CHAPTER 4: The Three Antagonists

114 13 1
                                    

 

  Author's Note: So I dedicate this chapter to Alex_Gail. Thank You ^_^

   Enjoy reading guyseu!

Chapter 4:

"Well, Well, Well. Look at this epal girl." Malditang sabi ni Sharlen. Ako pa talaga ang epal ah?

"True Sis. Ang sabihin mo, gusto niya lang magpasikat kay Troy. Ilusiyonada!" Ang sabi naman ni Shamara sabay tulak niya sa noo ko gamit ang hintuturo niyang daliri. Agad ko namang kinabig ang kamay niya. Aba! Talagang gusto nito ng away, ah?


Nagtitimpi lang ako. Sa labis na inis ay hindi ko mapigilang mapayukom ng kamao. Pasalamat tong mga to eh marunong akong magtimpi. Kung sakali? Wasak ang buhay ng mga to!
Huwag lang silang magkakamaling saktan ako at higit pa ang kayang kong gawin sa kanila.

"Correct kayo diyan, Sis." Pagsang-ayon naman ni Shamei kaya napangisi na lamang ako. Walang ibang masabi? Palibhasa, boba! Opss, sarreh..


Patuloy naman akong pinantaasan ng kilay nitong tatlong to at nanatali akong umakto na parang walang pake bagkus ay natatawa pa nga ako. Di ako mamamatay sa pantataray nila, okay?


"Aba, at bakit ka tumatawa ha? Nakakainsulto ka na ha!" Inis na bulalas ni Shamara at aktong susugurin niya na sana ako nang bigla siyang pigilan ni Sharlen.

Sige lang. Nag-eenjoy ako, ah..

"Huwag Sis. Ako na ang bahala dito." Ang sabi ni Sharlen at tsaka ngumisi sa akin.


Mukhang may pina-plano ata to, ah. Ngayon ay ni-ready ko ang katawan ko sa kung ano man ang pwedeng gawin ng babaitang ito.


Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang lumabas na yelo sa mga palad niya. The Ability of Ice. Ni-ready ko na rin ang ability ko ngunit hinihintay ko lang siya ang mauna at tsaka kukuha ako ng tsempo.



Nakangisi lang siya sa akin habang pinapasikat yung ability niya sa palad niya. Psh. Palibhasa hindi niya alam na hawak ko ang pinakadelikadong ability kaya ang lakas ng loob niya. Sa totoo lang, ayaw kong gumawa ng bagay na ikakasira ko kaya ako nagtitimpi sa mga to. Ayaw ko ring gamitin ang kapangyarihan ko para lang sa mga taong makitid ang utak at wala rin naman palang binatbat. Masasayang lang ang lakas ko. Hays

"You want some?? Eto!" Biglang pagkawala niya ng yelo papunta sa akin pero buti na lang ay naiwasan ko agad ito.

Talagang sinusubukan ako ng babaeng to ah!

"Oh, weak ka pala eh." Saka nagtawanan naman silang tatlo. Aba, talagang sinusubukan niyo ako, ah.

"Sino ang weak?" Nakangisi kong sabi habang unti-unting pinapalabas ang liwanag sa aking mga palad. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata nila na bakas ang pagkagulat.

"Th-The abilty of light." Nanginginig na sabi ni Sharlen na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita niya.


Tinignan ko lamang sila ng nakakainis na tingin, "Exactly. You want some??" Sarkastiko kong sabi.







"AAAAAAAAAHHHHHHHH!!"








Bigla naman silang tumakbo na parang mga dagang di alam ang lulusutan. Tsk, Tsk, Tsk. Sabi sa inyo, eh. Mga duwag din naman pala. Actually, tinakot ko lang sila. Hahaha..


Remember the Rule No. 1? Gamitin ang kapangyarihan sa tamang paraan. So bakit ko naman sasayangin ang kapangyarihan ko para lang sa mga walang kwentang gaya nila? Hindi ko hahayaang masira ako sa school na to nang dahil lang sa mga yun. Pumasok ako dito sa eskwelahang ito para matuto, sanayin ang ability ko, at alamin kung ano nga ba talaga ang totoong misyon ko.


Mula nang lumipat ako sa school na ito eh halos lagi na akong minamataan ng tatlong yun. Sharlen, Shamara, at Shamei. Ang tatlong babaeng kontrabida sa buhay ko. At nagsimula ang lahat ng yun kay Troy.


Si Troy yung tipo ng lalaking napakatahimik, cold pero mainitin ang ulo. Siya yung tipong halos ayaw ng may kausap. Bihira lang siya magsalita pero sobrang makahulugan naman. May sarili siyang mundo at hindi siya madaling ma-attract kahit kanino.


