang kambal.Kaya ako muna ang magluluto para sa aming Umagahan.

Hotdog,egg at fried rice lang ang aking niluto.Since kami lang naman tatlo.Ang kaso nga lang,napakatakaw kumain ng dalawang kambal.Bahala na nga kasya na siguro eto saamin.

Tamang tama pagkahain ko ng umagahan sa lamesa ay nagising na rin ang kambal.

"Goodmorning" Masayang bati ni Darcy habang umiinat pa ng kanyang mga kamay.

"Morning,Anong ulam?"Walang ganang bungad ni Darius.Antok pa talaga siya ha?

Pumunta naman sila agad sa hapagkainan.

" Hmmmm....Kaya pala may naamoy akong masarap na pagkain eto pala yun."Komento ni Darcy.

Kung hindi pala nila naamoy ang niluto ko hindi pa sila babangon.Tss...Kung hindi ko lang
Sila mga kaibigan itatakwil ko talaga sila.

Nagdasal muna kami bago kumain.Pasasalamat sa Diyos para sa aming pagkain.

"Anji,anong plano mo ngayong araw?" Tanong ni darcy habang kumakain.

"Pupunta ako sa library sa may Makati.May babasahin akong libro.Preparation na rin para sa pasukan."

"Kailangan mo pa ba yun?Eh ang talino mo na kaya"

"Malamang.Learn new things nga diba?kayo?Anong plano niyo ngayon?" Pabalik kong tanong habang sinusubo ang fried rice sa aking bibig.

"Pupunta lang ako sa Mall malapit dito.May kailangan kasi akong bibilhin.Ikaw kuya Darius?"

Tinignan naman kami ni darius at uminom ng tubig

"Tambay sa bahay-I mean,Tambay sa Unit"

"Sigurado ka Darius?Sa pagkakakilala namin sayo Ikaw yung taong hindi kontento sa isang lugar.Tapos ngayon sasabihin mong tambay ka lang?Niloloko mo ba kami?" Ngising tanong ko habang Nakataas ang isa kong kilay.

Tumawa naman siya ng peke or more like sarcastic

"Ha-ha-ha...Kilala ko ba kayo?Parang sinabi niyo pa na palasibat ako ha"

"Kuya Darius wag ka na magtampo.Alam mo naman na truth hurts.Atleast,sinabi namin ang totoo."Ang sabi ni Darcy at nagwink sa kanyang kapatid.Sira talaga ang babaeng to.

Binatukan naman siya ng kanyang kuya.

"Aray ko!"Sigaw ni Darcy kahit hindi naman masakit ang pagbatok ng kuya niya.

" Truth hurts pala ha"Kikilitiin na sana ni Darius si Darcy pero agad naman siyang umiwas.

"Anji oh!Si Darius." pagsusumbong ni Darcy saakin.

Tumawa nalang ako sakanila.

"Maliligo na ako.Kayo na ang magligpit nito."Sabi ko sabay tayo.
Aangal pa sana sila pero nakapasok na ako sa aking kwarto para kunin ang mga damit ko.

*************************

Mabuti nalang madali lang ako Pumick up ng instructions kaya alam ko na agad kung paano pumunta sa library sa Makati.

I just really like books.Feel ko Napupunta ako sa ibang dimension.A place where only my imagination is my limit.

Pagkarating ko sa library ay manghang mangha ako dahil sadyang napakalaki nito kumpara sa library sa aming skwelahan.

Haven.That's the word I want to express.

Pagpasok ko palang sa library ay maaamoy ko na ang amoy ng lumang libro.I don't know why I really like the smell of old books.Para saakin ang bango bango nila.It's very addicted. Weird right?

Pagtingin ko sa librarian table ay nakita ko ang isang young,weird looking and she's wearing an eyeglasses.Sa totoo lang hindi ko iniexpect na isang dalaga pala ang librarian dito.

Akala ko an old,intimadating and serious lady ang maging librarian just like the past librarians I met.

"Goodmorning.Ummm...Were is the book of literature located?"I ask.

She just give me a smile and point at the very corner of the library.

" Right there miss."She said and smile.For a librarian she is very lively.

I just nod and smile.
The corner of the library is not really dark compare to the other library.Mukhang inalagaan talaga ang library at ang mga ilaw rin dito ay hindi patay sindi.

Ngayon kailangan ko ng hanapin ang librong Aenid.I'am dying to read that book.Hanap,hanap,hanap....

Ayun!Nakita ko na.Pagkakuha ko ng libro ay tamang tamang may kumuha rin ng libro na kalinya ng librong Hinahanap ko kaya sa hindi inaasahang pangyayari nagkatagpo ang aming mga mata.Cliché right?

Kung ilalarawan ang kanyang itsura meron siyang mapuputing mga balat,kissable lips,Mapang akit ng mga kulay na itim na mata,matangos na ilong,maangas na aura,kasing itim ng gabi ang kanyang buhok at may biloy (dimple)sa kanyang mga pisngi kung kaya't mas lalong nagpakisig sakanyang Mukha.

Angelette,ano ba tong ginagawa mo?dapat ngayon ay umiiwas ka na ng tingin!at bakit pinupuri mo pa ang isang to!?Hindi dapat to.

Putcha!ngumiti siya!Tama na.Kailangan ko ng umalis dito.Kaagad naman akong tumakbo at pinabayaan na ang librong dapat kung babasahin.Kailangan ko ng umalis dito

Bakit ba ako tumatakbo?Kidnapper ba siya or rapist na dapat kung takbuhan?Ang mas malala bakit nanginginig ako?at ang puso ko bakit....ang bilis ng tibok?

Chocolate...kailangan ko ng chocolate.
Mabuti nalang may nakita akong chocolate shop kailangan ko lang kumalma.

"2 kitkat po pati 4 na goya" Ang sabi ko sa tindera.Pagkakuha ko tumambay muna ako sa may bench sa labas.

Ano ba tong nangyari saakin kanina?First time lang tong nangyari saakin.Nakakabobo naman to.

Pagkatapos kung kumain.Bigla namang kumalma ang aking pakiramdam.Kahit kailan gumagana talaga saakin ang chocolate kung gusto kung kumalma.That's why chocolate is my pain reliever.

Wala lang yun Anji.Nagulat ka lang.Kasi naman bigla bigla nalang siyang sumusulpot!Parang kabute.Tapos ngingiti pa siya.Close kami Close?Tss...Makabalik na nga mas lalo lang ako nairita sa lalaking yun.Para kasing kabute.

**************************
"Anong nangyari sayo?" Takang tanong ni Darius pagkauwi ko.

Inirapan ko lang siya at ibinagsak ang pintuan ng aking kwarto.

Ganito talaga ako kapag naiirita sa isang lalaki.Lahat ng lalaking nakikita ko tinatarayan ko.Damay damay ang lahat.Bahala na.Actually,wala namang mabigat na rason para kainisan ko siya.Pero....Inis na inis talaga ako sakanya!Period.




Loving FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon