25

334 11 0
                                    

Seunghee

"Aga mo ah," sabi ni Kuya Wonpil.

Nag iba yung itsura nya ng maghanda pa ako ng isang plato.

"Hoy. Wala si Seungmin ngayon kaya umawat ka," sabi ni Kuya.

"Alam ko," sabi ko. Bigla naman kaming nakarinig ng doorbell.

"Ikaw ah. Di mo naman sinabing pupunta si Felix dito," pangaasar ni Kuya.

"Kuya di si Felix yan," sabi ko at binuksan yung pinto.

"Good Morning," bati sakin ni Hyunjin.

"Good Morning halika pasok ka," sabi ko.

Pinaderetso ko naman sya sa kusina.

"Good morning po," sabi ni Hyunjin kay Kuya.

"Halika kumain ka," sabi ni Kuya at pinaupo si Hyunjin.

"Hehe salamat po," sabi ni Hyunjin.

Umupo na lang din ako para kumain.

"Kayo ah. Sabay kayong papasok ah," sabi ni Kuya.

"Kuya naman," pagaawat ko.

"Oo na titigil na ako," sabi ni Kuya.

"Kayo ni Seungmin parehas lumalablayp. Magkakambal nga kayo," sabi ni Kuya.

"Kuya diba may gig ka pa mamayang gabi? Matulog ka muna. May pasok ka mamayang 1 diba?," tanong ko.

"Oo na oo na. Matutulog na ako. Umayos kayong dalawa ah," sabi Kuya at pumasok sa kwarto nya.

"Pasensya na ah. Ganun talaga si Kuya," sabi ko.

"Ang cute nga eh. Ansaya kaya pag may ganun kang kapatid," sabi nya.

"Tss. Di naman masyado," sabi ko.

"Pero ang nakakatuwa lang. Inuuna nya kami ni Seungmin bago ang sarili nya. Kaya para sakin ang swerte ko bilang maging kapatid nila," sabi ko.

"Swerte din sila sayo. Di ko man alam kung saan banda pero alam kong swerte sila sayo," sabi nya at ngumiti.

Ang gwapo talaga nya. Lumalakas yung tibok ng puso ko. Waa wag nyong sabihing kinikilig ako?

Waaahh. Crush na ata kita. Sabi ko loyal ako kay Felix.

"Uy. Kumain ka na," sabi nya at tumawa.

Waaa nakakainis ka Hyunjin.

Saranghae | h.hjWhere stories live. Discover now