17

369 12 0
                                    

Seunghee

Kasulukuyan akong nag aayos ng gamit ngayon. Nag lilinis pa si Hyunjin kaya hayaan nyo sya.

"Seunghee!!,"

Boses pa lang kilala ko na.

"Jeongin!!," sigaw ko.

Dumiretso sya sa upuan ko.

"Oh bat ka pumunta dito?," tanong ko.

"Wala mangangamusta lang," sabi nya.

"Nasan si Hyung at Nikki?," tanong nya.

"Wala. Umalis silang dalawa," sabi ko.

"Ikaw ah," sabi nya.

"Napapadalas na ang pag sama nyo ni Hyunjin ah. Akala ko ba ayaw mo sa kanya," sabi nya.

"Narealize ko lang na mabait pala sya so friends na kami," sabi ko at sinuot ang bag ko.

"Seunghee tara na," sabi ni Hyunjin.

"Hala andaya naman. Ngayon na lang tayo nag kasama tas aalis nanaman kayo?," tanong ni Jeongin.

"Sorry maknae. Pahiram muna ako ng bestfriend mo. Hehehe," sabi ni Hyunjin.

"Sige sige. Ingat kayo," sabi ni Jeongin.

"Babawi ako sayo. Promise yan," sabi ko.

"Promise?," tanong nya.

"Promise," sabi ko.

"Sige. Babye! Ingat kayo," sabi nya.

"Babye din! Ingat ka," sabi ko. Nagwave lang naman si Hyunjin.

"Tara na?," tanong ni Hyunjin.

"Tara na," sabi ko. San kaya kami pupunta?

----

Sumakay kami sa motor. Di nanaman kami mahuhuli kasi 18 nanaman kami. May lisensya nanaman ata sya 😂

Nagulat ako ng lagyan ako ni Hyunjin ng helmet. Nag kabit din sya ng helmet at sumakay.

"Kumapit ka baka mahulog ka," sabi nya.

"Oo alam ko," sabi ko at kumapit sa damit nya.

Kinabahan ako ng bigla nyang kunin yung dalawang kamay ko at inilagay sa harap nya para yakapin ko sya.

"Kapag ganon ang hawak mo mahuhulog ka talaga dahil mabilis ako mag patakbo eh," sabi nya at nagmaneho.

Humigpit ang yakap ko sa kanya kasi mabilis talaga syang magpatakbo.

Pumikit na lang ako at nakiramdam kung san sya tumigil.

Ngayon tumigil na kami sa isang bahay. Tinulungan nya muna ako makababa at tinanggal nya ang helmet ko at inayos ang buhok ko.

Habang ginagawa nya yun. Narerealize ko na ang gwapo nya pala talaga.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganon?

Hinila nya na ako papasok sa loob. Bakit nya kaya ako dadalhin dito?

Saranghae | h.hjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon