31

328 13 0
                                    

Seunghee

2:35 pm na at paakyat ako kayna Hyunjin. Tinatamad pa kasi akong umuwi. Nagdala ako ng dalawang box ng pizza at isang bucket ng chicken. Sinunod ko lang naman yung sinabi ni Seungmin eh.

Nag dala din ako ng dog food para kay Kkami.

May nangyari kasi kayna Jeongin kaya umuwi na sya. Dumeretso na lang ako dito.

Nang nasa pinto na ako ng bahay ni Hyunjin. Nilapag ko muna yung mga binili ko at tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin. Maayos pa naman ang itsura ko. Kinuha ko ulit yung mga binili ko at nag doorbell.

Nagulat si Hyunjin ng makita nya ako.

"Surprise," sabi ko.

"Oh. Pasok ka," sabi nya at kinuha yung mga dala ko.

"Anong naisipan mo bakit ka pumunta dito? Di ka pa nagpaalam," tanong nya.

"Ayoko pang umuwi eh," sabi ko.

"Si Kkami?," tanong ko.

"Tulog sa kwarto ko," sabi nya.

"Yung pizza dyan para sayo pati yung chicken. May dogfood naman dyan para kay Kkami," sabi ko.

"Pinapataba mo ako ah," sabi nya.

"By the way salamat ah. Sana di ka na nag abala," sabi nya.

"Sus. Para na rin yang bayad sa binigay mong mars bars sakin," sabi ko.

"Oi puntahan ko lang si Kkami ah," sabi ko.

"Sige," sabi nya.

Binuksan ko yung pinto ng kwarto nya. Sinara ko naman yon pagkapasok ko.

Bigla namang lumapit si Kkami sakin at binuhat ko naman sya.

Ang linis ng kwarto nya infairnes.

Umupo ako sa may study table nya.

Waw ang imis ng gamit nya ah. Parang di nagaaral.

Binuksan ko yung notebook. Lol. Ang ganda ng sulat nya.

Napatingin naman ako sa isang papel na nahulog.

Pagkuha ko nakita ko yung picture ko.

Lol so totoo nga yung sinabi ni Seungmin?

Binuksan ko pa yung notebook. Nakakita pa ako ng doodle ng pangalan ko. Teka kinikilig ako.

"HOLY SH-,"  at nagbukas ang pin

Napatingin ako kay Hyunjin na dali daling kinuha yung hawak ko at sinara yung notebook.

"May nakita ka?," tanong nya.

"Malamang may mata ako," sabi ko at tumawa.

"Kkami tignan mo Daddy mo mukhang tanga," sabi ko at hinalikan si Kkami.

"Daddy dun tayo sa labas ayoko dito," sabi ko at kinuha ang kamay nya at lumabas.

Tangina Seunghee nung ginagawa mue?

Di pa rin sya nagsasalita. Binitawan ko na kamay nya.

"Para kang timang," sabi ko at nilapag si Kkami para pakainin si Kkami.

Pagkatapos kong pakainin si Kkami tahimik pa rin si Hyunjin.

"Para kang nakakita ng multo. Jusko HAHAHAHAHA," sabi ko.

"Di na nga kita aasarin. Ganon ka pala mangasar," sabi nya. Tumawa lang ako.

Nilabas nya yung isang box ng pizza at kumain kami.

"So nakita mo?," tanong nya.

"Ang alin?," pagmamaang maangan ko.

"You mean yung picture ko?," tanong ko.

"Hay salamat buti di mo nakita," bulong nya.

Lumapit ako sa kanya.

"Ano yung di ko nakita?" tanong ko.

"Wala yon! Kumain ka na lang," sabi nya at kumain na din.

Saranghae | h.hjWhere stories live. Discover now