Pero mula nang lumipat ako sa eskuwelahang ito eh mukhang nakuha ko ata ang atensiyon niya. Madalas kapag klase eh pasimple siyang tumitingin sa akin na ani mong curious sa pagkatao ko. At kada training naman eh nakatingin siya sa akin ng seryoso. Minsan kapag kakausapin ko siya eh sasagutin niya naman ako. Pero kapag ibang estudyante naman ang kakausap sa kaniya eh tititigan niya lang ang mga ito at tsaka na siya aalis. Kaya iyon siguro ang kinaiinisan sa akin nung tatlo. May gusto kasi yung mga yun kay Troy. Pero pakiramdam ko eh walang pake si Troy sa kanila kaya siguro ganoon na lamang ang inis ng mga yun. Hayss





Sa mundong ito, hindi lahat ng tao eh gusto ka. At hindi rin lahat ng tao eh ayaw sayo. Normal lang kung may kinaiinisan ka at Naiinis sayo. Pero ang hindi normal, eh pag may namuo ng galit sa puso mo.





Nagligpit na ako ng mga gamit ko, inayos ko na rin ang sarili ko at tsaka lumabas na ako sa training room na to.



Paglabas ko ng tarining room eh nakita ko yung tatlo. Nagbubulungan na parang mga bubuyog. Tinignan ko lamang sila at laking gulat naman nila nang makita ako. Nanlaki ang mga mata nila na parang nakakita ng multo at halos di mapakali ang mga tuhod nila tsaka bigla na lamang silang nagtatakbo. Tss.. Napailing na lamang ako.






Now, tell me who's the looser?






Ang ayaw ko sa lahat yung kinakalaban ako. Ako yung tipo ng taong hindi mo gugustuhing makalaban. Mabait ako sa mabait. Pero mas worst ako sa worst.


Nandito na ako ngayon sa labas ng office ni Mr. Sean Laze. Pinatawag kasi kaming lima na napiling makipaglaban sa Gazer. At dahil late na ako, panigurado center of attraction na naman ako nito. Kumatok muna ako sa pinto bago buksan ito. At pagpasok ko sa loob, nandoon na silang lahat and as I expected nakatingin na silang lahat sa akin. Yung apat at si Mr. Sean lang ang nandito. Nakaramdam naman ako ng ilang sa titig nila kaya napakagat labi na lamang ako. Tinignan lamang ako ni Sir at saka sinenyasan na maupo sa tabi nung apat. Saka nagpatuloy na siya sa kaniyang pagsasalita.

"I want you to bring home the bacon. Papatunayan natin sa Gazer Academy na hindi tayo talunan. Marami nang nangyayaring kasamaan sa bayan na to nang dahil sa Gazer na 'yan. At gusto kong wasakin niyo iyon. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Seryoso lamang akong nakikinig sa kaniya. Para bang lahat ng sinabi niya eh sumink-in sa utak ko. Tama, hindi kami, ako papayag na mamuno ang kasamaan sa bayan ng Cazarian.



Unti-unting naliliwanagan ang isipan ko. Hindi kaya... ito ang tinutukoy ni Manang Ester na misyon ko? Ang wasakin ang kasamaan sa bayan na ito? Kaya niya siguro ako dinala sa bayan at eskwelahang ito dahil dito ko mismo gagawin ang misyon ko.





Ewan ko pero naguguluhan pa ako. Unti-unti akong nagkakaroon ng clue pero ang kailangan ko lamang gawin ay ang siguraduhin ang mga ito.



"Sige na. Magpahinga na kayo at bukas, umpisahan niyo na ang pagsasanay. Iyon lamang." Habilin ni Mr. Sean at sa muli ay nagpaalam na kami sa kaniya.

Napatingin sa akin si Troy ng curious na tingin na naman. Mapangusap ang kaniyang mga mata. Naiilang ako sa mga titig niya kaya umiwas na lamang ako ng tingin. At aktong magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang bigla niyang higitin ang kamay ko.





Bakas pa rin ang pagkagulat sa akin nang bigla niya akong higitin at dalhin sa isang lugar na kami lang dalawa. Nandito kami ngayon sa classroom namin at malamang walang katao-tao kasi kami nga lang dalawa diba?


Nang bitawan niya ako ay kasabay naman non ang nagugulihan na expression niya. Nakatitig lang siya ng deretso sa mga mata ko na parang marami siyang gustong sabihin.





"Sabihin mo nga sa akin. Sino ka ba talaga?"





















----

To Be Continued...

Breaking Rule No.5 (ALL RIGHTS RESERVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon