Prologue

2 0 0
                                    

Ingay,Bangayan at sigawan nalang ang palaging naririnig namin ni ate sa tuwing sasapit ang gabi.

"John!Kailan ka ba titino!?Puro ka nalang pambabae.Asawa mo ako John!Hindi ko na masisikmura ang ginagawa mo saakin.Buntis ako John"

Rinig kong hagulgul ni mama sa sala.Kahit na nasa kwarto kami dalawa ni ate ay naririnig ko pa rin ang pagtatalo nila ni papa.

"Consuela,tigil tigilan mo nga ako sa mga kadramahan mo sa buhay!Akala mo ba mahal kita!?Hanggang ngayon umaasa ka parin na mamahalin kita?Wag kang tanga!I never like this arranged marriage from the first place"

Tama na...tama na...Paulit ulit nalang.Nakakasawa na.

Nagsimula nang tumulo ang aking luha.Luhang hindi matigil tigil.Nagulat nalang ako ng may kamay na tumakip sa dalawa kong taenga.

Pag-angat ko sa aking itaas ay nakita ko ang aking ate na ngayon ay ngumingiti....ng mapait.

Alam kong ang ngiting pinapakita niya saakin ay isang peke lamang.Ano nga ang tawag doon?Façade.

Mukhang gumana naman ang ginawa ni ate.At hindi ko na gaanong naririnig ang away nila mama.

Pero kahit ganoon hindi parin nakalagpas ang pag iyak ni ate.
Inalis ko ang kamay niya sa aking taenga at niyakap siya.

"Ate,tahan na..."

Dahil dito mas lalong humagulgol si ate Angel.Gusto kong umiyak pero kailangan ako ni ate.

Nang mahimasmasan na siya ay agad niya naman ako pinaharap at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Angelette.Makinig ka kay ate."

Tumango na lamang ako kahit na naguguluhan sa inaasal niya.

"Wala na tayong ama.Lumayas na siya.Simula ngayon,Wala ng John Will Concepcion sa ating buhay.Dahil iniwan niya na tayo"

Dahil dito nagsimulang tumulo ulit ang luha kong hindi maubos ubos.

*************************

Nandito ako ngayon sa sala.Gumagawa ng project namin para sa English.Habang si mama naman ay nagluluto ng hapunan.At si Castor naman ang younger brother ko ay nagdadrawing kasama ko.

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay biglang bumukas ang pintuan.At  iniluwa ang umiiyak na magandang babae habang papunta sa taas ng kwarto.

"Angel anak!Anong nangyari sayo?"

Pahabol na tanong ni mama at sinundan si ate Angel.

"Ate Anji bakit iyak ate Angel?"

Ang tanong ng aking 4 years old
Na kapatid.

"Huwag ka mag-aala Castor ngingiti rin si ate Angel mo"

Ngumiti nalang siya at pinagpatuloy ang pagdadrawing niya.

Pagbaba ni mama ay agad ko siyang tinanong kung anong nangyari

"Wala na ang ate mo at ang boyfriend niyang manloloko "

Alam ko nang mangyayari yan.Kaya pumunta agad ako sa kwarto ni ate at dinaluhan siya.

Why everyman who we loves always hurt us?

***************************
Papunta  kami ni mama kay tita Amorette.

Habang ang ate ko ay nagbabantay sa kapatid namin.

Pagbukas namin ng pintuan ng bahay ni tita Amorette ay laking gulat nalang namin ni mama na  ang bumungad saamin ay ang magulong sala ng bahay ni tita Amorette.

"Ate Consuela?ikaw na ba yan?"

Rinig kong tanong ni tita na halata na galing lang sa pagiyak.

Pagkakita namin sa kanya ay agad niya naman niyakap si mama at doon na humagulgol.

Nalaman kong niloko pala siya ng kanyang boyfriend at pinagpalit sa ibang babae.

Dahil sa mga bigong pag-ibig ng aming pamilya ay nagkaroon ako ng philophobia.Ang takot na umibig.A Fear falling inlove with someone because your scared of being hurt.

Kaya pinangako ko saaking sarili na. hinding-hindi ako iibig sa isang tao.

But promises are meant to be broken...





Loving FearWhere stories live. Discover now